CHAPTER 24 (The Revelation)

551 11 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit ako biglang ipinatawag ni lola kagabi. Parang may emergency kaya naman ipinasa ko muna ang night shift ko kay Alex. Buti na lang wala siyang gagawin ngayon kaya masaya niyang tinanggap ang shift. Nahirapan pa akong nagpaalam kay Dr. Jimenez kasi ako dapat ang resident on-call ngayon. Buti na lang pinayagan pa rin nya ako kahit nagalit siya kagabi. Hindi pa naman madali pakisamahan si Dr. Jimenez kasi laging nakasimangot.

Tinawagan ako kahapon ni Brandon na dapat daw ay magising ako ng maaga kasi raw susunduin ako sa condo. Hindi ko alam kung bakit seryoso ang pagkakasabi niya. Medyo kinabahan pa nga ako. Na baka kung ano ang dahilan kung bakit nagpatawag si lola.

Nakaupo lang ako sa likuran ng sasakyan habang papunta kami sa mansyong pag-aari ni lola dito sa Corinthian gardens. Hindi ko alam na meron pala siyang bahay dito sa Manila. Medyo nagulat ako pero nasiyahan kasi malapit siya sa akin. At least, madali na siyang mapuntahan.

Strictly formal daw ang pupuntahan kaya naman nagdress ako ng itim at simpleng cream blazer na may partner na powder blue Aquazurra heels. I tied my hair in a ponytail and applied light makeup.

Nakarating kami sa mansyon na may malaking itim na gate at nakita kong nagsisigarilyo si Timothy sa labas. Nilapitan ko siya at napangiti siya. I hugged him and he smelled of cigarettes and menthol like what I expected.

"I missed you Katkat. Ngayon ka lang ulit nagpakita. Di ka nakapunta ng birthday ko. Sayang talaga kasi circus/carnival pa naman ang theme ko. Well, next time dapat nandoon ka na." Sabi pa niya habang nakasandal sa pader.

"Naku, sorry talaga Timothy. Sa text lang kita nabati. Ang dami kong activities these last months. Hindi ko na din mabigyan ng time sarili ko. Busy lang talaga. Resident na kasi ako. Sorry nga pala kung di ako nakakauwi sa San Isidro. Medyo mahigpit ang mga boss namin lalo na 'yung assigned attending ko. Pasensya na talaga. Teka, nas'an si Brandon?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa loob, nakikipag-plastic-an sa mga Fontanilla. Well mabait naman ang mag-asawang Fontanilla, pero wala akong tiwala sa anak nila. You work with him, right?" Hearing his last name made my insides grumble. My heart started racing and air suddenly left my lungs. Napakapit ako sa kanya at napayuko.

I took a deep breath. "Oo, taga-psych siya. Sa kabilang part ng ospital. Malayo sila sa mismong ospital talaga kasi mentally-ill patients ang nandoon so iba ang security at facilities nila." Sabi ko sa kanya.

"So ano, babaero ba? Babaero daw 'yon, sobra. Nung college siya, pumatol siya sa college professor niya. Can you imagine that? Actually, Ayesa caught him cheating more than twice, I think? Basta. I don't sense anything good from that guy." Sabi lang niya.

"He's okay. Mabait nga eh. He- he participated in the medical mission this year. Kasama ko siya doon. Sa tingin ko, bagay naman sila ni Ayesa. Seryoso nga lang masyado si Dr. Fontanilla." Then he took a deep breath.

"What puzzles me is that, sobra siyang driven sa business ng daddy niya tapos tinuloy niya bigla ang residency niya? Hindi ko din maintindihan sa totoo lang. Ang weird di ba? What made him go back to medical field? There must be some secrets. I'm sure." Bigla akong kinabahan sa mga sinabi niya.

Timothy is a noble man. He's an amazing person at sobrang maaalahanin. He's the big brother kind of guy while his brother, Brandon is a the youngster type na sobrang loko-loko at tipong pinapalo ng magulang.

"Katkat, okay ka lang?" Tanong niya sa akin. Napangiti lang ako. Bigla kasi ako nakaramdam ng panlakambot nang subukan kong tumayo.

"Oo naman. Medyo inaantok lang ako. Pagod lang siguro." Inakay niya ako paupo sa garden.

"Tubig? Do you need anything Katkat? Ano ba kasing nangyayari sayo? Baka naman di ka kumakain o kaya baka naman di ka na natutulog? Ang payat mo sobra! Sigurado ka bang kumakain ka? Baka naman inaalipin-"

Through the looking glassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon