CHAPTER 1 (The lost Princess)

1.7K 29 1
                                    

Nang maamoy ko ang signatured wooden doors ng mansyon, marami akong naalala. Hindi ko man gustong balikan ang lahat pero wala na akong magagawa. Alam ko sa sarili kong mahal ko ang mga kamag-anak ko at kailangan ko na rin bumalik kahit panandalian lang. I've made mistakes and I need to correct them somehow. Kailangan kong ipaliwanag kung bakit ako noon umalis at tuluyang lumayas. Alam kong may iilang tao ang may ayaw sa pagbabalik ko pero wala silang magagawa, si Donya Aurora Buenviaje na ang nagpatawag sa akin. Lola found me while I was doing my rounds sa isang pampublikong ospital na may blood letting. Nagkataong beneficiary ng ospital si lola kaya doon kami nagkita. How ironic, because it sounded like a story in pocketbooks.

"K-Katherine?!" Alam kong nagulat si Ayesa nang makita niya ako. It's been 10 years since the last time nang naglayas ako. They call me Katherine here but in the hospital, people call me Kayla Ramirez. Hindi ko kailanman ginamit ang pangalang Katherine Lane Ramirez. My real name sucks because that name came along with hardships and bad memories. Ayoko na ngang balikan kaso heto ako at no choice na bumalik.

Alam kong ayaw ni Ayesa ang pagbabalik ko dito sa San isidro, pero ano bang magagawa ko? Nahanap ako ni Lola at ni uncle Thomas. I have no choice but to go back and make up excuses why I left. Lalo siguro nilang ikagugulat na doktor na ako ngayon. Timing kasi na birthday pa ni lola at bongga ang celebration. Nandito pa lahat ng kamaganak namin. This will be a disaster. Knowing Ayesa, alam kong ayaw na ayaw niya sa akin.

"Hi dear cousin. Kamusta?" I blandly said while fixing my long and black mane. Alam kong nagulat siya kasi talagang tumangkad ako at pumayat nang 'di hamak. Mataba ako noon dahil spoiled pero nung lumayas ako at naghirap tapos may sakit pa eh papayat talaga ako. I was sick, very sick.

"Heto, masaya at ikakasal na." Napaismid ako dahil kinakabahan siya. Kahit naman hindi niya sabihin alam kong si Damien ang pakakasalan niya. Halos sila na lang ang laman ng lahat ng society pages pero wala akong pakialam. Akala mo naman may pakialam ako sa kasalan ng taon. Hindi na ako si Katkat na inggitera at insecure. Ako na si Kayla na may paninindigan at substance. Ako na si Kayla na nakita ang value ng buhay outside luxury and wealth.

"Well congratulations then, Ayesa. Hope to see your wonderful kids soon." I smiled. Oo, hindi naman talaga ako bitter sa kanya. I just always make it seem that way. Kahit noon pa lang na inaaway niya ako hindi na ako nakaramdam ng kahit na konting galit. Maybe at the back of my mind I know how painful it is for her to see me loved by lola. 

Halos ng lahat ng kamag-anak namin ay niyakap ako. Halatang namiss nila akong lahat. Hindi talaga ako naparamdam ng maraming taon dahil sa problema ko noon na ayaw ko nang balikan. Ang alam ko ngayon ay hindi na ako si Katkat na spoiled, fat and stupid. Oo, malayo ako noon sa Kayla na kilala ng mga kabarkada ko. I was obese and iyakin. Insecure din ako noon kay Ayesa pero insecure din siya sa akin. Parang tanga lang pero that's true. She once envied a huge doll house our grandma bought for me from the US. Iyak siya noon ng iyak kasi isang Barbie lang ang nakuha niya at maiksi pa ang suot. I used to question our grandmother's love for Ayesa, but in the end nalaman kong mahal din naman pala niya si Ayesa.

Hindi naman talaga ako naghihirap nang sobra-sobra. I just chose not to accept the support. Maging ulila ka ba naman at feeling ng isang pamilya na kamag-anak mo eh threat ka sa kayamanan, syempre anong mararamdaman mo? Ayesa's family saw me as the main competition to grandma's wealth at nang lumabas nga ang desisyon na sa akin lahat mapupunta ay ikinagalit nila. Lahat ng kamag-anak namin ay natuwa, sila lang ang hindi.

Ayesa's father is a known gambler kaya naman madaling naubos nila ang share na ibinigay ng namayapang lolo namin sa kanila. No wonder they pushed Ayesa into marrying the ruthless Damien Fontanilla. Even his name is a disgust on my tongue. I once read some celebrity gossips at hindi maganda. he used to date this one actress and she was dumped the day after they had sex. She was seen outside of his condo unit in Makati begging for him to take her back. I mean, is that even possible? Babae ang magpapakatanga sa lalaki?

Through the looking glassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon