Actually hindi ko alam kung anong ginagawa ko ngayon. Hindi pa rin nagsi-sink in na kaharap ko ang mga amiga ni lola ngayon dito sa isang hotel sa Ortigas. Bakit ba naman kasi sinama niya ako. Nagulat na lang ako na may sumundo sa akin at binihisan ako sa isa sa mga suites dito sa hotel. I really have no escape. Hindi ko na talaga maitatago pa ang totoong identity ko.
Nandito kami sa launching ng panibagong condo-apartment ng mga Sy na itinayo nila sa Magallanes. Malamang, mayayaman na naman ang makakaafford ng mga ito. Dahil sa sobrang close nila ni lola, binigyan kami ng isang unit sa 7th floor at doon na nga ako titira at hindi ko pa nasasabi kala Cassie kung saan. Ang sinabi ko na lang eh sa kamag-anak ko.
I really felt bad lying.
"So hindi pala si Ayesa ang magmamana, Aurora? Buti na lang at nahanap mo na ang apo mo. I like her, baka pwede sa apo ko. She's a doctor and I want a doctor as a daughter-in-law." Nagtawanan sila lola at nanatili lang akong nakatayo habang inuugat na ang paa ko sa Christian Loubotin nude pumps na suot ko. Hindi ko rin gusto ang kati ng black-laced gown na suot ko ngayon. Masyadong makati dahil sa detalye ng lace at beadwork.
This really ain't me.
"Oo naman, I always knew back that she'll come back to us. I love her to bits, you know dear Amiga. Katherine Lane will get every penny we worked hard for at nasa pangalan na niya 'yon noon pa lang. Ayesa is my grandchild but she's not going to use it properly. Balak kong magtayo ng ospital para lang sa kanya. She's everything to me." Then lola hugged me at syempre na-touch talaga ako.
Nainis ako. Pakiramdam ko dahil doktor ako kaya nila ako gusto. They really don't know the real me and they don't care. All they know is that I am my grandmother's only heiress and a future doctor in the family. Wala naman talagang kakaiba sa akin. Aside from my hispanic features, wala na.
Nangangati ako sa dress na binili raw talaga para sa akin. This black-laced off-shoulder dress is from Elie Saab na grabe sa kati. Pangalan pa lang alam kong mahal na. 'Yung bag din na gamit ko alam kong mahal, Chanel ba naman. Hindi ko naman talaga gustong magsuot ng ganito kaso ano pa nga bang choice ko?
"Amiga, bakit si Ayesa pa ang pakakasalan ni Dr. Fontanilla? He should marry Katherine Lane instead. She's a doctor so why not? The guy is huge in electronics market and he's a really good clinical Psychologist. I highly recommend him for her." Sabay inom ng pink champagne. Bakit ba naman halatang ayaw nila kay Ayesa?
"No amiga, I have other marriage plans for her. Ang gusto ko ay ipakilala siya kay Atty. Navarro. He would be very much compatible with Katkat. Mabait na bata, may sense of humor at napakahumble. Mayaman ang pamilya nila pero simple lang manamit just like my granddaughter. I prefer someone like him. Damien is too flashy and show off just like Ayesa so bagay talaga sila." There's sourness in her voice. Bakit parang ayaw yata ni lola kala Ayesa?
"Sabagay. Oh siya, mauna na kami ni kumpadre mo. Ayokong mabinat siya, kakagaling lang sa operasyon niya sa kidney. Ingat kayo ni Katherine. See you around." Ngumiti si Mrs. Sy at nakangiting sinalubong ang asawa niya. I want that kind of love, 'yung tipong hindi nawawala pagkatanda.
"We will attend some parties and that would be your official debut. You weren't given the chance before, so let me do this for you at least." Sabi ni lola at hindi ko naman siya mapipigilan. Hindi ko lang talaga alam kung bakit iba ang trato ni lola kay Ayesa. May kakaiba kasi na hindi ko maipaliwanag. Basta.
Dumating ang itim na Cadillac na sasakyan namin pauwi. Hindi na ako ihahatid ni lola sa condo nila Cassie sa Makati, diretso na ako sa condo na binili ni lola sa ortigas. Wala na akong magawa dahil alam kong masasaktan lang siya.
"Kumpleto ang lahat ng gamit mo doon. Balak ko, sa Amerika na kita papatapusin kung ano mang specialization ang balak mo. Basta ang mahalaga, makapunta muna tayong lahat sa kasal ng pinsan mo. Ewan ko ba naman at bakit ba napakakumplikadong lalaki pa ang napili. Businessman tapos doktor din pala. He's really smart but he doesn't have the balls to defy his parents to let him do whatever he wants. Isa pa, malakas ang balitang babaero siya kaya mag-iingat ka. That kind of guy sleeps around." That hit me. Tama si lola, kasi alam kong mahal niya ang pagiging doktor. Dr. Jimenez even told me that he wanted to be a surgeon. Sayang, dapat itinuloy na niya. Isa pa, hindi nagsisinungaling ang mga gossip sites about his 'sleeping' habits.
![](https://img.wattpad.com/cover/41230837-288-k207504.jpg)
BINABASA MO ANG
Through the looking glass
Romance(Medical series #3) Kayla is known as Katherine Lane Ramirez and she is the lost heiress of a multinational shipping company owned by the aristocratic Donya Aurora Buenviaje. She ran away and now that she's back, someone is ready to steal her heart...