Kinabukasan, maaga na akong sinundo ni RK sa bahay dahil sinabihan ko sy'ang bibisitahin namin si Addi sa hospital ngayon pero bago pa kami tuluyang dumiretso do'n ay bibili na muna kami ng makakain ni Addi kagaya na lamang ng prutas at pagkatapos ay dadaanan nalang namin si Riza sa kanila.
No'ng sinabi ko sa kanya ang nangyari kay Addi kagabi ay nakipag video call kaagad s'ya sa'ken sa messenger at doo'y parehas kaming napaiyak ng ma eh kuwento ko sa kanya ang nangyari bago s'ya mawalan ng malay.
Nang mabili ang dapat bilhin tumungo na kami kaagad ni RK sa bahay ni Riza at nang makarating ay hindi naman na kami naghintay pa ng matagal dahil nakaabang na s'ya sa labasan ng kanilang bahay at hinihintay kami.
“Kanina ka pa jan?” bungad ko sa kanya, pansin ko pa ang pamamaga ng magkabilang mata n'ya dahil sa naging pag-iyak siguro namin kagabi at gano'n din naman ang mata ko ngayon kaso naghilamos lang ako bago matulog kagabi para maibsan ang pamamaga ng mata ko kaya naman medyo hindi na halatang umiyak ako kagabi.
Malungkot namang tumango si Riza kaya naman pinaangkas ko na s'ya sa likuran ko, napapagitnaan nila akong dalawa ni RK sa motor ngayon.
“Okay na?” RK asked. “Oo.” at pag sabi ko no'n ay kaagad na rin naming tinahak ang daan patungong hospital kung saan naka confine si Addi kahapon.
Nang makarating sa hospital ay ipinark lang ni RK ang motor na dala n'ya at magkasama naman kaming lumakad patungong loob, pansin ko pang wala masyadong tao ngayon ang palakad lakad sa labasan ng hospital kaya nasa isip ko ay baka wala rin masyadong tao sa loob.
Bago tuluyang makapasok sa loob ay kinuha pa ni RK ang pinamili sa kamay ko gayon din ang aking sling bag na dala at inilagay n'ya lang ito sa kanyang leeg. There goes the gentleman.
Napansin ko naman ang pabirong pag irap ni Riza sa gawi namin ni RK pero tinawanan ko lang s'ya ng mahina at kumapit naman ako sa kabilang braso n'ya, ang lalaki naman ay tahimik lang na sumunod sa'min patungong kwarto ni Addi.
Nang makarating ay kumatok na muna ako sa pintuan at may naririnig pa akong parang nagbabangayan sa loob kaya naman pinihit ko ang door knob para tingnan kung anong nangyayari sa loob at bumungad naman ang nakaupong si Addi sa hospital bed habang si Tita Kaori naman ay may hawak-hawak na pinggan at sinusubukang suboan si Addi ng pagkain.
“Sige na, ubusin mo na 'to anak. Kailangan mo ng enerhiya.” pag pupumilit ni tita sa babae pero nanatili lang na nakatikom ang bibig ni Addi, I can't help but to feel happy knowing that she's finally up.
They might've noticed our presence dahil kaagad namang ibinaling ni Tita at Addi ang tingin nila sa amin.
Patakbo namang lumapit si Riza kay Addi para siilin s'ya ng isang mahigpit na yakap habang naiiyak pa ito, ako naman ay naglakad patungong puwesto ni Addi at sumunod naman si RK sa'ken. Bahagya pang ipinatong ang braso sa balikat ko habang si Tita naman ay inilapag ang pinggan na hawak n'ya sa isang table sa gilid ng hospital bed ni Addi.
“Andito na pala kayo, nako! Kumain na ba kayo? Teka, ibibili ko kayo ng makakain.” tarantang saad ni tita na ikinatawa ko lang naman ng mahina, magsasalita pa sana ako ngunit naunahan na ako ni tita.
“Maiwan ko na muna kayo sa anak ko ha at bibili lang ako sa labas.” aniya at diretso ng lumabas ng kwarto. Napailing-iling na lang ako.
“May masakit ba sa'yo? Sabihin mo hays, alalang-alala ako sa'yo ng malaman kong nahimatay ka kahapon.” naiiyak na sambit ni Riza habang nakayakap pa rin kay Addi.
“Oo ayos lang ako, t-teka bitaw na parang sa yakap mo lang yata ako mamamatay eh!” suway naman ni Addi habang pinipilit na kumawala sa yakap ng kaibigan.
YOU ARE READING
On That Same Year
RomanceIn the tangled web of her teenage years, Iris Dafian's life is a delicate balance of struggles. Academic pressures and fragile family dynamics threaten to consume her, dulling the vibrant spirit that once defined her. But then, fate intervenes, and...
