Chapter 41

32 2 0
                                        

Everything's messed up inside my mind after thinking too much about RK lately. I can't even seem to focus studying for our upcoming fourth quarter examination day because of it, I was so busy criticizing my own decisions and plans that I forgot there are some things that needed to be taken care of.

It was afternoon that day and RK just dropped me off as usual pero hindi na siya sumama sa akin sa loob dahil may kailangan pa raw siyang gagawin mamaya pagdating niya sa kanila.

Kakapasok ko pa lang sa bahay nang madatnan ko si Momma'ng humihikbi sa sala.

Kaagad na dinaga ng kaba ang dibdib ko ng makita siyang umiiyak kaya naman pahagis kong nailagay ang bag ko at tarantang tumakbo patungo sa puwesto ni mama.

Worry is all written to my face ng iniharap ko siya sa akin at kaagad na bumungad sa akin ang mga mata niyang namamaga dahil sa kakaiyak.

“W-what happened, ma?” my voice trembled, she didn't answered me first but I just stared at her and give her a warm tight hug.

“Ma, could you please tell me what happened?” pagsusumamo ko sa kaniya ng kumalas ako sa pagkakayakap mula sa kaniya, hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak pero hindi naman na ito kasing lala kanina ng madatnan ko siya.

Nag-antay na muna ako ng ilang minuto bago niya tuluyang sinagot ang tanong ko.

“Y-yung papa mo . . . hindi kasi ako mapakali kasi p-pakiramdam ko walang kabulohan yung pag-iwan niya sa atin kaya nag hanap ako ng s-sagot.” panimula niya, pinainom ko na muna siya ng tubig bago tuluyang pinagsalita ulit.

“Nangalap ako ng impormasyon sa mga nakakakilala sa kaniya roon, pati mga kaibigan niya tinanong ko at pinahanap ko na rin siya sa iilang nakakakilala sa kaniya. Ilang buwan, linggo, at araw ang iginugol ko. Hindi ako sumuko para malaman ko kung anong dahilan kung bakit gano'n, k-kung bakit bigla siyang n-nawala . . . ” her voice broke as she tries to explain it to me.

“Pero kanina lang, nakipag video call sa akin iyong A-auntie mo sa father side. Sabi niya‚ nasa samar daw ang papa n'yo at nakatira raw siya sa bahay ng b-babae niya sa mga nagdaang buwan . . . ” hikbing saad ni mama, hindi ko naman mapigilang hindi lumuha ng marinig iyon sa kaniya.

Parang gumuho ang kalahati ng puso ko ng marinig iyon mula sa kaniya, hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman at lalong lalong hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko gayong sobrang layo ng kilala kong ama noon.

“T-totoo ba 'yan?” nahihirapang tanong ko, mas lalong nadurog ang puso ko ng unti-unting tumango si Mama.

Napaupo nalang ako sa sahig habang nakatitig sa kawalan, I kept telling myself that ‘It's okay, your father wasn't like that’ but none of them worked.

For the first time, I felt so freakin’ disappointed with my own father.

Napalunok ako ng mapagtanto kung ano kaya ang magiging reaksyon ng ate at kuya ko sa balitang ito kapag nalaman nila?

Masasaktan kaya sila? Kamumuhian ba nila si Daddy o madidismaya?

Ano ng mangyayari sa amin? Kay mama?

“J-just ignore me anak, l-let me cry this out . . . pangako sa susunod na mga linggo maayos na ako. Ngayon lang ito.” umiiyak na saad ni mama habang pinapahid ang luhang patuloy na tumatakas sa kaniyang mga mata.

Days were a blur and everything seems weighing my shoulders off lately, wala ako sa katinuan at hindi ako masyadong makapagfocus especially kapag nasa school ako.

Kahit ang pag-aaral para sa nalalapit na examination day ay nakalimutan ko ng gawin dahil sa sobrang busy ng utak kong alalahanin ang mga nangyayari sa buhay ko.

On That Same YearWhere stories live. Discover now