CHAPTER 33 (I love her)

534 6 1
                                    

"Next!" I heard Katherine spoke. Hindi ko alam na ganito siyang magiging active sa charity work. She loves the soothing feeling of worthiness. She feels useful.

She feels happy.

Nakita kong naubusan na siya ng vaccines kaya kumuha ako ng isang box sa isang tent at inilagay iyon sa table niya.

"Naubusan ka na ng supply." Sabi ko sa kanya. She just looked away from me. Siguro iniisip niyang pinaglalaruan ko lang siya. Hindi niya alam na nahihirapan din ako. I want to love her so much but... I'm the only one who cares for Ayesa.

Ayesa's mother doesn't give a damn about her because she lives like a 25-year old. Ayaw niyang aminin na matanda na siya. She hates seeing thw beautiful daughter who stole the spotlight from her. Her dad is still in UK for rehabilitation. He still has seven months.

Her entire family is against her for hating on Katherine Lane. Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sa kanyang si Katherine Lane naman talaga ang mahal ko. She will be devastated. She would hate the fact that the world selfishly let her to feel unloved.

It will ruin her.

"Sa... salamat." Sabi naman niya. Her brown eyes stared at my soul once again. Hindi ko talaga siya matingnan sa mata. I feel so guilty

"Pagod ka na yata? Do you want me to take over? Nagpahinga na 'yung ka-batch mo dito. I can finish the rest." Offer ko sa kanya pero halatang tatanggihan lang niya ako. She hates weakness. Ayaw niyang nakikita bg iba na pagod na siya. She will take responsibility for everything.

"Hindi na. I can manage." Galit ba siya? I guess she is. Hindi man lang niya ako nililingon. Busy siyang nagre-ready ng mga syringe na gagamitin niya.

Pakiramdam ko hangin lang ako na dumaan.

"No, you don't. Nakailang bata ka na at adults. Kanina ka pa tumutulong and that's enough. You should rest. Manginginig ang kamay mo sa pag-i-inject." Sabi ko pa sa kanya. She won't bulge. Ayaw niyang magpatalo.

"Kaya ko naman." Sabi pa niya pero alam kong nilalamig na ang mga kamay niya sa temperatura ng lugar. May unting fog at ambon kaya mas malamig ngayon. Kahit makapal ang hoodie ko ramdam ko pa din ang lamig.

"Kulit." Hinatak ko na siya papasok ng tent para makapagpahinga. Nang mahawakan ko ang kamay niya, halos nagyeyelo na sa lamig. Namumutla na din siya at naninigas ang mga kamay niya.

"I'm okay. Baka kung ano isipin nila." Sabi pa niya. Natatakot siyang isipin ng lahat na mang-aagaw siya. Alam na kasi ng lahat na ikakasal na ako. Akala ba nila hindi ko alam 'yon? Hindi ako ulyanin. Alam kong ikakasal ako.

Ikakasal na ako pero tinuloy ko ang residency para lang makita ko siya sa araw-araw. Hindi ko pa alam na siya si Katherine, nagdasal akong sana siya nga. I never believed in such Gods or deities. Hindi ako rehilyoso, pero halos oras-oras akong nananalangin na sana siya na ang hinahanap ko.

"Katherine Lane, wala naman silang iisipin! Nandidiri ka ba sa akin? Ano, binakuran ka na ba ng Corpuz na 'yun? Ano?! Siya na ba? 'Di ba may gusto ka sa akin? What happened? Ang bilis naman yata mawala." Hindi ko alam kung bakit nasabi ko 'yon. Nagseselos ako. Laging nakadikit sa kanya si Attyy. Corpuz na gusto ng lola niyang ipakasal sa kanya.

"Ikaw pa ang may karapatang magsabi niyan? You're getting married, and I don't care. I'm trying to be civil-"

"Civil? Tinatanggihan at pinandidirihan mo ako. Civil ba 'yon? Iniiwasan mo na nga ako tapos kahit dito ganun pa din? I'm disappointed, Katherine Lane. Sobra." Hindi ko alam bakit umaasa akong sabihin niyang mahal din niya ako. Bakit nga ba umaasa pa ako?

Through the looking glassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon