"That was nice. Sana maulit." Atty. Corpuz looks delighted. Nag-lunch lang namin kami pero mukhang nasiyahan siya. Hindi ko din inakala na matutuwa akong kasama siya kanina. Napangiti na lang ako. Ang awkward ng lunch namin kasi nakatodong coat and tie siya habang mukha akong madungis sa suot kong dark blue scrub suit. Hindi rin ako nakapag-makeup at medyo magulo din ang buhok ko. Grabe, kahit pagsusuklay hindi ko nagawa.
"Pasensya ka na, hanggang fast food lang tayo. May shift kasi ako ngayon. As in literal na 24 hours dapat ako on-call kaya kailangan ako dito. Naka-confine din si Ayesa at hindi ko pwedeng iwanan. Binilin siya sa akin ng mama niya at ni lola." Sabi ko sa kanya. He just smiled. Talagang charming si Atty. Corpuz. Hindi mo aakalaing lawyer siya kasi normally may angst ang mga lawyers? Well siya kasi wh
"May sakit si Ayesa kaya dapat mo siyang asikasuhin. Okay lang. Actually, ako ang nahihiya kasi gumawa ka pa ng paraan para masamahan ako kumain. I hope next time, sa fine dining tayo? I really want to take you to a better place. Hindi ako nakikipagdate sa fast food. Ayokong isipin mo na hindi kita sineseryoso."
"Okay lang, Edward. Busy ka at busy din naman ako kaya walang kaso kahit sa fast food. Pasensya ka na kung hindi ako pwedeng magtagal. Sobrang hectic talaga ngayon. Hindi ko nga alam kung paano pa ako nakakahanap ng time para matulog. Dadating din ang date sa tamang panahon." Tumawa ako.
Naupo kami sa bench sa may labas ng ospital. We decided to grab some milkshakes. Medyo nakakaumay ang sandwiches na kinain namin kanina. Panay bacon ang laman at konti lang ang gulay. Feeling ko puno ng carbs at mantika ang katawan ko ngayon. Hindi naman ako pwedeng umangal kasi nakakahiya kay Edward.
"You're fun to be with, Katherine. I feel so at ease with you. Hindi ka maarte at napakanatural mo. Wala kang makeup at maganda ka pa rin. Kalimitan ng mga babae halos dalawang oras mag-ayos. Ikaw, kahit wala okay lang. I feel so... relaxed with you. You're like a breather in a world of stress." Sabi niya.
"Bolero ka naman masyado. Boring ako talagang kasama. Hindi ako energetic at minsan lutang ako. Hindi kasi talaga ako katalinuhan sa totoo lang. Lagi akong nagpa-panic kapag may exams. I have to be attentive all the time or else I'd lose ny medical license. Basta mahirap. Hindi ako normal ngayon. Hindi ako sure kung ako nga ba talaga ang gusto mong i-date. Hindi ako makakapromise ng time para sayo." I sighed. Napasandal na lang ako.
"Hindi naman ako nag-e-expext, Katherine. Basta konting time, okay lang. You're worth waiting for. Cheer up. Kaya mo 'yan. Magaling ka at matalino. Kaya mong lagpasan 'to lahat. You became a doctor kasi destined ka para sa propesyon na 'yan. Stop doubting yourself." He smiled at me. I can feel his growing interest towards me. It feels weong kasi hindi ko siguradong maibabalik lahat ng pinapakita niya sa akin. I can't move in from Jake.
"Thank you. Magulo talaga ako. Hindi ko pa alam ang priorities ko. Pasensya ka na. Hindi ko pa rin talaga madabi na kayang kong i-handle and sarili ko. I'm still like a child trying to find ny way back to life. Pasensya ka na. Hindi kasi ako talagang matured mag-isip. I'm 28 but I feel like 12."
"You were twelve when your parents died, right?" He asked.
"Oo."
"It's connected actually. Dahil nawalan ka ng mother and father figure, naguluhan ka sa mundo. Pakiramdam mo nag-iisa ka. Kahit mahal ka ng mga kamag-anak mo, iba ang magulang. You're still on baby steps at life. Hindi mo maramdaman kasi kulang ka sa guidance. You're an adult but emotionally, hindi." Pakiramdam ko maiiyak ako. He hit the right spot. Everything that's wrong with me started when my parents died. Everythinh changed for me.
"Masakit sa totoo lang na mausoleum ang binibisita ko tuwing birthdays, holidays, weekends at bakasyon. Hindi ko alam kung paano magiging masaya. Sana may kapatid ako, kasi wala. I actually am envious of you. Marami kang kapatid at buhay pa ang mga magulang mo." He smiled and patted me on the back.
BINABASA MO ANG
Through the looking glass
Romansa(Medical series #3) Kayla is known as Katherine Lane Ramirez and she is the lost heiress of a multinational shipping company owned by the aristocratic Donya Aurora Buenviaje. She ran away and now that she's back, someone is ready to steal her heart...