CHAPTER 8 (Code Black)

678 16 1
                                    

NOTE: I'm not a doctor or a related in anything medical. If you're following me, I'm an electronics major, so pasensya kung mali. I'm trying to keep this one realistic as much as possible.

Thanks!

-=-=-=-=-=-=-=

"Oh my god, who's that doctor?" Cassandra said while munching on her greens. Kahit kilala ko eh nagpatay-malisya na lang ako. Magtataka pa siya bakit ako associated sa mataas na klase ng tao. Ayoko ma-issue. I acted like I don't know him para na lang maging safe. He's been here for days now at halatang matagal siya dito. Sabi naman ng iba, every year talaga siyang tumutulong sa ospital since kamag-anak naman niya ang mga may-ari nito. 

"Malay, pero obvious naman na insta-famous siya kasi kanina ba bali ang leeg ng mga tao dito sa cafeteria. Eh ano naman, pare-pareho lang naman tayong doktor dito. Sheesh." I said while nervously eating my arroz caldo. Ano ba naman kasi 'to. Bakit ako kinakabahan eh dapat chill lang kasi wala naman akong dapat ikakaba. I don't know why but when he looks at me, I felt like my soul is unravelling a lot of things. Basta, kakaiba.

"Kahit na, aba ang gwapo at ang linis-linis. Kaya madaming naglalandi dito eh kasi tingnan mo oh, grabe ang ganda ng pwet niya. The stud has a nice arse. I mean, bibihira ka lang makakita ng ganyan dito." She remarked while grinning wickedly.

"Jusme nakakahiya ka, Cassandra. May makarinig sa 'yo at naku nakakawala ka ng dignity, friend." Sagot ko pa habang nagmamadaling ubusin ang mainit na arroz caldo. Bakit ba parang ayaw maubos nito eh kanina pa ako kumakain? Bakit ko ba iniisip kung may poise ako kumain? Atsaka bakit parang napa-straight body ako bigla sa pag-upo? Ano ba 'to? 

Dahan-dahan akong lumingon at nakita kong napalingon din siya sa akin. Nakakahiya! Ano ba 'to.

"Eh 'di mawala na si Ms. Dignity. Aba, kakaiba ang dating niya. Mukha siyang... Pedia? Pwede ring ENT? Psychologist? Sila lang naman lagi ang nakasuot ng kurbata eh. Kaya mas type ko ang mga nakaganyan kesa sa mga madungis na doktor na nakascrubs. Eew, just like us."

"Gaga, sila nga ang magagaling at may thrill. Sila papogi lang at malamang ni hindi man lang magaling magsuture." Natawa ako at dumila naman si Cassandra.

"Don't judge a... man by his amazing arse." Then natawa naman siya at napakunot ako ng noo.

Natahimik kami nang may umubo sa intercom. May announcement at kalimitan pangit ang annoucement. Last time may nagtangkang magsuicide sa public ward. Naiistress tuloy kami 'pag naririnig namin.

"Paging all doctors available regardless of specialization, please proceed to ER. In fifteen minutes, we'll be accepting around 200 TA and stampede patients from a music festival. Code... Black."

Naluwa ko ang kinain ko.

Code black

Public address system jargon for
(1) A deceased person admitted to an ER

(2) An emergency situation involving personal threats to safety of one or more persons in a hospital or other public place, including assaults, confrontations, hostage situations and threats of personal injury or attack

(3) Bomb threat—evacuation due to threat of explosion

(4) Mass casualties

(5) Personal threat

(6) Personnel threat

(7) Infant abduction

(8) Severe weather alert

Ang meaning niya ngayon ay mass casualties. Lahat ng nurses at doctors na nasa cafeteria ay nagsitakbuhan sa ER para tumulong. Lahat ng klaseng doktor ngayon ay makikita mo kahit optalmologist at ENT. Ngayon lang ulit nacode black ang FMC at pangatlo ito sa 80 years na history nito.

Through the looking glassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon