Confession
Chivalry’s POV
"Lock the door," nagulat ako sa inutos niya, ano gagawin? Bakit ilo-lock? "Stop imagining things, just lock the door."
Tumayo agad ako para i-lock pinto ng kwarto niya, taray. Dalawa yung lock, sa taas at gitna. Talagang hindi ito mabubuksan agad-agad ng kung sino.
"Then sit in front of me," utos niya ulit. Sumunod naman agad ako.
Pansin kong naka-tago na mga notebooks ko at yung kanya, maayos din yung bag ko sa kama niyang color dark blue.
"Ano? Bilisan mo, uuwi rin ako agad." Saad ko.
Napa-ngiwi naman siya pero agad ding sumeryoso, anong meron?
"Don’t tease me after this, alright?" tumango nalang ako sa sinasabi niya.
He looks directly in my eyes and hold my hands.
Bigla nalang siyang namula, hindi naman mainit. Malamig nga rito sa kwarto niya e, dalawa aircon ang hayop.
"Bilisan mo, hoy!" Nauubos na pasensyang sigaw ko.
"I-i-i—" Tanginang iyan puro i, pinutol ko agad sasabihin niya sa sobrang inis.
"Anong i? Lintek na iyan." Bwisit kong saad.
"Just let me finish my words!" Mas lalo akong nainis kaya tumayo ako.
Pero ang loko hinila ako pabalik sa upuan, masama niya ’kong tinignan kaya umupo ulit ako. Katakot e.
"Look, I’m being serious here. So please, be serious too," tumango nalang ako, sama ng tingin sa akin e. "I-i," ayan na naman ang bwisit na i na iyan, huminga siya nang malalim bago mag-salita ulit, "I actually like you..." Pahina nang pahina boses niya, buti nalang narinig ko.
Pigil huminga akong tumingin sa kanya, gulat na gulat ako sa narinig ko. Sa sobrang gulat ko, nag-mamadali akong tumayo.
Hinila naman niya ako pabalik, "Where are you going? Hey! Talk to me!" Wala akong nagawa, umupo ulit ako. But this time, naka-yuko na.
Yukong kahihiyan.
"I know this is weird—"
"Weird talaga! Kung ano-anong sinabi mo sa p-pinsan ko, tapos b-biglang ganito..." huminga ako nang malalim at lumuluhang tumingin sa kanya, "B-bakit? Nag-uumpisa ka na ba sa lintek m-mong pag-hihiganti sa p-pinsan ko?!" Sigaw ko sa kanya, wala pa ring tigil sa pag-landas yung luha ko, nahihirapan na rin akong huminga.
Alam kong lalapitan niya ’ko kaya mabilis akong tumayo at umiiling na dinuro siya, "Huwag mo ’kong lalapitan!"
Tinignan niya ’ko na may nangungusap na mata, "Stop... I already explain it to you, I’m just fooling him around, okay? Sshhh.. Stop crying now, your nose is getting red." Niyakap ako nito, pero hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak.
"I-inamo, crush p-pa lang kita. Ikaw gusto mo na ’ko," mas lalo akong umiyak kaya nataranta siya.
"H-hey! Don’t cry," hindi niya na alam gagawin niya, narinig ko pang bumulong siya. "What the fuck."
"Anong o-oras na?" Tanong ko habang pinapahid luha ko.
"It’s already 6 P.M I’ll take you home. Tomorrow your Dad and Brothers will be back home." Tumango lang ako at tumayo na.
Oo nga pala, uuwi na sina Papa bukas agad. Hindi rin sila pwedeng mag-tagal, may kailangan pa silang asikasuhin dito sa pinas.
"Mom, Dad," tawag niya sa dalawang magka-akbay, "I’m going now. Ihahatid ko pa siya."
YOU ARE READING
The Last Girl Standing
Roman pour AdolescentsChivalry lives a life that most people would never understand. To others, she's just a normal student trying to get through school and enjoy time with her friends. But behind that simple life is a world she has always known-one that requires strengt...
