CHAPTER 18 (Not good)

535 9 3
                                    

"Atty. Corpuz!" Nakita ko siyang naghihintay sa akin sa cafeteria. May dala siyang cake at bulaklak. Hindi naman masyadong halata na nanliligaw siya, ano? Kahit ako nahiya eh feeling ko ang haba kasi ng buhok ko. Pinagtitinginan din ako ng mga tao.

"Katherine, kamusta? Si lola kasi hindi ako tinigilan. Buti na lang walang nakakaalam nung inuman session natin sa inyo o baka itinali ka na nila at ipinakasal sa akin." Sabi naman niya. He kissed me on the cheeks. It felt awkward.

"Syempre walang makakaalam! Ano ka ba, yari ka sa mga pinsan ko lalo na sa mga friends kong lalaki. Kalimutan mo na." Ngumiti siya. Tinanggal niya ang kanyang salamin at ikinawit ito sa polo niya. Si Atty. Edward Corpuz ang klase ng lalaki na hahabulin ng mga babae.

"Pasensya ka na kung nakakahiya ang dala ko. Grandma made sure I have all these in the car. Ayaw magpatalo." Sabi naman niya. Kinuha ko ang mga bulaklak at isang box ng cake.

"Ang dami yata nito. Di bale share naman kami ng nga kaibigan ko tapos 'tong bulaklak sa altar ni Mama Mary sa condo." Ngumiti siya.

"Kamusta na? Hindi na ako nabigyan ng oras na makausap ka. Busy kasi doon sa company ni lola. Ang daming problema ngayon, kaya hirap akong maghanap ng oras. To be honest, isa ka sa naiisip kong pwedeng maging asawa." Nagulat ako sa sinabi niya at hindi na ako nakapagsalita. Magsasalita na sana ako nang may tumabi sa akin.

"Hi, I'm Dr. Damien Fontanilla." Kinamayan naman siya ni Atty. Corpuz.

"Congrats nga pala sa engagement, pare." Sabi naman ni Atty. Corpuz.

Ngumiti lang si Damien at tiningnan ang mga bulaklak na hawak ko. Kumunot ang noo niya. "Di ba yellow tulips ag gusto mo?" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Gusto ko siyang sikuhin pero di pwede.

"Ganun ba? Mali pala ako." Sabi naman ni Atty. Corpuz.

"Okay lang At- Edward. Maganda naman ang pink roses eh. Very sweet." Ngumiti ako. Hindi talaga mapigilan ni Damien ang bibig niya. Nakakaasar lang kasi na umeeksena siya sa moment namin. Gusto ko soyang batukan. Hay patawarin! Ayaw niya pa din umalis. Nagmamanhid-manhidan ang loko

"Thanks, Katherine."

"Teka anong asawa ang sinasabi mo kanina?" Tanong niya dito.

"Katherine is actually a very good woman. Mabait siya at nakakatuwa. She's smart at hindi maarte. I'd like her as a wife."

"Ha!" Nagulat ako kay Damien. "Hindi pa nga kayo halos magkakilala. Magsisisi kayo sa huli kung magmamadali kayo. Take your time at hinay-hinay lang." Naaasar na talaga ako. Konti na lang at masisiko ko na sa mukha si Damien. Napaka niya kasi. Kanina pa siya.

"Oo naman, hindi ko siya mamadaliin. Liligawan ko talaga siya. Nakikita ko na siya future ko. She's simple and i like a simple wife. I want a simple, loving and hardworking wife. Ayoko sa mga umaasa lang. She's brave and beautiful as well." Naliligo na ako ng papuri kay Atty. Navarro. Halatang badtrip si Damien. Wala siyang karapatang magselos!

"I'm gonna be the kind of husband who'll make his daughter a princess and his wife a queen. Hindi ko sila papagurin." Sabi naman ni Damien habang kinakain ang lunch niyang sinigang na hipon. Pang-asar talaga siya!

"Ganun din naman ako pero I like a wife with dreams just like Katherine. Siya ang klase ng babae na hinahanap ko. I know I'm falling in love with her." Halos mamula na ako sa pinagsasasabi ni Atty. Navarro. Nakakahiya. Gusto ko nang kainin ng lupa. Si Damien kasi ang laking epal.

Pinagtitinginan kami ng nga hospital staffs. Para kasing pinag-aagawan nila akong dalawa. Utang na loob lang talaga! Hindi ko na kaya ito.

"Hindi pa pwedeng magpakasal si Katherine. First year resident pa lang siya at kailangan niya ng specialization. Marami pa siyang kakaining bigas bago maging full-fledged doctor." Ngumiti lang si Atty. Navarro.

Through the looking glassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon