Chapter 33

16 1 0
                                        

Dumaan ang isang linggo at napapadalas na ang pagkawala ko sa sarili lalo na kapag umaga at nasa school ako. Napapansin iyon ni RK, Addi at Riza sa akin pero ang lagi ko lamang nirarason ay hindi maayos ang tulog ko at masyado akong maraming ginagawa sa bahay kahit ang totoo ay nasa duty naman talaga ako at umaga lamang ang pahinga ko.

Hindi ko na sinabi kay RK na may problema sa pamilya ko at ngayong nag t-trabaho na ako ngayon, ayoko kasing mag alala pa sya sa'ken gayong marami na rin sy'ang iniisip, alam ko naman kasing nag p-part time rin siya kahit hindi n'ya binabanggit sa akin.

Napangalumbaba lamang ako sa desk at inaantok na ipinikit ang aking mga mata ngunit sa kadahilanang maingay ang mga kaklase namin ay hindi ko man lang magawang matulog ng mahimbing.

Maya-maya pa'y naramdaman ko ang pagtabi ng kung sino sa gilid ko at tila ba pinipilit n'ya akong tingnan s'ya, maiinis na sana ako ng bumungad sa paningin ko ang pagmumukha ni RK. Bakas pa sa kanyang mukha ang labis na pag aalala.

I bit my lower lip so hard, ayokong mahalata n'yang nanghihina ako gayong alam naman niyang hindi naman talaga ako ganito dati. Kahit pa rin naman pilitin kong hindi ipahalata ay mahahalata pa rin naman n'ya 'yon.

I just lowered my head at nag planong isubsob muli ang pagmumukha ko sa desk ng hawakan n'ya ang baba ko at iniharap iyon sa kanya, bahagya pa n'yang tinapik iyong mainit niyang palad sa noo ko na para bang nilalagnat ako kahit ang totoo'y hindi naman.

“What are you up to these days, Iris?” he said, sounding so obviously worried. By the look of his eyes I knew he's so worried about my situation, ni kahit pag aayos sa sarili ay hindi ko na nga magawa dahil sa sobrang pagkaantok at pagkapagod ko.

Umupo naman ako ng maayos at bahagya pang iniayos ang sarili ko, inilapag naman n'ya kaagad sa desk ko ang tatlong snacks na alam kong binili n'ya pa 'to sa canteen.

“I think we need to talk..” he said slowly, tumango naman ako. He got up and I just followed him, we reach the garden of the school where we occasionally met and we sat at the bermuda grass. There was no one when we got there so the place is free for us to talk our issues. Or my issues.

I bit my lip as the guilt of not telling him about my situation‘s starting to kick in, ayoko na sanang sumama pa para pag usapan 'to kasi alam kong iiyak na naman ako ulit sa harapan n'ya kapag sinabi ko. Pero, alam kong may karapatan din naman sy'ang malaman 'to dahil manliligaw ko s'ya at alam kong concern lang din s'ya sa kalagayan ko.

I felt a lump in my throat as I thought of it, even though gustong gusto ko ng tumakbo sa mga braso n'ya at mayakap s'ya ng sobrang higpit ay hindi ko magawa, ayaw ko kasing makaapekto sa kanya itong sitwasyon ko at ng pamilya ko ngayon eh. Ayokong pasanin din siya iyong bigat na dinadala ko.

Na m-miss ko na iyong mga lakad namin nang kami lang dalawa, gustong gusto kong magpasundo sa kanya tuwing mag ah out na ako kasi natatakot akong maglakad o mag commute pauwi kasi ako lang mag isa. Pero, hindi ko kayang magsabi sa kanya.

“Look, I'm not mad at you or something hm? I just need to get these questions out off my head since you've been acting weird since last week pa.” maingat na sabi n'ya and he reach for my hand and lock it with his.

“Anlaki ng pinagbago mo, iyong mga mata mong masisigla dati hindi ko na makita ngayon..” he uttered in a sad tone and that made my heart ache, so much.

“Alam mo namang nandito lang ako para sa'yo 'di ba?” he said softly while caressing my hand gently. “Anong problema hm? Just tell me, ayokong nakikita kang ganito. Kahit ngumingiti ka sa'ken, alam ko sa sarili kong peke lang 'yon.” he paused for a moment. “You’re just maybe doing it to reassure me na I shouldn't worry but you're doing it so wrong, Iris..” malungkot na saad n'ya.

On That Same YearWhere stories live. Discover now