But when life seem too good, there are many things and reasons why bad things always has its own way to throw something that might make your heart shattered into million broken pieces within this life that will never easy to heal the scar it wounded.
It was tuesday morning when Addi didn't attend school, her mother told me she was having a fever so inihatid ko na lamang itong excuse letter sa classroom nila.
Gano'n pa rin naman ang takbo ng buhay ko ngunit medyo pressured nga lang ito ngayon dahil malapit na rin ang exam week at halos lahat ng estudyante ay abala na sa pag aaral.
Sa totoo lang, nahihirapan na rin akong ipagsabay ang pag-aaral at pag t-trabaho ko tuwing gabi dahil masyado nitong pinapagod ang katawan ko pero kaagad din namang napapalitan ng saya dahil sa palagi akong hatid sundo ng boyfriend ko.
Tinutulungan n'ya rin naman ako sa mga bagay na hindi ko na kayang i-organisa ng ako lang at pati sa iilang mga homeworks or activities namin sa school.
Masyado na akong na k-konsensya dahil sa ginagawa ni RK para sa akin pero hindi ko rin naman magawang tumanggi dahil alam ko sa sarili kong kailangan ko talaga ng tulong n'ya at hindi lahat ay kayang kaya ko ngayong there's too much in my plate now.
Palagi ko na nga rin iyong nababanggit sa lalaki at humihingi lang ako ng pasensya pero tinatawanan nya nalang ako at sinasabing ayos lang daw sa kanya 'yon at hindi big deal, kesyo we are one raw kaya hindi iyon mabigat sa kanya.
He's always trying to make me feel that I'm less burden but I just couldn't shake the feeling of being a burden to anyone no matter how much they tried on reminding me that I wasn't. Para bang, nakatatak na iyong katagang "pabigat" sa utak ko kahit alam ko naman sa sarili kong ako lang ang nag iisang nag iisip nito.
RK didn't lack on making me feel loved, assured and being taken care of. Kahit alam kong may part time job s'ya ay hindi ko mapigilang hindi mamangha sa time management skills n'ya dahil nagagawa n'ya iyon lahat ng walang kahirap hirap.
“Bili tayong food sa canteen, babe? Treat ko.” aya n'ya sa akin pero seryuso lamang akong nakatitig sa reviewer ko.
Hindi ko na s'ya nagawa pang sagotin dahil sa sobrang busy ko sa pag-aaral at hindi ko na nga rin namalayang wala na pala s'ya sa harap ko. Ipinagkibit balikat ko nalang iyon at maya-maya pa ay may dala na sy'ang pagkain para sa akin.
“Come on, break a leg babe..” malamyos na saad ni Ruzh, napatingin naman ako sa kanya.
“I can't‚ malapit na ang exam week at wala na akong oras na makapag aral kundi ngayon lang. Ayokong bumagsak alam mo naman si mama.” saad ko ng 'di lumilingon sa kanya, naramdaman ko naman ang pagtayo n'ya at naupo na sa likuran ko kung saan sya original na nakaupo.
Na sense ko naman na parang nag iba ang aura n'ya pero ipinagkibit balikat ko nalang 'yon at bumalik na sa pag aaral ko ulit.
Gano'n lamang ang naging estilo ko buong araw at napuputol lamang ang pag aaral ko sa tuwing may teacher na dumadating para kumlase sa amin, alam ko sa sarili kong hindi na normal itong ikinilos ko.
Kung noon ay alam ko kung kailan at anong oras lamang ako puwedeng makapag aral para hindi mabugbog ang utak ko, ngayon ay wala na. Pakiramdam ko, hinahabol ako ng oras at palagi akong hindi mapakali.
Na p-pressure ako at sa t'wing nakikita ko sa utak ang mukha ni Mama na disappointed sa akin ay nalulungkot ako, kaya naman kahit alam kong na i-intimidate ko na si RK sa behaviour ko hindi ko pa rin s'ya mapagtuonan ng pansin.
Pero, kahit ganoon alam ko namang maiintindihan n'ya pa rin ako. Alam nya naman ang sitwasyon ko at kung bakit ganito nalang ako kung makaasta when it comes to my academic performances.
YOU ARE READING
On That Same Year
Любовные романыIn the tangled web of her teenage years, Iris Dafian's life is a delicate balance of struggles. Academic pressures and fragile family dynamics threaten to consume her, dulling the vibrant spirit that once defined her. But then, fate intervenes, and...
