CHAPTER 39 (She's Fragile)

575 10 3
                                    

Bakit nga ba mahal kita? Kasi mahal kita. Walang dahilan. Hindi ko alam. Kahit anong paliwanag ko noon sa sarili ko, hindi ko masagot. Sobrang mahal ko si Jake na para bang ikamamatay ko kapag hindi ko siya kasama. Isa noon sa kinagagalit ko sa sarili ko nung hindi ko siya naipaglaban. Nahihiya ako sa sarili ko kasi pinipilit ko ang bagay na hindi ko naman talaga kaya.

In the end, hindi ko din kinaya at hinanap pa din siya ng sistema ko.

Napagdesisyunan kong bumalik ng San Isidro para harapin ang mga kamag-anak ko. Sila na lang ang natitira sa akin kaya kailangan kong itama ang lahat ng nga nagawa ko. Malayo pa lang kami sa mismong bakuran, malakas na akabig ng puso ko.

Jake squeezed my hand. Alam niyang kinakabahan ako. He smiled while still focused on the road.

"I'm... actually expecting the worst. Syempre ang dami kong sinabing masasakit sa kanila. I... scarred them, Jake. Maiintindihan kaya nila kung bakit ako ganito?"

"They will, kasi mahal na mahal ka nila."

Pagpasok ko pa lang, nakita ko silang lahat na nag-uusap sa sala kaya naman tinapangan ko na ang pagharap sa kanila. Kailangan ko kasing humingi ng tawad. I have to do it.

"What... do I have to do for all of you to forgive me? Tita Cecile, nahihiya ako sa inyo." Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Napaluhod ako at agad naman ako pinatayo ni Tita Cecile. Kahit sila Timothy at Brandon ay nagulat nang lumuhod ako.

"Katkat, bakit ka ba ganyan? Hindi ako galit. Hindi kami galit kasi mahal ka namin hija. Hindi galit si tita sa 'yo." Niyakap ako nang mahigpit ni Tita Cecile at napayakap na din ako sa kanya. Nakita kong nakangiti si Jake sa likod nila Brandon. Alam kong hindi pa din maganda ang pakiramdam ng lahat kay Jake. Iniisip nilang two-timer siya. Hindi ko naman din talaga sila masisisi.

"Tita, nasaktan ko kayo lalo na si Ayesa. Nasaktan ko si lola. I'm a heartless being. Hindi ko maintindihan kung paano ko nasabi lahat ng 'yon. Nakakatakot palang mag-isa." Mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko.

"Hindi mo kailangan umiyak. Hindi kami galit, kaya please, stop crying. Ang lola mo nag-golf lang pero pabalik na 'yon. Hindi naman siya galit. Nag-aalala nga kami sa 'yo. Hindi na kami lumapit kasi alam naming malaki ang tampo mo sa amin. I have a lot of things to say to you, hija pero may isa ka dapat na malaman. The reason why we didn't adopt you is that... mawawalan ka ng mana na binigay ng mga magulang mo once mag-iba ang apelyido mo. Kaya hindi ka namin maisama sa US kasi hindi kami legally allowed. Hindi ko naman masabi sa 'yo noon kasi bata ka pa. Sorry hija, nasaktan pala kita."

She wiped my face using her fingers.

"Katkat, sorry talaga. Iniwan ka din namin ni Brandon para mag-aral sa ibang bansa. Kung... alam ko lang hindi na ako umalis." Sabi naman ni Timothy. Agad ko siya niyakap. Sumunod naman si Brandon para yakapin ako.

"Don't cry, Katkat. You'll be okay. We're all gonna be fine... pero hindi ikaw, Fontanilla. You still have a lot of things to prove. Mayabang ka, hindi namin gusto ang pakikitungo mo noon sa amin." Biglang sabi ni Brandon kaya naman napalingon ako kay Jake.

Umalis si Jake sa pagkakasandal sa pader at lumapit sa amin. "I had to be a snob. After all, naging mahalaga sa akin si Ayesa. She became my best friend and we shared good memories at ayon sa kwento niya, she's an outcast. Of course, naapektuhan na ng kwento niya ang tingin ko sa inyo. You probably understand that, right? I hope we all could settle out differences so we can all live peacefully."

I placed my arms around his waist and he kissed me on the head.

"You're both tired. You should rest." Sabi naman ni Tita Cecile.

Through the looking glassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon