CHAPTER 26 (I dreamed a dream)

560 10 3
                                    

"You should rest, Kayla. 6 hours 'yung surgery niyo kanina. Hindi ba nanghihina ang mga binti mo? Pulang-pula na ang mga mata mo at ang laki na ng eyebags mo." Tanong sa akin ni Dawn habang kumakain kami sa cafeteria. Ngayon lang ako nakaupo at balak ko pa sanang magdalawang rounds bago umuwi. Actually, ayokong umuwi.

"Hindi ko kayang umuwi, Dawn. I'm so afraid to be alone with my thoughts. Natatakot akong mapag-isa kasama ang sarili ko. I might go mad and when I do, who knows what can happen? My whole existence is just so tired of everything." Huminga siya ng malalim at uminom ng kape.

"Don't do anything crazy, Kayla. If you need someone, andito ako. Just don't do things... that are reckless. Hindi kita iiwan. Hindi ka namin iiwanan. Siguro nga hindi kami ang pamilya mo pero kapatid ka na namin. You'll always be my sister." He squeezed my hand.

"Wag ka naman bumigay agad. Put up a good fight. Don't let your inner demons eat you. Think about us. Nandito naman kami. Pamilya ka namin. You will always be our sister and don't you ever forget that."

I sniffed. "Have you felt that? The kind of love that drives you to insanity? The kind of love that can tear you apart but you can't throw away? I want to forget all about him. Pagod na pagod na ako. Kahit saan siya nakikita ko. Kahit nakapikit, siya pa rin. Paano na 'to? Umiikot na ang mundo ko sa kanya. Hindi ko mapigilan. Hindi ako makahinga, Dawn. Para akong mamamatay. I have to give up again. Lagi na lang akong nagbibigay."

"Your cousin sounds like a total brat."

"Sinabi mo pa, Dawn. Hindi siya masaya kung hindi ako nahihirapan. All she ever wanted was to make me unhappy. Para bang ang ultimate goal niya eh ang kalungkutan ko. Never kami nagkasundo. Never kaming nagkatuwaan o kaya naglaro. Well once upon a time, we did. Pero nagbago lahat nang mag-aral kami. She became distant and cold."

"Maybe she always have the need to be better. May kilala akong ganyan. Ayaw niya na nakakalamang sa kanya ang iba. Hindi pwedeng masaya ang iba kapag hindi siya masaya. Kayla, your cousin needs to check a counselor."

"Oh, hindi mangyayari 'yan. She's a smart girl. Socialite ang tingin ng iba sa kanya at fashionista. No one knew about her real profession. She's an architect at may firm siya mismo na pag-aari niya din. To be honest, kung nagmedicine siya, mas magaling pa siya sa akin. Studying for her had been so easy. Hindi siya nahirapan. Kahit na ang gusto ng nanay niya eh mag-artista siya, ayaw niya. She was obsessed with studying that's why she was such a popular child. Maganda na nga, matalino pa."

"She's a difficult woman to tame. Hayaan mo na. Just live your life happily."

"I know."

-=-=-=-=-=-

Hindi inaasahang makakasalubong ko si Jake sa hallway ng ospital. He ignored me like I was nothing and I felt pain. A deadly kind of pain. Halos mag-collapse ako kanina pero pinigilan ko ang sarili ko. Pinilit kong ayusin maglakad.

Chin up, Kayla. Chin up.

Nagulat na lang ako nang bumalik siya at pumasok ng on call room. Matutulog siya dito? Pero sa kabila ang on call room nila? Nakahiga na ako sa taas ng bunk bed habang siya naman nasa tapat na bunk bed sa baba. May mga ibang doktor din sa loob, kaya wala madyadong tensyon sa aming dalawa.

Kahit sa loob, he pretended I never existed which is good so we can move on.

I faced the wall as I lied down.

"Dr. Fontanilla, napalayo ka yata." Sabi ng isang nurse na lalaki sa baba.

"Oo nga eh, puno na kasi kabila. May two hours pa naman ako sa next rounds ko. May patients ako nakaschedule ng therapy kaya dapat makapahinga muna ako." Sabay nagtawanan sila.

Through the looking glassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon