CHAPTER 19 (Nagpapaagaw)

552 11 0
                                    

"I want you all to be kind to these kids. Hindi lahat ng bata dito ay may bakuna. Karamihan dito ay undernourished, and some are malnourished. Kailangan niyong makisama." Sabi ni Dr. James Razon. Siya ang head ng Cardiothoracic at talagang matalino. He's also a prince charming to everyone at the hospital. Simula nang nagpalista siya eh nagsunudan na ang ibang babaeng staff ng ospital.

Halos tumulo ang laway ni Dr. Molina na katabi ko. Lahat naman kasi talaga ng mga babae halos kapusin ng hininga kasi magkatabi ba naman si Dr. Fontanilla at Dr. Razon. Talaga ngang kakapusin ka, except me. Kay Dr. Damien Fontanilla lang ako talagang kinukulang sa hangin. I want to deny that fact but how? I can't lie to myself. That's very much invalid.

We started sorting out flu vaccines and chicken pox vaccines. Ito kasi ang kalimitan na issue ng mga batang nasa rural area at kapos sa buhay. Minsan simpleng lagnat lang ikinamamatay ng mga tao dito.

"Dr. Ramirez, ang gwapo nila ano? Hindi sila tao. Pwede silang ilagay sa altar at dasalan. Pangcosmo bachelor bash ang mga doktor ng FMC. Buti na lang dito ako nag-internship. No regrets." Sabi ni Dr. Molina.

"Jenna, obvious naman. Halos ikabali ng leeg na nga ng lahat ang tandem nila. Hindi ka talagang makakatakas sa charms nila." Sabi ko naman habang pinipilit na wag siyang tingnan. Hindi ko kasi pwedeng agawin ang fiancée ng pinsan ko. Hindi ako ahas.

And also, Jake is still in my heart. How can I unlove Jake? Unlove? Is there such a word? Wala namang ganun sa Merriam Webster dictionary.

"Taken na sila pareho. Si Dr. Razon may asawa na daw at si Dr. Fontanilla eh ikakasal na sa isang sobrang gandang babae. I follow Ayesa Buenviaje's Instagram page. Goals talaga siya. I mean she's also an architect kaya beauty and brains talaga." Sabi naman niya. Parang sinampal na din niya ako sa sinabi niya.

"She's indeed pretty." Sabi ko naman.

"Her bags, shoes and clothes are to die for. Her body is glorious and that face can launch a thousand ships, I promise. No one should be that beautiful, di ba? Parang di kumakain kaso food blogger din siya kaya imposible. Baka siguro sobrang fit niya lang talaga." Sabi naman ni Jenna habang nagre-ready ng medicine kit niya.

Maganda talaga si Ayesa at hindi siya bastang maganda lang. Noong mga bata pa lang kami, siya talaga ang matalino. Ayaw niya sumali sa Miss Universe kasi pang-elite ang beauty niya at hindi pangpageant.

"Yeah." I can sense envy and jealousy in my body. Naiinggit ako kay Ayesa. She's everything I wanna be. She's got the whole package and the man. She's got the man. Napakaswerte nga naman talaga ni Ayesa.

Nagsimula nang pumila ang mga bata. Sila kasi priority sa medical mission na ito. Vaccines muna bago check-ups. Uso daw kasi dito ang trangkaso dahil malamig dito bandang Sagada. Marami palang nakatira dito at karamihan ay kapos sa buhay. Nabubuhay sila sa pagbebenta ng pagkain at souvenir sa umaakyat ng Sagada.

Malamig dito kaya naman lahat kami ay naka-jacket. Para kaming nasakorean drama na may usok sa bibig habang nagsasalita. Batang babae ang nauna sa harap ko. "Ate, wag masakit ha." Sabi naman niya. Halos maiyak na siya nung makita ang karayom.

"Mabilis lang 'to. Kailangan natin tusukan ikaw para di ka na sisipunin at uubuhin. Malamig dito kaya kailangan mo nito. Hindi ka makakapaglaro at makakapag-aral ng maayos." Sabi ko naman at agad siyang pumikit.

"Sige na nga ate, ayoko tumigil mag-aral." Binilisan ko lang para hindi na siya maiyak.

"Tapos na." Sabi ko naman.

"Tapos na? Ang bilis! Salamat ate ganda!" Inabutan ko siya ng isang plastic ng pagkain. Inaabutan kasi namin ang lahat pagkatapos ng vaccines. Isa itong advocacy ng Falcon Medical Hospital na tumulong sa mahihirap. Private hospital sila pero grabe tumulong. Sana ganito lahat.

Through the looking glassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon