Chapter 16
Lord. Bakit nyo po pinapahirapan ng mga ganito ang mga babae? Sana matapos na agad ang one week. Naman eh. Wrong timing!kung kelan may practice kami ngayon naman sumakit yung puson ko.
Sobrang sakit talaga. T.T Di ko masabi kay DJ na hindi ako makaka-attend. Sure akong kanina pa sya naghihintay sakin sa park.6 am kasi pinag-usapan namin eh.Tsaka kanina pa ring ng ring yung phone ko.. Di ko masagot.
Para na talagang babaliin yung balakang ko sa sobrang sakit. Dysmenorrhea Sucks. Kahit medyo nahihilo ako, tumayo ako para abutin yung phone ko sa study table.
22 Messages?
Ganun na ba talaga siya katagal naghihintay sakin?
Brrrp! Brrp!
you have a text message! you have a text message!
binasa ko kaagad yung message ni DJ .nag-aalala na rin ako sakanya.
From: Your Sexy, Hot and Gorgeous Boyfriend.
8:05 am
Baby ko?San ka na? Kanina pa ko dito.
Di ko mapigilang ngumiti..ang kulit ng name nya sa phone ko.
To: Your Sexy, Hot and Gorgeous Boyfriend.
Deej, I can't make it today,Sorry, I'm ill.
Tumingin ako sa kisame ng kwarto.Pinagpapawisan na talaga ako ng malamig. Bakit kasi ngayon pa wala si mama?Di ko naman maasahan yung mga katulong namin sa bahay. Now, I realized, mali ako nung sinabi kong kaya kong mag-isa kahit wala sina mama. No one can live without his parents. Bakit kung kelan ko kailangan ng tulong nila dun pa sila nagttrabaho..
I'm alone now. Alone in this humongous house..
Sana pala naging normal na pamilya nalang kami. Yung walang maraming trabahong inaalala. Yung sakto lang, Sana yung mga parents ko katulad nalang nung ibang magulang. Yung may oras sila para sakanilang anak.
Ang labo na ng paningin ko, Dahil sa mga luhang hindi ko mapigilan...
Akala ng iba perpekto na ang buhay ko. Pero. Mali sila. I'm nothing compared to them. Nanliliit ako sa tuwing kasama nila yung mga parents nila. Naiinggit ako sa tuwing pinag-uusapan nila yung mga parents nila..
How I wish katulad ko din sila.Masaya.
Brrp!Brrp!
You have a text message! You have a text message!
From: Your Sexy,Hot and gorgeous Boyfriend.
Ha? Baket?Anung nangyari? Stay put. Papunta na ko dyan.
kahit na ang labo na ng paningin ko pinilit kong basahin yung message ni DJ. Nakapa bossy talaga ng taong to,
Medyo naging awkward kami these past few days dahil sa sinabi ko nung isang araw na acting lang yung ginagawa namin. Di ko alam kung nasasaktan siya.Pero kailangan kong gawin ang tama. May fiancee siyang naghihintay sa kanya.
****
Ah! Shit! Bakit ngayon pa nagka-traffic?Kinakabahan na talaga ako kay Blair. Minsan lang naman kasi dumaing si blair.. madalas tinitiis nya...
Anu ba yan?! Ang tagal! kung pwede lang talagang lumabas dito at buhatin nalang ang sasakyan ko papunta kina blair. Kanina ko pa ginawa.
Namaos na siguro yung phone ni Blair. kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi nya sinasagot.
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Teen FictionBlair Fuentebella has the life everyone wants. Rich parents, a big house, and her own car. She has everything in life to make her happy, but she's not. Something is missing, but she can't figure out what it is. Enter Jared Padilla, the academy...