CHAPTER 4 (The Katherine Lane)

851 15 1
                                    

Namangha ako sa ganda ng lupain nila. Sa rancho nila nanggagaling ang pinakamagandang klase ng mga prutas at gulay. Isa rin sa pinagmamalaki nila ang ilog na naging pag-aari na rin ng pamjlya nila. Hindi ko inasahan na may ganito palang lugar sa labas ng rancho namin. Buong buhay ko naman kasi nakakulong lang ako noon eh.

"Ser, siya ba ang gelpren niyo?" Tanong ng isang natandang nakaupo sa ilalim ng puno ng mangga.

"Naku ho hindi! Pinsan ko po 'yung pakakasalan niya. Nakisabit lang po ako para makita ang rancho nila. Maganda pala ho dito." Kinakabahan kong sabi at parang natawa ang matanda sa pagiging defensive ko.

"Balak sana namin mangisda sa ilog. Nandyan ho ba 'yung bike? Hindi kasi pwede ang sasakyan sa mabatong bahagi ng daan eh." Tanong niya sa matanda.

"Nandyan ho ser, pakukuha ko ho."

"Salamat, manong."

Tumayo ang matanda ang nakangiting naglakad palayo.

"Jusme, ako ang inisip na girlfriend mo ha. Ang layo-layo ko naman kay Ayesa." Nakangiti lang siya sa akin.

Umupo kami sa bangko na nasa ilalim ng puno.

"You're just like her. Mahina ang confidence pero maganda. You're just like her, and your wit. Nakakatawa kasi parang bumalik lang siya." Ako maganda? Maganda nga daw ako pero mas maganda si Cassandra at wala nga akong facial o spa man lang. Paano naman ako naging maganda?

"You've gotta be kidding me. I'm just enough. Not ugly nor beautiful. I'm just... me. That word fits Ayesa really well. Maganda naman talaga siya noon pa lang. Ang swerte mo kaya, madaming haciendero ang naghahabol sa kanya. High school pa lang kami noon habulin na siya." Ngumiti lang siya at nanatiling tahimik.

"Ayesa is just like a beauty pageant contestant. She's polished and beautiful. You, on the other hand scream innocence, intelligence and humility. Hindi sa sinasabi kong mayabang si Ayesa. She likes being proud and you don't. I can clearly see your difference. Magkaibang-magkaiba kayo." He smiled. Feeling ko ang init ng mga pisngi ko pero hindi naman mainit ngayon, malamig nga eh kasi malapit na ang December.

"A-no ka ba! Hindi naman ako... humble. Feeling mo lang 'yun kasi medyo hindi ako nakaayos at medyo mukhang basahan. Gipit kasi ako sa budget nitong nakaraang taon. Ang mahal kasi ng libro lalo na 'yung  tuition. Ayoko kasing galawin 'yung binibigay ni lola 'tsaka 'yung natanggap ko sa parents ko nung mag-twenty one ako. I want to keep that for my future kids... if ever may magkagusto." Parang gusto ko ngayon kurutin ang sarili ko sa hiya. Talagang ibinandera ko pa ang single life ko. Grabe nakakahiya gusto ko nang umuwi.

"Sinong nagsabi na mukha kang basahan? You're beautiful, really beautiful. You're like an Asian/Brazilian or Spanish pero mukhang Filipina. You have great honey skin just like Brandon and Timothy. Ayesa is like a Japanese, maputi at balingkinitan." 

Oo, at minsan naiinggit ako kasi maputi siya at ako hindi. 

"Sus baka dahil lang sa mata at kulay ko. Ikaw naman, kanina mo pa pinipilit na purihin ako ha. Tara na nga andyan na si manong dala 'yung... bike. Teka, bakit isa lang?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya ulit.

"I-aangkas na lang kita. Ako bahala, 'di ka mahuhulog, promise." Nagtaas pa siya ng kamay.

"Baka ano kung ano na ang iniisip ng mga tao dito. Ayoko naman gumawa ng eskandalo at baka mamaya pagselosan ako ni Ayesa. We're never on good terms, I swear. She basically hates me." 

"Ano ka ba, loosen up. Tara!" Sumakay siya ng bike at umupo ako sa likuran. Gusto ko mang kumapit sa bakal na upuan eh masyadong maliit para sa akin kaya kumapit na lang ako sa damit niya. Kinakabahan talaga ako kasi magkadikit kami ngayon. Ayoko namang isipin niyang may gusto ako sa kanya o kaya nandidiri sa kanya.

Through the looking glassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon