CHAPTER 22 ('Yung walang sabit)

491 10 0
                                    

Ayesa's still in the hospital. Talagang naging malala ang trangkaso at malnutrition na nangyari sa katawan niya. She deprived herself of food that much hanggang sa bumigay na nga ito. She wants to maintain her picture-perfect body and her confinement in the hospital is obviously a secret. Dumating si lola na may dalang mga prutas kasama ang mga bodyguards niya. She greeted me with a smile nang pumasok ako sa kwarto na may dalang pamalit ng dextrose.

"Hija. Ang ganda-ganda mo naman sa suot mong white coat." I hugged her.

"Thank you, lola. Palitan ko lang dextrose niya. Sabi ko kasi sa nurse ako na lang." Pinalitan ko ng bagong dextrose si Ayesa. She's just staring at me while I'm doing it. Hindi ko siya matingnan ng diretso sa mata. Ganito pala ang feeling ng guilty. Ganito pala magkasala.

"Hindi mo ginalaw ang pagkain. Ito lang ang pwedeng kainin mo. Bawal ka sa mga dietary supplements at lalo na ang Korean noodles. Masyadong mahina ang katawan mo. Dehydrated ka rin." Sabi ko sa kanya. Napasimangot lang siya.

"The food looks horrible. Hindi ko kayang kainin 'yan. I won't." Maarteng sabi niya. Napakamot ako sa ulo.

"You need to eat or else hindi kita pwedeng i-discharge within a week. Kumain ka naman, Ayesa." Sabi ko sa kanya. She just rolled her eyes.

"It's fine. Gusto ko nga dito lang ako para nababantayan ko si Damien. Bakit ba kasi nag-doktor pa siya ulit? He's fine in business. Madaming malalanding nurses at doktor dito. Nakita mo naman siguro kung gaano siya kagwapo, right? You better make sure no other bitch gets close, Katkat. He's family now so look after him." Gusto kong mawala na lang sa kwarto. Hindi ko kayang magpanggap na wala akong nararamdaman. Paano pa ako makakatakas? Mahal na mahal ko na siya.

"W-wala naman sa tingin ko. Medyo masungit si Dr. Fontanilla at hindi palakausap. His clinic is far from the main hospital building kasi malapit siya sa psych wards." Sabi kk sa kanya.

She exhaled. "They better be. Uubusin ko talaga lahat ng buhok nila sa ulo. Hell will freeze over first before someone steals him away from me." Sabi pa niya. Hindi ko alam kung direkta niyang pinapatama sa akin ang nga salitang iyon. Siguro guilty lang talaga ako. Kayla is guilty? Yes, she's guilty as charged.

"Just rest, Ayesa. Kumain ka. Payat ka na nga, nagpapapayat ka pa. Gusto mo bang maging skeletal system? Size 2 ka malamang so ano pa bang kailangan mo? Size -1000? Umayos ka nga. What you're doing to your body is suicide. Listen to what I say because I'm you damn doctor." Kinuha ko na ang metal clipboard sa table.

"Mauna na ako, lola. May valve replacement surgery ako mamaya kaya kailangan ko munang magpahinga. I'll meet you again tomorrow pagdating nila Timothy at Brandon. Ayesa, eat your lunch or die. I'll check with you later or baka si Dr. Torres. Bye." Halos maubusan ako ng lakas habang naglalakad. Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Ayesa. Para akong sinaksak sa dibdib nang paulit-ulit.

Ano bang nangyayari sa akin?

"Dr. Ramirez!" Nakita ko ang isang babaeng intern na tumatakbo palapit sa akin.

"Yes?"

"May mga bulaklak po na pinadala doon sa nurses' station. Super dami ho kasi kaya di namin alam ano gagawin. Pwede po pahingi?" Nakangiti niyang sabi.

"Teka nga, sino naman ang nagpadala?" Tanong ko sa sarili ko. Agad akong pumunta kung saan dinala ang mga bulaklak.

Buckets of fresh white and pink roses are flooding the station. Halatang mamahalin ang mga bulaklak kasi kilala ang flower shop na pinanggalingan ng mga bulaklak. Kinuha ko ang card.

Katherine,

I missed drinking with you. You were such an amazing talker. See you soon.

Through the looking glassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon