Kidnapped
Chivalry's POV
"It's okay, don't be sad. Bawi ka nalang next time, sweetie." Pagpapa-kalma ni Mama sa akin.
Kanina pa kasi ako sumisinghot, papasok nalang kami't lahat-lahat, para pa 'kong engot na umiiyak. Nag-sumbong kasi ako sa kanila na bagsak ako, no'ng una nagulat pa sila. Pero no'ng pinakita ko na yung card at exams results ko, para silang nabunutan ng tinik. Ngumiti lang sila sa akin at sinabing 'It's enough, you work hard to get this.' Pero umiyak pa rin ako kasi bagsak sa paningin ko iyon. Hindi manlang nag 95 ang bwisit.
"Ingat." Pilit ngiti akong lumabas.
Ayokong magpa-hatid, mabilis lang akong nag-lakad para hindi na nila ako alukin.
Morning exercise na rin ito.
Masama pakiramdam ko, pero wala naman akong lagnat. Alam mo yung parang mamamatay ka sa sobrang sama ng pakiramdam mo, lalo na sa paligid. Parang may sasakmal sayo.
Habang papa-lakad, may unti-unti akong napapansin. May sumusunod sa akin.
Agad kong chineck bag ko kung may dala ako, buti nalang at meron akong pang self defense. Mamaya sakmalin nalang akong bigla.
Nag-chat na rin ako sa GC namin na may sumusunod sa akin at naka turn on location ako if ever. Pero walang nagsi-seen, mukhang mga busy or may ginagawa pa sila.
Sa sobrang kaba ko, halos patakbo na yung ginawa ko. Wala pa 'kong masyadong tao na nakikita, kaya mas lalo akong kinabahan. Hawak-hawak ko ang phone ko at mabilis na tumakbo kaso kamalas-malasan mahuhuli pa ata ako.
Tumakbo lang ako nang tumakbo, ayokong lumingon sa likod baka mahuli na talaga ako.
Biglang may tumawag, hindi ko nakita kung sino. Wala rin akong planong sagu-
"Hmp! Bitaw!" Pilit akong kumakawala sa siraulong humaltak sa dalawang braso ko.
Pilit akong lumalaban, kaso sa tiyan ako natamaan kaya mas lalo akong nahirapang kumilos.
"Argh.." Dinig kong daing nitong may hawak sa akin.
Akala ko makaka-takas na 'ko, kaso may van na dumating at puro mga lalaking naka-itim ang lumabas! Nagmamadali silang pumunta sa akin, samantalang ako hindi na alam gagawin. Sinikmuraan ako at hinampas binti ko, mas lalo tuloy akong nahirapan.
Kusa nalang akong sumama sa kanila, mas masasaktan ako kung magpu-pumilit pa 'ko. Baka mamatay nalang akong bigla.
Pag-sakay namin sa van, may panyo na tumakip sa ilong ko kaya nahilo ako.
Tangina, ang baho. Anong hininga ba meron sila?
Sa sobrang hilo na nararamdaman ko, alam kong unti-unti na 'kong pumipikit. Hanggang sa lamunin nalang ako ng dilim.
Vincent's POV
Maaga akong kumilos, sa sobrang aga para akong tinatamad na pumasok. Ang lamig ng tubig at ang sama ng tingin ni Daddy sa akin.
"Umayos ka, Rhys. Sinasabi ko sayo, ipapa-ban kita sa hideout." Nagulantang ako sa sinabi ni Daddy.
Mas binilisan ko pa kilos ko, kahit sa pagkain binibilisan ko. Halos mabulunan na 'ko kaya sinaway na 'ko ni Mommy.
"Stop, umayos ka Vicente. May kalalagyan ka sa akin." Seryoso na boses niya kaya si Daddy kinabahan na rin.
Ano? Under ka pala e.
Mabilis lang pag-kilos, hindi na rin ako nag-paalam sa kanila. Nagpa-hatid ako sa pinsan ko, tinatamad akong mag drive.
Pag-pasok ko sa room, halos kompleto na kami pero si Val wala pa.
YOU ARE READING
The Last Girl Standing
RomanceChivalry lives a life that most people would never understand. To others, she's just a normal student trying to get through school and enjoy time with her friends. But behind that simple life is a world she has always known-one that requires strengt...
