CHAPTER 29 (You manipulated me)

571 12 2
                                    

Si Mark ngayon ang bantay ko kasi umuwi si Alex at Dawn para magpahinga. Sobra na silang mag-alaga sa akin. Hindi ko alam kung paano ko sila mapapasalamatan. Sobra nila akong inasikaso hanggang sa mga maliliit na bagay. They all love me like a real sister. Hindi nila ako pinabayaan. Hindi silang mapakaling lahat sa pag-aalaga sa akin. Sobrang jackpot ako sa mga kaibigan ko.

I didn't tell them about Jake's letter. Ayokong magalit sila sa akin. Galit sila sa kanya at kung piliin ko si Jake, baka itakwil nila ang pagkakaibigan namin. Sinuntok nga siya eh. I can tell that they're hurt because of me. Mahal nila ako, kaya hindi nila kayang nakikitang nasasaktan ako.

Natatakot na akong mag-isa. Tama na ang pag-iisa. Sawang-sawa na ako. Nakakasakal ang pagiging mag-isa. Nakakabaliw. If you're alone, you tend to think about a lot of things. Your thoughts create imaginary problems.

That's why I can't. Nakakabaliw mapag-isa. Hindi ako maiintindihan ng karamihan dahil hindi naman lahat ay kagaya kong malungkot ang buhay.

Nakatago ang sulat sa ilalim ng kama ko. Hindi nila iyong pwedeng makita. Ayokong husgahan nila ako. Ayokong malaman nilang mahal ko pa din si Jake kahit na dahil sa kanya kung bakit ako muntik nang mamatay. Sa totoo lang, hindi naman kasi talaga dahil kay Jake. Hindi naman talaga siya ang dahilan ng sakit.

We suffered enough

Hindi mabura sa isipan ko ang sinabi niyang iyon. Para akong tinamaan ng kidlat, because it's true. Fate hated us so much that we're going through a lot of pain. Ayaw yata kaming maging masaya ng tadhana, ng buhay. Parang nakatakda lang akong umiyak hanggang sa mamatay ako. Actually, mukhang game over na ako. Sino ba naman ang ospital na kukuha sa isang doktor na nagtangkang magpakamatay? My career is over. My life is over.

My love life isn't... yet. I still have the chance to fight for it. I need to heal so I can fight harder. After all, I suffered enough.

"Mark, pwede ka namang umidlip. Magti-TV na lang ako. Sige na, papangit ka niyan, girl." Tumawa lang siya.

"Mare, I can do this naman. Derma lang ang katapat ng bags at pimples ko. Ikaw ang nangangailangan ng tulong. You are sick... physically, mentally and emotionally. Hindi ka pa stable. Buti nga pinayagan nila na ako ang magbantay sayo. Sige na kasi, magpahinga ka na lang."

"Mark naman. Gusto kong magpahinga ka. Please?" Ngumiti lang siya. He sighed in defeat.

"Okay! I surrender. Dito ako hihiga sa sofa para kaharap lang kita. MagTV ka na lang dyan at wag kang mag-phone. Bawal kang mastress ng kahit ano. Please?"

"Of course. Thank you, Mark." May kumakatok sa pintuan. Napatayo si Mark para buksan iyon. Hindi ko maaninag kung sino kasi may pader na magitan ang pintuan mula sa higaan ko.

Bumalik si Mark.

"Kayla, someone's here for you. Mahalaga daw na makausap ka niya." Sabi sa akin ni Mark habang kinukuha niya ang pinagkainan ko para ilagay sa tray.

"Sino naman? Gabi na pero may bisita ako? That's weird." Tanong ko sa kanya.

"Basta. Sige, lalabas na muna ako." Ngumiti siya at lumabas na.

Nakita kong pumasok si lola na may hawak na bouquet ng bulaklak. Umupo siya sa tabi ko, naluluha. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Gusto kong magalit kaso mahinang-mahina pa ako. Wala akong lakas para sumugaw. Hindi pa rin akong masyadong makagalaw. I can't even lift my head. I have no choice but to put up with this.

"Kamusta ka na?"

"I'm healing."

"Hija, kung nasabi ko man na layuan mo si Damien, patawarin mo ako. Ayoko lang naman na mag-away kayo ni Ayesa."

Through the looking glassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon