CHAPTER 40 (Every Ending is just a Beginning)

827 12 1
                                    

Today's the day.

I decided to visit my parents' grave before celebrating my birthday. Pakiramdam ko kasi nagtatampo na talaga sila sa akin.

It feels like they're still alive, why? Pakiramdam ko bibisitahin ko lang sila sa bahay at sasalubungin lang nila akong nakangiti. It's unfair, kasi namatay silang wala pa akong muwang sa mundo. It's unfair because I thought they would stay and make me darn happy.

Okay lang, kasi alam ko naman na minahal nila ako. Alam ko naman na hindi nila ako pababayaan. It's as if they saved me from that fatal fall. Milagro naman talagang nabuhay ako and I'm thankful that I survived.

"Ma... pa, how are you? I miss you a lot. Sobra talaga, 'yung tipong ang sakit-sakit ng dibdib ko kasi kahit anong gawin ko hindi na kayo babalik." Hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko. I'm still mourning and I don't think I will stop. I wasn't able to spend a lot of time with my parents. Ang unfair, 'di ba? Bakit 'yung iba kasama pa nila 'yung mga magulang nila hanggang sa pagtanda nila? Bakit ako, wala pang muwang sa mundo eh nawalan na agad ng mga magulang? I was numb, but now I can feel all the loneliness.

"I'm a doctor now, can you imagine that? Nakakatawa man pero totoo. Remember back then when I was still a lazy pig? Ma, that girl's gone now. She's beautiful, happy and full of vigor. She's a doctor and she saves lives. I hope you're both proud of me."

Maganda ang araw dahil sa nakakasilaw na sikat ng araw. Natapos ang panahon ng tag-ulan at ngayon, makikita mo kung gaano kaganda ang liwanag na minsang bumalot sa paligid. 

Dark days are over. It's time for sunshine to show its warmth.

I felt my grandmother's hand on my shoulder. "Hija, bakit ka nakaupo sa sahig. madumi." Napangiti lang ako at tumayo habang pinapagpagan ang damit ko.

"Lola, I'm fine. Na-miss ko lang kausap sila mommy. I forgot about them. Nakakahiya sa kanila 'yung mga pinaggagagawa ko. Mapatawad kaya nila ako? I feel like I'm about to be... punished. Pakiramdam ko kakarmahin ako. Bakit kaya mabait pa rin kayo sa akin? Hindi ko lahat 'to deserve." Niyakap ako ni lola habang tumutulo ang luha sa mga pisngi ko.

"Your parents are so proud of you, Katkat. Alam mo bang bagsakin ang mama mo noon? Your dad was the studious one at panay kopya lang ang mama mo noon sa daddy mo. Dahil uto-uto ang daddy mo, pinapakopya naman niya ang mama mo. Maganda kasi talaga ang mama mo noong nasa kolehiyo siya. She's a ray of sunshine kaya naman nasilaw ang daddy mo at pinakasalan na niya agad pagka-graduate nila. You see, your parents are good people. They understand all your struggles, hija. H'wag mong iisiping galit sila sa 'yo. Mahal na mahal ka nila."

Napatingin ako sa mausoleum ng aking mga magulang. Are you really proud of me?

"Sana nga lola, sana hindi sila galit sa akin. Sana hindi sila nagsisisi na anak nila ako. Sana hindi nila nila isiping hindi ko sila mahal. Sana gabayan nila ako. Sana mahal pa rin nila ako kasi mahal na mahal ko sila, lola. Sobra. Sobrang miss ko na ang mga magulang ko. Kahit anong gawin ko hindi sila babalik para patahanin ako. It's unfair pero kailangan tanggapin. Lola, please don't leave me. Nauubusan na ako ng mga taong nagmamahal sa akin." Pinunasan ni lola ang pisngi ko.

"Hija, bata pa naman ako. Maagang nabuntis ang mommy mo kaya naman maaga din ako naging lola. ipagdadasal ko na humaba pa ng matagal ang buhay ko, para naman hindi ka na malungkot, hija. Mahal na mahal ko kayong lahat na mga apo ko." 


=-=-=-=-=


"So, when's the wedding?" Tanong ni Mark habang gumagawa ng post-op notes. I just rolled my eyes at him. Napakatsismosa kasi talaga ni bakla.

Through the looking glassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon