Chapter 36

221 10 0
                                        

Red day.

Chivalry’s POV

Halos mamilipit na ’ko rito sa pwesto ko, yung mga kaklase ko naman walang magawa kung hindi titigan ako dahil hindi nila alam kung anong nangyayari ngayon.

Tapos na exam namin, at patapos na rin ang buwan ng august.

"Anong araw ngayon?" Nang-hihinang tanong ko.

"It’s august 29," tumango lang ako.

Nakalimutan ko na yung araw, nasobrahan ako sa pahinga.

Bakit ngayon pa kung kailan nasa school na ’ko? Wala akong dalang extra pads at pants and undies. Hindi naman kasi sumakit puson ko no’ng mga ilang araw bago ako mag-mens, walang warning-warning. Biglaan pa lang dadating.

"A-ahm.." Nahihiya akong tumingin sa kanilang lahat.

"Ano ’yon?"

"Paalis blazer ko, please," namamaos na rin boses ko, naiiyak na ’ko.

Ramdam ko na yung mens ko, nahihiya akong tumayo sa upuan ko. Pakiramdam ko natagusan na ’ko.

Bwisit, nakaka-iyak na nakakahiya.

Lumapit naman si Ian sa pwesto ko, dahan-dahan niyang inalis blazer ko at inabot sa akin.

"P-pwedeng tumalikod k-kayo?" Kahit naguguluhan sa inaasta ko, lahat naman sila tumalikod.

Tumayo ako at sinilip yung upuan ko, mabuti nalang at walang tagos. Mabilis kong tinali yung blazer sa bewang ko para matakpan puwetan ko. Umupo agad ako dahil masakit pa rin puson ko.

"H-harap na kayo," sabi ko habang naka-dukdok ang mukha sa lamesa.

Wrong timing mens ko, akala ko bukas pa dadalaw.

"Ano bang nangyayari sayo? Kanina kapa namimilipit simula pumasok ka." Tanong ni Ethan, kahit kunot-noo e mababahid sa boses nito ang pag-aalala.

"Dalaw, may bisita ako." Lahat sila naguluhan sa sinabi ko, yung iba tumingin pa sa pinto para tignan yung sinasabi kong bisita.

"Ina naman, hindi tao tinutukoy ko." Nataranta sila dahil napahiyaw ako sa sakit.

"W-what happened?" Hindi ako maka-sagot sa kanya, "Call Darcey or Amaya!

Amaya’s POV

Lalabas na sama kami ni Darcey, kaso may sumulpot na taga-section red sa harap namin. Si Vincent at Tyler.

"What do you need?" Iritang tanong nitong katabi ko.

"Grabe ka naman, tulong niyo ang kailangan namin. Si Val kasi-"

"Anong nangyari kay Ry?" Nag-aalala kong tanong.

"Umiiyak, namimilipit sa hindi ko alam? Naka-hawak siya sa tiyan niya." Napa-tingin kami ni Darcey sa isa't isa.

Shoot, mukhang may dalaw siya today.

"Iabot mo ito kay Mrs. Cruz, sabihin mo scratch papers ng section green iyan, section one kamo. Inutos ng president namin." Natawa si Darcey sa sinabi ko.

Tumango lang sila at tinanggap yung papel.

Madali kaming pumunta sa room nila, at naabutan naming pinaliligiran nila si Ry. Agad kaming pumunta sa pwesto niya, at tama nga yung dalawa. Namimilipit na siya sa sakit.

"Ry, stand up. Aalalayan kita papuntang comfort room. Amaya, maiwan ka rito." Tumango lang ako sa inutos sa amin ni Darcey.

Walang sumunod sa kanila, miski itong si Killian nanatiling tahimik at tulala.

The Last Girl StandingStories to obsess over. Discover now