Chapter twenty four
"Iha, bakit hindi ka muna umuwi sa inyo? tatlong araw ka ng nandito siguradong hinahanap ka na ng mga magulang mo. Ako na lang muna ang magbabantay sa kanya." -Tita Karla
" Okay lang po. Tatawagan ko na lang po sila mamaya. Kailangan po ako ni Jared sa tabi nya ngayon." sabi ko sabay hawak sa kamay ni Jared.
"Magpahinga ka muna. Alam ko, kung nandito ngayon si Jared. Ayaw ka nyang nakikitang nagkakaganyan. Alam kong ayaw ka nyang nagpapakapuyat. Tignan mo nangangayayat ka na."
" Pero---" determined ang mata ni Tita Karla at sa ganitong sitwasyon, I know she doesn't take no for an answer. " Si-sige po. Pero babalik po ako kagad. Tatawag po ako sainyo para makibalita."
She nodded.
Umupo muna ako sandali sa gilid ng kama para magpaalam kay Jared. " Anu ba? sabi mo Now and forever? Pa-promise promise ka pa dyan tapos heto ka nakahiga! Nasan na yung Now and Forever mo? Gumising ka na. Promise gagawin ko lahat ng gusto mo. Bakit mo pa kasi ako niligtas? *Sob* Sige ka kapag hindi ka gumising kagad makikipag-brake ako *sob* tsaka maghahanap ako ng iba!*sob* Aalis muna ako ha? *sob* wag mong papahirapan si Tita Karla." then I kissed his forehead.
It's been Four months since nangyari yung accident. 1 week lang ay nakarecover na ako from injuries since hindi naman ako masyadong napuruhan. But what hurts me the most ay nakikita ko si Jared na nagkakaganito. Nakakabalot ng benda arms, right leg pati yung upper head nya.
He's in state of coma.
Wala na naman daw problema sabi ng doctor pero ang hindi nila maintindihan ay kung bakit hindi pa sya nagigising. Naging mabilis daw ang healing process nya. Maging yung mga injuries nya ay gumagaling na.
Apat buwan, at parang naging bahay ko na yung hospital. Paglabas ko sa school ay diretso na agad ako ng hospital. Madalas dito na ako natutulog.
Mas lalo pang naging mahirap sakin dahil lahat ng lectures ay pinang-kokopya ko si Jared para hindi sya mahuli sa mga lessons. Inaamin kong napapagod na ako kasi hindi naman sanay yung katawan ko ng ganito. Halos hindi na ako nakakatulog dahil sa pagbabantay at pagrereview para sa susunod na araw. Minsan naisip ko pano kaya kung ako yung nasa kalagayan nya? alam kong gagawin din ni Jared yung ginagawa ko ngayon. Yun na nga lang yung nagiging motivation ko para mas lalo pang lakasan yung loob ko. Hindi ko susukuan si Jared.
----
Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si Gino sa Garden. Medyo gabi na rin. DIto nya kasi hilig tumambay pag ganitong oras.
Naglakad ako papunta sa kanya. Tumango sya ng nakita nya ako. Kailangan ko ng advices ngayon kaya alam kong sya yung pinakabest na taong pwede kong lapitan.
"Kumusta na?" Sabi ko.
" What an irony. Ikaw ang kumusta?" He returned the question to me. Sabay inom ng coffee.
" Hi-hindi ko alam" I confessed. Sabay yuko ko. Totoo naman kasi hindi ko na alam yung mararamdaman ko kasi halo-halong emosyon yung natatalo sa kaloob-looban ko.
"Napapagod ka na ba?" Tanong nya ulit.
Naghanap ako ng sagot sa tanong nya. It took me a while to find an answer."Sa totoo lang gino, nahihirapan na ako. Napapagod? Oo. lahat naman nakakaramdam nun. Tao lang din naman ako Gino. Pero lahat naman gagawin mo para sa mahal mo diba?"
"Sabagay. Pero sa tingin mo ba gusto ni Jared yung ginawa mo?" Sa pagkakataong 'to nagulat ako sa tanong nya.
"A-anung ibig mong sabihin?" Bull's eye kasi yung tanong nya.
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Teen FictionBlair Fuentebella has the life everyone wants. Rich parents, a big house, and her own car. She has everything in life to make her happy, but she's not. Something is missing, but she can't figure out what it is. Enter Jared Padilla, the academy...