Exams results
Chivalry’s POV
"Diyos ko po, wednesday na bukas! Parang gusto ko nalang mabulag." Bulong sa akin ni Vincent.
Kanina pa iyan siya, hindi mapakali. Paano inaalala grades at scores niya, parang hindi nag-review e.
"Nag-review kaba?" Tanong ko, agad naman siyang tumango. "Nag-review ka naman pala, anong inuungot mo riyan?"
Nabigla ako sa pag-padyak niya na parang bata.
"Natatakot nga ’ko! Kahit pa nag-review ako, baka mamaya mali-mali naman na-sagot ko. Ending lagapak ako." Nag-pekeng iyak pa siya sa harapan namin.
"Bahala ka sa buhay mo, aning." Mahinang bulong ko at iniwan siya.
Pumunta naman ako sa pwesto nila Killian at mga tropapeeps niya.
"Pahingi!" Sabay lahad nang kamay ko.
"Tattoo ba iyan?" Napa-tingin silang lahat sa daliri ko, hawak ni Aiden ang king ina.
Napansin niya pa iyon, maliit na mga sobra e. Tumango nalang ako.
"Bahala kayo," tinalikuran ko na sila at bumalik na sa pwesto ko.
Lutang ako mag-damag, hanggang sa mag breaktime lutang ako, pati kanina lutang ako. Hindi nga 'ko maka-usap ng maayos e, hanggang sa mag-uwian na lutang pa rin ako. Alam niyo kung bakit? Kasi nga baka makita ni Papa tattoo ko, pagalitan na naman ako no'n. Ay takpan ko nalang.
Good idea, Chi.
"Hoy! Kanina ka pa namin tinatawag, tulala ka." Sabay hampas ni Vincent sa braso ko.
Tinaliman ko naman ito ng tingin.
"Gago, iniisip ko kung anong reaksyon ni Papops sa tattoo ko."
Nagugulat niya ’kong nilingon, "May tattoo kana?!"
"Isigaw mo pa tangina, sakit-sakit sa tainga ng boses mo."
"Ito naman, malay ko ba," pinakita ko nalang sa kanya yung maliit kong daliri. "Wow, infinity."
"Infinity and beyond ang meaning."
"Bakit infinity lang?" Napa-tili ako sa biglaang sulpot ng iba naming kaklase.
"Kasi infinity lang." Hirit ni Tyler.
"Haha, funny. Funny-nginamo." Ano raw? Mema sabi nalang 'to.
Sumingit na ’ko, "Nasa daliri ng master niyo yung beyond."
Gulat silang tumingin sa akin kaya napa-atras ako.
"Couple tattoo?"
"To infinity and beyond?"
"Kayo naba?" Tarantadong tanong 'to.
"Kita mong niligawan ako kahapon, gago kaba? Ano ako? Easy to get? Sakmalin kita, tamo." Inis kong sagot.
"Chill, ta-tanong lang e."
"Tanong mo pang walang utak!" Singhal ni Claude.
"Oh talaga ba? Tignan natin sino walang utak bukas." Hamon nitong isa.
Kung hindi lang pumagitna si Tyler, baka nag-sapakan na sila e.
Natigil lang kami sa pagla-lakad dahil bumungad apat kong kaibigan.
"Omg, girl. We missed you."
"Miss ko na rin kayo, parang isang taong tayong hindi nag-kita, ah?"
Natawa naman sila sa sinabi ko.
YOU ARE READING
The Last Girl Standing
RomanceChivalry lives a life that most people would never understand. To others, she's just a normal student trying to get through school and enjoy time with her friends. But behind that simple life is a world she has always known-one that requires strengt...
