"Jake! Nakita mo ba 'yung palabas sa TV? Grabe, ang ganda pala ng Meteor Garden. Kinilig ako kahit imposible naman akong magka-F4." Natawa ako at sumimangot lang si Jake. Ayaw niya kasing nanunuod ako ng mga palabas na mga singkit ang bida kasi raw malaki ang mata niya. Nakakatawa talaga siya minsan kapag childish. Ayaw niyang kumain ng apple na may balat at ayaw din niya ng mainit na tubig. Basta, konti pa lang 'yun sa ka-weird-uhan ni Jake pero kahit ganun, mahal na mahal ko pa din siya.
"Mas gwapo naman ako sa kanila. Partida nga wala pa akong buhok eh. 'Yung mga mata ko ang haba ng mga pilik mata kaya malayong-malayo sila sa kagwapuhan ko." Pagbibida na naman niya na talagang nagpapatawa sa akin. I love his angst and confidence. He's just refreshing.
"Bakit ba? Bawal na akong magkacrush sa iba? Ang daya naman eh pero 'yung babaeng nasa chemotherapy kanina nginitian mo. Hindi ka talaga fair, Jake." Ngumiti siya at hinatak ako paupo sa tabi niya. Hinalikan niya ang noo ko at niyakap.
"Hindi na ako makapaghintay na makaalis tayo dito sa ospital. I want us live a normal and happy life, 'yung masaya at walang sakit. Ayoko na nakikita kang umiyak kasi nasasaktan at nahihirapan ka sa chemotherapy. I want you happy. Ganun naman dapat, 'di ba?" I smiled at him.
"Oo naman. Gusto ko lagi tayong masaya na walang problema. Alam ko imposible pero walang imposible lalo na kung talagang determinado tayo. Balak ko magmedicine, Jake. I wanna be a doctor to help those people just like us." He smiled and planted a soft kiss on my cheek na agad namang nagpamula ng pisngi ko.
"Ikaw ha, nakadaming kiss ka na!" Tawa lang ng tawa si Jake at ako naman nakatingin lang sa nakatawa niyang mukha.
![](https://img.wattpad.com/cover/41230837-288-k207504.jpg)
BINABASA MO ANG
Through the looking glass
Romance(Medical series #3) Kayla is known as Katherine Lane Ramirez and she is the lost heiress of a multinational shipping company owned by the aristocratic Donya Aurora Buenviaje. She ran away and now that she's back, someone is ready to steal her heart...