CHAPTER 2 (Territorial)

1K 22 2
                                    

"Honey!" Dali-daling naglakad patungo kay Damien Fontanilla si Ayesa. Akala mo naman may aagaw sa boyfriend niyang hilaw. Nabunggo niya ko pero ni sorry man lang eh wala. Halatang territorial si Ayesa sa boyfriend niya. Para kaming mga ewan dito sa main hall ng bahay ni lola. Akala mo may drama. Nakakatawa. I never thought my cousin would stoop this low for a man na halatang may galit sa mundo. Nakasimangot siya.

"Am I distrbing anything, Donya Aurora?" Mahinahon at walang emosyong tanong niya kay lola. Gusto ko sanang magsalita kaso nauna naman si lola. Akala mo kasi kung sinong hari na biglang pumasok dito.

"No, no hijo. Ay ito nga pala ang apo ko. She's Katherine Lane. Matagal din siyang nawala at magiging part siya ng entourage sa kasal niyo ni Ayesa. She works as a doctor at FMC in Manila." Naglahad siya ng kamay at kinakabahang tinanggap ko iyon. Nakasimangot si Ayesa. Akala naman niya aagawin ko. Agad kong binawi ang kamay ko nang matagal na niya itong hinahawakan or baka imagination ko lang. Nakaramdam ako ng kakaibang kuryente sa kamay niya and why is he looking me in the eyes?

"Really? My cousins own that hospital. Small world, princess." When he called me princess nagsitayuan ang mga balahibo ko like I heard it somewhere before. Basta ang weird lang pero why is this man calling me a princess? Baka mamaya bigla na lang akong sunggaban ni Ayesa sa inis eh.

Ayesa claimed his arm and draped her bodice on him. Oo nga, bagay sila. They're such a glamorous pair at ayoko ng ganyan. I was never cut for alta society. I never really liked the thought of spending much just for a pair of shoes or a designer handbag. Pareho silang medyo tan ngayon kasi nga galing sila ng Tahiti. 

Tahiti my arse.

"The lost princess in... a shirt?" Biglang natawa si Ayesa at halatang nanunuya pa. Hindi kasi ako nakaayos kasi akala ko naman sinpleng handaan lang. Nawala sa isip kong Donya nga pala si lola. It was careless of me, actually. Pagod na pagod akong magbyahe at panira ng araw ang magjowang ito sa harapan ko. If Mark's here, pinatulan na niya especially Cassandra. Matabil kasi ang dila ng babaeng 'yon at siguradong walang palag si Ayesa sa kanya.

"I'm actually wearing a scrubsuit and rubber clogs since I'm a doctor obviously, and I just came from a shift eight hours ago. I apologize for my irritating facade, Mr..." I smiled. Nakalimutan ko ang apelyido niya.

"It's Fontanilla, princess."

Biglang hinatak ni Timothy ang balikat ko. Alam kong ramdam niya na nainis ako sa sinabi ng fiancee kuno ni Ayesa. Nakakahiya din kasi nakalimutan ko ang apelyido niya. No one would understand that I'm so tired and I need a bed right now. If only they know how hard it is to work at a hospital. Halos magsidugo ang mga ilong namin kakagawa ng mga trabaho at nag-aaral pa kami at the same time. The stress is piling up but I don't why I still love the feeling. 

"Okay, Mr. Fontanilla. Pasensya na sa scrubsuit ko at sa magulong hitsura ko ngayon. I straightly went here from work at ang daming tao sa terminal ng bus, okay? Isipin mo na lang yung stress ko. I'm a doctor, that's why."

"Doctor? Not bad." I felt goosebumps.

Halatang naiinis sa akin si Ayesa at halatang ayaw na niya akong makipag-usap pa kay Mr. Fontanilla. Nagpasalamat na lang ako sa papuri niya.

"Thank you sir." Tuluyan na akong hinatak ni Timothy pero nakatingin pa rin sa akin si Damien. Dinala ako sa party hall nila Brandon at kinuhanan ng pagkain. Malay ko ba naman na ganito ang party tsaka kahit naman siguro alam ko eh wala akong pakialam.

"Pasensya na cousin, medyo matalas ang dila ng lalaking iyon kasi may ipagmamayabang  nga naman but still bastos. Pagpasensyahan mo na silang dalawa. Kahit kami ganyan din sa kanila." Napangiti ako sa laking pinagbago garden ni lola. Napuno ito ng red and blue roses na paborito ng mommy ko. Sobrang laki na rin nito na kasya ang maraming bisita. Nagmala fernwood ang dating ng garden.

Through the looking glassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon