Perfectly Imperfect - 9

2.6K 50 19
                                    

Chapter Nine

Well, pauwi na kami ni DJ. Hinihintay ko nalang sya kasi kakatapos lang ng Basketball practice nila so sinoli lang nya yung gamit nya sa locker nya.

Seriously? Ang tagal nya kaya. Ang dami ng reporter na nakapaligid sakin.

Blair, ano number mo? Pwede bang makipag-textmate?

Blair,ohh chocolates for you.

Wala ka bang kasabay pauwi? Tara sabay nlang tayo?

Yan yung sinasabi nung mga boys na dumadaan dito at marami pang iba!

Nakita kong papalapit yung mga kateam ni DJ.Nang may biglang umakbay sakin si. . .DJ

"Sensya na pre,akin lang sya" tapos lumiko ng way na yung mga kateam nya.

"Ang tagal mo! Akala ko di ka na darating!"

"May inutos pa sakin si coach. O? Ano yan?" sabay turo nya dun sa mga nakatambak na flowers and chocolates.

"Binigay nila sakin. Nakakahiya naman kung hindi ko tatanggapin diba?" tapos nag-iba expression ng mukha nya. Parang galit? Ewan. Mahirap mag -assume

"Dapat di mo nalang tinanggap." tapos kinuha nya lahat yun tapos. . . .

"DJ naman e!" well kinuha lang naman nya tapos tinapon sa trashcan sa tabi nya.

"Di mo na kailangan nun. Ang taba na ng baby fats mo."

"Hindi ako mataba no!"

"Tignan mo nga mukha mo parang siopao" tapos kinurot nya yung face ko. Ouchhh lang

"Ehh yung flowers? Ang ganda pa naman!" tapos kumunot yung noo nya. Ang creepy! Pero cute parin naman

"Anung gagawin mo dun? Mukhang pang-patay!"

" Tara ng nga uwi na tayo" Kinuha nya yung hands ko then inintertwine nya yung fingers namin.

Okay ako na namumula, pano kaya nakatingin lang ng students samin. Haist! Nakakahiya. Ako nga nakayuko na ng todo, yung kasama ko naman taas noo.

"DJ?Maglalakad lang ba tayo ngayon?"

"Oo, exercise to no, di ko dala kotse ko. Ang taba mo na kailangan mo ng magpapayat" tapos nag smirk sya.

"Ang yabang mo! Di naman ako mataba ahh." tapos hinampas ko sya ng mahina sa braso nya.

"Wag ka ngang magpout. Halikan kita dyan e."

"Huh? Ano di kita maintindihan. Ang hina e."

"Wala." tinignan ko siya. Nakasmile lang sya at diretsong nakatingin sa harap namin. Minsan iniisip ko anu nga ba yung totoong feelings ko para sakanya. May mga times na naiinis ako sakanya. Minsan naman ang sarap nyang kasama at hinahanap ko yung presence nya. Hindi ko na talaga alam.

Papasok na kami sa village namin nang may marinig kaming sumisigaw.

"Help! Tulungan niyo ako please!" Nagkatinginan kami ni DJ. Kaagad akong bumitaw sa pagkakahawak sakin ni DJ at tumakbo para hanapin yung sumisigaw.

OMG. Meron dalawang mamang lasing na lumalapit dun sa girl, cornered na siya dun sa dead end. Hindi ko makita yung mukha medyo madilim na kasi. Pero mukhang galing sya ng ibang bansa, halata sa suot nya. Lumapit pa yung dalawang mama sakanya.

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon