I don't know what had gotten into me but at this very moment, I just wanna do this.
Even if he'll get mad, even if he'll throw hateful words. Tatanggapin ko iyon ng buong-buo nang walang kahit na anong bahid ng pagkainsulto sa mukha ko.
Kung itutulak niya man ako at sasabihing hindi niya na nga ako mahal ay wala na akong pakealam, basta ang sa akin lang ay maramdaman niya kung gaano ko pa rin siya ka mahal at kung gaano ko pa rin pinanghahawakan iyong mga katagang sinabi niya sa akin bago kami tuluyang maghiwalay.
Ilang minuto pa ang nakalipas at ini-expect kung kakalasin niya mismo ang pagkakayakap ko sa kaniya at ipagtataboyan niya ako kagaya ng ginawa ko sa kaniya noon ngunit wala, hindi iyon nangyari.
Ramdam ko lang na bagsak ang kaniyang mga balikat at hindi niya man lang ako niyakap pabalik.
Umihip ang malakas na hangin sa paligid at kasabay no'n ang unti-unting pagkalas ko mula sa pagkakayakap sa kaniya.
Kahit na puno ng luha ang mata ay iniharap ko pa rin ang mukha ko sa kaniya at mariing hinawakan ang daliri ko ng pa sikreto sa aking likuran.
“Are you okay now?” he uttered, cold and emotionless.
Ni wala man lang akong emosyong nasilip sa mga singkit niyang mata. Nanatili ang mga mata kong nakatitig sa kaniya at habang tumatagal iyon ay parang may kung anong sumasakal sa loob ng dibdib ko.
“Kung okay ka na, I'll just drive you home. Mag-usap nalang tayo sa susunod na araw.” dire-diretsong sabi niya at akmang aalis na sana ng hawakan ko ang braso niya.
Bahagya siyang tumigil sa paglalakad at hindi man lang lumingon sa akin.
“I-i'm sorry, RK.” iyon ang unang lumabas sa bibig ko.
I lowered my gaze, still my tears are falling while I'm trying my best not to stifle another sound of my cries. Baka isipin niya lang na nang g-guilt trip ako.
Nanatili siyang nakatalikod sa akin at hindi man lang umimik na para bang pinagbibigyan niya ako ng oras para mag paliwanag, ramdam ko rin ang paunti-unting pagbigat ng puso ko but I manage to pull myself together.
I just wanna let him know that after all I've done, I still love him. I still want him back, even if he'll reject, even if he'll hurt me as revenge too. I'll still hold him, I'll still hold his promises.
I wiped the escape tears in my cheeks.
“I-im sorry for leaving you, I'm sorry kasi hindi ko piniling ilaban yung pagmamahal mo sa akin noon.” my voice cracked.
“T-that day . . . my life's a whole mess and I don't wanna tell you because I don't want you to carry out my burden again. I wanna handle things on my own but I failed on doing so, that time instead of relying on you, finding strength in your arms— I chose to let you go kasi noong narinig ko yung usapan n'yo ng papa mo sa telepono, I had my d-doubts.” I added, trying to catch my breath.
“P-pakiramdam ko kasi noon, ako yung dahilan kung bakit ayaw mong tanggapin yung offer ng papa mo—”
“H-how dare you . . . ” mahinang sabi niya pero sapat na 'yon para marinig ko at para mabasag ang isang parte ng puso ko.
He look directly in my eyes and there I saw the burning anger he's been trying to hide for all these years, my knees trembled at the sight of it.
“How dare you think like that, Iris!” medyo pasigaw na saad niya dahilan para mapaawang ang bibig ko.
Ito ang unang beses na sinigawan niya ako, kaya hindi ko mapigilang hindi masaktann. But, I know I cannot blame him. I understand him, I understand how he feels.
YOU ARE READING
On That Same Year
RomansaIn the tangled web of her teenage years, Iris Dafian's life is a delicate balance of struggles. Academic pressures and fragile family dynamics threaten to consume her, dulling the vibrant spirit that once defined her. But then, fate intervenes, and...
