Ala sinco palang ng umaga at rinig na rinig na ang ingay na nagmumula sa kusina kahit medyo malayo itong kwarto ko mula ro'n ay hindi ko pa rin maiwasang hindi marinig iyong kalampag ng kung ano sa mga gamit na naroroon.
Naghikab pa ako at tamad na pumunta para tingnan kung anong nangyayari ro'n.
Gising na pala silang tatlo, nakaharap lang si ate sa laptop n'ya habang kagat kagat pa iyong toast bread sa kanyang bibig. Si kuya naman ay nagkakape lang sa gilid at si mama naman ay nagluluto.
Tila natigilan pa sila sa ginagawa ng makitang gising na ako. They're just too early, and too noisy.
Tinatamad ko silang tiningnan. "Ang ingay n'yo naman." nakangusong saad ko na ikinatawa lang ng dalawang kapatid ko.
"I'm sorry, maupo ka na.." yaya ni kuya sa akin kahit may balak pa akong bumalik sa kwarto at matulog ay nag desisyon na lamang akong umupo at kumuha ng toast bread na nasa hapag na ngayon.
Kuya immediately make me a coffee, inilagay n'ya pa iyon sa paboritong tasa ko and that left me shock. That's just too unexpected coming from him since huli kaming nagkita at ngayong bumalik na s'ya ay tandang tanda n'ya pa rin ang paboritong tasa kong may tatak ng mukha ni mickey mouse. It was pretty old but nagagamit ko pa rin naman hanggang ngayon.
"Ako na ang maghahatid sa'yo mamaya sa school." he uttered, tumango naman ako. Pansin ko naman ang pag close ni ate sa laptop n'ya at humarap sa akin.
"Wait, 'di ba nabanggit mo Franz na may boyfriend na itong bunso natin." kunot noong sabi n'ya, humigop naman ako ng mainit na kape dahil sa sinabi n'yang 'yon.
"Ah yeah, momma told me. Ano nga ulit yung pangalan no'n?" he asked, magsasalita na sana ako ng biglang sumabat si mama at tila mas kinikilig pa ito sa akin.
"Si Ruzh, mabait ang batang iyon. Matalino, gwapo at sobrang maalaga, kitang kita ko kung paano n'ya iniingatan iyang kapatid ninyo." sabi ni mama habang inilalagay ang ulam na niluto n'ya kanina sa hapag.
Para tuloy akong nahiya pero alam ko namang totoo rin iyong sinasabi n'ya, ganoon naman talaga si RK sa akin.
"Talaga ba? I would like to meet him Iris, you should bring him here." nakangiting saad ni kuya.
"Yeah since isang linggo lang din kami rito at babalik na kami ulit sa maynila." Ate agreed, para namang namula ang mukha ko sa sinabi nila pero masaya pa rin ako dahil alam kong suportado nila ang relasyon namin ng lalaki.
"Kapag ayos na kami ay papupuntahin ko rito." nakangusong saad ko at narinig ko naman ang mahinang pagtawa nila.
"Ah, so LQ pala kayo ngayon? Sinong may kasalanan?" natatawang tanong ni ate sa akin habang maingat na inoobserbahan ang mukha ko.
"Ako.." mahina lang iyon pero alam kung narinig din nila iyong sinabi ko.
"Pag usapan n'yo nalang kapag okay na iyang mga emosyon n'yo, mukha namang seryuso talaga 'yang lalaking 'yan sa'yo kaya push mo lang." pabirong saad ni ate.
Saglit pa silang nagtanong sa akin tungkol sa amin ni RK, kung saan ba raw kami unang nagkakilala at kung kailan ko s'ya sinagot. Doon ko lang din napagtantong kahit hindi na kompleto ang pamilya namin ay kontento pa rin ako dahil na andiyan pa rin sila, kahit na alam na naming wala na nga kaming tatay at tuloyan na nga kaming iniwan ay hindi pa rin iyon naging hadlang sa amin upang hindi tuluyang mawala ang genuine smile namin ngayong nagkakasama na kami.
Katulad ko, alam kong kontento na rin sila sa kung anong meron lang sa amin ngayon.
Natapos lang ang usapan namin no'n no'ng malapit ng mag 6:30 dahil kailangan ko ng kumilos.
YOU ARE READING
On That Same Year
RomanceIn the tangled web of her teenage years, Iris Dafian's life is a delicate balance of struggles. Academic pressures and fragile family dynamics threaten to consume her, dulling the vibrant spirit that once defined her. But then, fate intervenes, and...
