CHAPTER 17 (You are nothing)

591 14 1
                                    

"Yes, Dr. Jimenez?" Pinatawag ako sa opisina ni Dr. Jimenez at hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong nagawa at bakit nga ba? Medyo kinakabahan ako pero hindi ko na din alam ang gagawin ko. Nakakastress sa totoo lang.

"Pediatric surgery." Sabi naman niya.

"Ha?" Sabi ko naman.

"You're very good at kids. Magaling ka makihalubilo at alam mo kung paano sila amuhin especially bratty teenagers. You really have a heart in Peds, so gusto mo ba? You've been under my service for more than a year now and your assistance is very effective. Your surgical skills are getting better." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Salamat Dr. Jimenez. Talagang hindi ko inaasahan ang papuri niyo. The truth is, I'm struggling really hard. I am not very good like my friends but i work hard. Well I guess it's paying off." Napangiti naman siya.

"Syempre naman. You deserve my praise. I want you to study harder to get where you wanna be. Hindi naman lahat ng magagaling eh pinanganak na genius. 'Yung iba nagsisikap talaga." I smiled.

He praised my surgical skills and my determination. Maybe I'm really improving and there's no need to doubt myself, right? Mali naman kasi ang pagdudahan ko ang sarili ko.

"I'll think about it. Surgery is far different than what I'm thinking to have. I love kids obviously at hindi ko 'yon matatanggi. I will let you know, Dr. Jimenez. Salamat talaga sa opportunity."

"No worries. Pag-isipan mo. Gusto kong ipamana sayo ang mga nalalaman ko. Hindi ko ito ginagawa sa iba pero dahil may potensyal ka, gagawin ko. I see myself in you. I was struggling very bad back then kasi lagi akong huli. I persevered and it went well. Hindi man ako chief of surgery pero candidate ako."

"That was very inspiring, Dr. Jimenez. Salamat sa encouragement." Ngumiti lang siya.

"You know what, you deserve every inch of my encouragement. You fight fair."

"Sige ho, mauna na ako."

Then I left.

Healing kids. Am I really good at that? Well, I don't know. Surgery is very difficult and I'm scared to open up little kids. They have so much more to offer in this world. Isang pagkakamali lang ay pwede mo nang ipagkait sa kanila ang buhay na dapat sa kanila.

I sighed and leaned on the wall. This is a decision I have to make real quick. Hindi niya ako pinaburan dahil mayaman ako. I worked hard for this like my life depended on it.

Nagsimula na akong maglakad papuntang lab para makuha ang result nung blood work sa ten-year old na pasyente. Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko kung sino ang naglalakad. It's the handsome Damien Fontanilla in his white coat. May hawak siyang metal clipboard habang nakakagat sa ballpen na hawak niya. Seryoso siyang nakatingin sa clipboard kaya naman bigla akong lumiko para iwasan siya.

Hindi naman niya ako siguro nakita. Naglakad na akong papuntang locker room para magpalipas muna ng oras. Pwede ko pa naman kuhanin ang lab results mamaya. Nakita ko si Dawn at napangiti sa akin.

"Oh bakit nakangiti ka 'dyan?" Tanong ko.

"Sorry ha." Sabi naman niya at nakakunot ang noo ko.

"Ha, bakit?"

"I... volunteered for you in a medical mission at Palawan. Remember about two years ago eh si Cassie at ako ang pumunta? Ayun, inilista kita kasi nagkakaubusan na ng slots. Madaming may gusto kasi nga malaking bagay 'yun sa resume." Kumunot ang noo ko. Naku naman, may sakit 'yung isang intern at kulang ng 1 pang intern sa Pediatrics.

"Teka, hindi ito alam ni Dr. Jimenez. Malaki ang responsibility ko ngayon. Hindi ako pwedeng basta na lang sumama. Naku." Napakamot ako sa ulo habang nilalaro ang ID na nakasabit sa bulsa ng white coat ko.

Through the looking glassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon