Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin ngayon dahil no'ng inaya ako ng lalaking manuod ng movie kasama s'ya ay kaagad n'ya akong napa "oo".
This day's supposed to be celebrating his triumph but now I felt like parang nauwi lang sa date?
Am I even supposed to address it as a date?
Kahit nag aalangan sa mga nangyayari ngayon ay pinagbigyan ko nalang s'ya dahil baka nga may plano na rin talaga sy'ang gawin 'to.
Pero bakit naman hinintay pa talaga n'ya ang oras kung kailan wala na sila Addi, Riza at Paul? Plano n'ya ba talaga itong sumabay at ayain akong manuod sa mismong araw ng napagkasunduan namin?
Marahas naman akong napailing sa naiisip, hindi tuloy ako mapakali.
“Are you okay?” biglang tanong ni RK, napalingon naman ako sa kanya at nag aalangang ngumiti.
“Oo naman.” bahagya ko pang niyakap ang sarili dahil sa pag dampi ng malamig na hangin sa aking mga balat, kahit hindi masyadong expose ang damit ko ngayon ay ramdam ko pa rin ang kakaibang dala ng hangin sa aking katawan.
Ala sais na kasi kami natapos kumain at ngayon ay kasalukuyan kaming nag aabang ng motorsiklo upang mag commute tungo sa coffee shop na pinag iwanan ko nang motor kanina.
Napatingin naman ako sa cellphone ko para sana tingnan kung anong oras na ng maramdaman ko ang paglapat ng kung anong bagay mula sa likuran ko na kaagad namang nagbigay ng kung anong init sa aking katawan, doon ko na realize na inilagay pala ni RK sa balikat ko ang kanyang may kalakihang jacket, napangisi naman ako ng palihim.
Amoy na amoy ko pa ang kanyang nakaka addict na perfume mula sa jacket n'ya. How gentle.
“Thank you.” nakangiti namang sambit ko habang napako ang aking mga mata sa kanyang mata na ngayo'y nakatitig lang din sa akin.
I almost curse at myself when I felt something inside my stomach, it's like the butterflies in it suddenly woke up. I could even hear my heartbeat, they're beating wildly.
Nang mapansing lumalalim na ang pagtingin ko sa kanya ay kaagad akong tumikhim at iniiwas ang tingin sa gwapong binatang kaharap ko ngayon, alam kong napansin n'ya rin 'yon kaya bahagya n'ya ring iniayos ang kanyang sarili.
“So, do you know how to drive?” paninimula n'ya, na weirdohan naman ako sa tanong n'yang 'yon.
Napansin siguro n'ya ang pagbabago ng ekspresyon ko kaya kaagad naman sy'ang bumwilo upang linawin ang kanyang ibig sabihin.
“I mean, I saw a motorcycle outside the coffee shop we currently stayed earlier this afternoon. I bet that was yours.” he said.
“Hmm, you got it right. I do ride.” I said casually. “Okay then, can you take me home later?” he said confidently, I admit it literally shocked me to the core but I immediately agree right away.
“Consider yourself lucky.” I said while smirking at him.
–
Nangangalahati na kami sa movie na napag desiyonan naming tignan kanina ng makaramdam na ako ng pagkaantok, siguro masyado lang akong pagod sa mga ganap ngayong araw.
“Are you sleepy?” tanong ni RK sa tabi ko ng matapos sa paghikab, alam ko kahit i-deny ko man alam n'ya pa ring inaantok ako dahil sa actions ko.
I just nodded lazily and lean my head gently in the chair I'm currently sitting now, I was about to close my eyes when I felt someone's hand touch my cheek.
“Let's go home, shall we?” he asked with his soft voice and since I'm too sleepy to decide my self, I just nodded my head like a good puppy.
Kahit tinatamad na ibuka ang mga mata ay pinilit ko pa rin at tumayo na, naramdaman ko pa ang pagkuha ni RK sa mini sling bag kong dala at kasabay no'n ang pag lagay n'ya ng braso sa balikat ko para alalayan ako.
YOU ARE READING
On That Same Year
Любовные романыIn the tangled web of her teenage years, Iris Dafian's life is a delicate balance of struggles. Academic pressures and fragile family dynamics threaten to consume her, dulling the vibrant spirit that once defined her. But then, fate intervenes, and...
