Gumising ako nang masakit ang ulo. Hindi ko alam kung dahil ba kay Damien o sa lamig dito sa Sagada. Nakakapagod din kahapon kaya siguro nagpatung-patong na. Ewan, basta ang alam ko eh pagod ako at nilalamig. Hindi din kasi ako nakatulog talaga ng maayos. Alam ko kasing ilang metro lang siya sa akin. The thought thrills me but it makes me feel guilty as well. Paano ko nagagawang kiligin sa lalaking pag-aari na ng pinsan ko? I'm probably just plain shameless.
Tumayo na ako para maligo nang biglang namatay ang kuryente. Brownout ba? Naku naman. Kailangan kong tiisin ang malamig na tubig nila dito. Para ka kasing naligo sa tubig na may yelo dito sa Sagada. Sobrang lamig na sagad talaga sa buto.
Walang heater eh. Walang timba na pwedeng paglagyan ng mainit na tubig mula sa takure. Drum lang at shower na may faucet sa baba. Ang hirap naman.
Hindi na ako nag-inarte at agad na naligo kahit 5 minutes lang basta malinisan lang ang katawan. Di ako pwedeng lumabas na mabaho or amoy lupa. I need to look neat and respectable. Nakakaloka.
Sa ginawa kong pagligo ng tubig-yelo, sinipon ako. Badtrip talaga. Agad na sumakit ang ulo ko at parang nanuyo ang lalamunan ko.
Nag-init na ako ng tubig para paggising nila Jenna at Grace (Dr. Dela Cruz) para may pangtimpla na din sila ng kape. Umupo ako bandang veranda at tumingin sa magandang lupain sa harapan ng hotel na tinutuluyan namin. Ibang-iba 'to sa probinsya namin. Dito malamig at tahimik. Berdeng-berde ang kapaligiran at lagi kang aantukin. Sa amin kasi mainit at puro palayan ang makikita tapos may gubat. Medyo weird.
Huminga akong malalim at dumungaw sa baba. Nakita ko si Damien na nakaupo sa damuhan at nakaheadphones. Ano kaya ang laman ng playlist niya? Ano kayang genre ng music gusto niya? Mahilig din kaya siya sa indie music? Malamang ang tipo niya mga 'Coldplay' ang datingan. Siguro gusto rin niya ang 'Green day'
o kaya mga kanta ng 'The Killers'.I feel curious. I want to know him better. I want to know all of him. Kahit ano pa sigurong tanggi ko alam kong gusto ko siya. I like him that much. Nakakahiya sa totoo lang na may gusto ako sa lalaking pakakasalan ng pinsan ko. How loser can i be?
I found myself staring at him. I found myself imagining him in front of me, while we both listen to his music. I found myself picturing a life with him; a future with him. It doesn't make sense at all pero ano bang magagawa ko? Wala.
I shook the thought out of my head at naglakad na papunta sa loob para makapagbihis. Nakita ko si Jenna na nakaupo sa sofa at umiinom ng kape.
"Ang aga mong nagising." Sabi niya at natawa lang ako.
"Oo nga eh. Hindi ako makatulog masyado." Sagot ko naman.
"Huh? Eh ako nga pinigilan ko ang sarili kong matulog kahit 5 minutes kasi libre aircon dito. Ang lamig kaya at nakakaganda pa ng kutis. Haay... japan-japan kaya ang feeling." Tumayo na siya at pumunta nang banyo.
Lumabas ako ulit para bumaba. Gusto ko kasing kumain ng sopas sa resto sa baba. Hindi inaasahang basa pala ang hagdanan kaya naman nahulog ako. Ramdam ko ang masamang pagbagsak ko at ramdam ko ang sprain sa left ankle ko.
"Ouch!" Tumakbo papunta sa akin ang iilang doktor na nakatambay sa bandang hallway ng ground floor.
"Dr. Ramirez!"
"Na-sprain yata 'yung paa ko. Sobrang sakit talaga." Halos mapaiyak na ako. Nakayuko na ako sa sobrang sakit.
"Move!" Kilala ko ang boses na 'yun.
"Katherine, patingin ako." Nilingom ko kung sino ang nagsalita at nakita ko si Damien na nakaupo sa sahig at tinatanggal ang suot kong rubber shoes.
BINABASA MO ANG
Through the looking glass
Romansa(Medical series #3) Kayla is known as Katherine Lane Ramirez and she is the lost heiress of a multinational shipping company owned by the aristocratic Donya Aurora Buenviaje. She ran away and now that she's back, someone is ready to steal her heart...