Chapter 27

20 1 0
                                        

Kaagad namang tumulo ang luha ko sa narinig at napansin naman kaagad 'yon ni RK dahil ng makita ang mukha ko ay kaagad n'ya akong nilapitan ngunit hindi na muna s'ya nagsalita dahil kausap ko pa si tita sa selpon.

“Ano pong nangyari? Saan po kayo?” sunod-sunod na tanong ko rito, rinig ko pa rin ang malalakas na paghagulgol ni tita sa kabilang linya kaya naman hindi ko na napigilang maiyak ng tudo.

“Eh s-send ko sa’yo ang address, pumarito kana..” pagkatapos n'yang masabi iyon ay kaagad n'ya naman ng ibinaba ang tawag at doo'y natagpuan ko ang sariling yumakap kay RK habang binabanggit ang pangalan ni Addison.

Pero hindi naman na ako tumagal sa pagkakayakap sa kanya dahil kaagad ko na sy'ang inaya papuntang hospital kung saan naka confine si Addi ngayon.

Nang makarating sa hospital ay nag uumpisa ng mamaga ang magkabilang mata ko mula sa pag iyak kaya pansin ko ring medyo natataranta na si RK sa gilid ko habang patakbo naming tinahak ang reception, nag tanong lang ako kung saang room si Addi nailagay at ng makuha ang room number ay kaagad na akong tumungo ro'n.

Kinakabahan pa rin ako dahil samo't saring negativity ang naiisip ko pero at the same time nagdadasal na sana okay lang ang pinsan ko, ito ang kauna-unahang pangyayari ang lubos na nakapag paalala sa akin ng tudo sa tanang buhay ko.

Kasi noon, kung may mangyayari man ay minor lamang at nagagamot lang 'yon gaya na lamang ng lagnat o kundi mga simple at common na mga sakit na puwede mong makuha kahit saan.

Sapo-sapo ko pa ang dibdib habang nakatitig sa nakasiradong pintuan ng room ni Addison bago kami tuluyang pumasok, naramdaman ko pa ang malamyos na pag hawak ni RK para alalayan ang nanghihina kong katawan dahil sa nangyari hanggang sa makapasok kami sa loob at tumambad ang nakahigang si Addi na wala pa ring malay hanggang ngayon.

Nakita ko naman si Tita Kaori na nakaupo sa gilid ng hospital bed ni Addi at nakahawak pa ito sa kamay n'ya ng mahigpit habang tahimik na umiiyak. Nilingon ko na muna si RK at nagbigay ng signal na kakausapin ko na muna si tita saglit at ng makuha n'ya ang ibig kong sabihin ay lumabas na muna s'ya ng room para bigyan kami ng kaunting privacy ni tita.

Nang makalapit sa puwesto ni tita ay kaagad ko namang pinatt ang likuran n'ya ng mahina upang bigyan s'ya ng comfort at nang maramdaman n'ya ang presensya ko ay hindi n'ya napigilang tumayo upang higitin ako para sa isang mahigpit na yakap.

Doo'y nag simula ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan, ang daming katanongan na pumapasok sa sarili ko pero hinayaan ko na munang tumahan si tita bago s'ya magsalita sa kung ano ang nangyari kay Addi kanina.

Kahit espesyal ang araw na ito para sa akin, alam ko namang maiintindihan ni RK kung bakit na postpone ang date naming dalawa ngayon.

Naupo ako sa isang sulok at doon ay nag usap kinausap ako ni tita na kakatahan lang mula sa pag iyak.

Mahigpit naman akong napahawak sa hand bag ko. “Pasensya ka na Iris kung nasira ko ang lakad n'yo ha? Ikaw kasi ang unang pumasok sa utak ko mula ng mangyari 'yon kay Addi kanina.” pagpapaumanhin ni tita ngunit umiling lamang ako.

“Ayos lang po tita, mas importante pa po ito kesa sa lakad namin ni RK. May next time pa naman po.” kalmadong saad ko, narinig ko namang bumuntong hininga si tita.

“Hindi ko rin alam kung anong nangyayari kay Addison, Iris eh. Alam mo namang simula bata pa s'ya ay sakitin na talaga at hanggang ngayon ay mayroon pa sy'ang asthma.” panimula n'ya at tumango naman ako upang sumang-ayon.

“Katatapos lang kasi naming kumain kanina at tinulungan n'ya akong ligpitin ang mga platong pinagkainan namin sa mesa kanina, sa kalagitnaan ng paglilinis ko sa hapag kainan namin kanina ay narinig kong may nabasag na pinggan mula sa hugasan kaya dali-dali akong napatakbo upang alamin kung ano ang nangyari.” she paused for a moment and puffed an air before gathering the courage to tell me.

On That Same YearWhere stories live. Discover now