CHAPTER 35 (Take me away)

494 6 1
                                    

Katherine Lane

Yes, I know. Alam kong malaking kasalanan sa Diyos ang magpakamatay. Alam kong maraming batang nagugutom sa Africa para isipin kong malas ako sa buhay.

Others have it worse. Maraming tao ang may mas matinding pinagdadaanan kesa sa akin. I know, masama ang magkumpara, pero totoo naman.

But why? Bakit ko nga ba nagawa?

The open air tempted me. The deafening sound of the wind that night enticed me. Feeling ko kung tatalon ako, mararamdaman ko ang hangin sa mga baga ko.

Nagbaka sakali akong maramdaman na buhay ako. Pakiramdam ko kasi wala nang dahilan pa para mabuhay ako. I have nothing left, so I jumped.

I am dead inside. Maybe it's not all about Jake. The big part of it is because I felt betrayed. Parang hindi ako minahal ng mga kamag-anak ko. It's like I'm an outsider kahit na kita kong mahal nila ako. I can see it all, but I can't feel it. Nakakamanhid.

Have you felt that way? Mahirap. Mahirap sa pakiramdam ang mawalan ng gana mabuhay. No matter how hard I try, wala pa din. Nothing in my life is right. Lahat puro mga masasakit na pangyayari.

Oh I actually have two things: my career and my friends. Sa totoo lang, hindi ako sigurado kung may trabaho pa akong babalikan. Sino ba ang gusto ng doktor na suicidal? Lalo na kung pedia ka, siguro ipa-ban na ako sa mga ospital.

God, I wasted my career. Nagsisisi ako sa ginawa ko. Everything is in ripple effect. Sunod-sunod ang mga nangyayari.

"Mark, tama na ang kakabalat ng apple. Kinakabagan na ako." Inirapan lang ako ni bakla at nagpatuloy pa din.

"You already know why. Kainin mo na lang."

"Ugh." Natawa si Cassie sa kanya kaya naman tumulong na din siya sa pagbabalat.

"Kayla, kainin mo lang lahat." Inilapag ko ang hawak kong libro sa tabi ko. I suddenly felt uneasy. Parang nasasakal ako. I don't know what's this feeling.

Tears began forming on my eyes, napatingin sa akin sila Mark at Cassie.

"I... I'm sorry. Pwede bang makita ko na si Jake. Hindi ko na kaya. Nahihirapan na ako. I want to see him. I want to feel him. Nung tumalon ako... I regret not spending enough time with him. Nanghinayang ako. Hindi ko pala kaya maging santa." I began crying really loud. Finally, umiyak na din ako.

The baggages are slowly getting off of my chest.

Niyakap ako ni Mark. Naiyak si Cassie habang nakatingin sa akin.

"Sigurado ka na ba?"

I nodded. "Hindi ko na kaya. Hindi na talaga. I can't... handle the pain. Hindi ko na kayang makitang umiiyak siya sa harapan ko. May mali sa buhay ko, at 'yun ang hindi siya bigyan ng second chance. Mahirap isipin pero ayoko nang magsinungaling sa sarili ko. I love him so much and this is the only thing I want. I want this love."

"Whatever you do, susuportahan ka namin." Sabi pa ni Cassie.

Patuloy lang ako sa pag-iyak. "Hindi ko na kayang maging mapagbigay. Alam kong masasaktan talaga si Ayesa, pero nasasaktan din ako. Mahal ko din si Jake, so this my chance."

Hindi ko na makita ang itsura ng mga kaibigan mo. Grabe na ang iyak ko. Hindi ko na siguro kaya talagang pigilin. Nagtiis na ako at hindi ko na kinaya. Hindi ko kayang tanggapin ang pag-ibig na binibigay ni Edward para sa akin. Si Jake talaga ang mahal mo.

Kinuha ni Mark ang phone ko sa backpack ko.

"Kayla, hindi ka namin pipigilan. You know what can make you happy, and just do it. Maiksi ang buhay. You're given a sencond chance to seize the moment. If he loves you, hihintayin ka niya. I have your phone now. Ikaw ba ang tatawag o ako?" Tanong ni Mark. Umupo siya sa kama at hinawakan ang kamay ko.

Through the looking glassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon