Chapter thirty two
Ilang araw na rin ang lumipas simula nung nadischarge ako sa ospital.
Naging iba na rin ang trato sakin ni Jared. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit. Kung dati, ay halos ipagtulakan niya ako palayo sakanya na para bang may nakakahawa akong sakit. Ngayon naman, bigla-bigla na lang siyang lalapit sakin at mang-iinis. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa bigla niyang paglapit sakin o hindi.
Kasabay naman ng pagbabago ni Jared ay ang paglapit ni Rigid sakin. Isa lang ang masasabi ko sakanya. Napakabait. Bukod sa barkada ay siya ang lagi kong kasama nitong mga nakaraang araw. Ang gaan sa pakiramdam kapag siya yung kasama ko. parang nawawala lahat ng problema. Bukod sa napaka-gentleman, hindi ko rin maipagkakailang may itsura itong si Rigid. Wala ng ibang hahanapin pa ang babaeng magmamahal sakanya. Kung siya siguro ang una kong nakilala kaysa kay Jared, malamang sakanya ako nagkagusto. Hindi naman kasi imposibleng mahalin si Rigid. May topak nga lang siya minsan. Pero, gaya ng sabi ko kanina, 'kung siya ang una kong nakilala'. Kaso, hindi eh. Si Jared. Mahal ko si Jared at hanggang magkaibigan lang kami ni Rigid. Hanggang dun lang 'yon.
Pauwi na ako sa bahay. Inagahan ko ang uwi ko dahil paniguradong nasa bahay si Jared. Lagi siyang nasa bahay namin simula nung nagkasakit ako. Ewan ko ba, ang awkward kasi ngayon kapag kasama ko siya. Siguro kasi hindi niya ako natatandaan at may 'iba' siyang girlfriend ngayon.
"Rigid, dito na lang sa tabi." nasabi ko ba sainyong may pagka makulit itong si Rigid? Hindi niya ako hinahayaang umuwi ng mag-isa.
"Sigurado ka?" tumango na lang ako. Itinabi niya ang kanyang kotse saka na ako bumaba.
"Ingat ka, Rigid!" Ngumiti lang ito saka pinaandar ang kanyang sasakyan.
Sabay kasi kaming umuwi galing school. Oo, matatapos na ako ng high school saka ko lang nalaman na may isang Rigid Angeles na nag-aaral sa school na pinapasukan ko. Co-incidence nga naman.
Pagpasok ko ng bahay, nakahalukipkip na sumalubong saakin si Jared. Uh-oh,
"Bakit kasama mo siya?" Galit na tanong ni Jared. Eto na naman po, oras na ng sermon galing kay tatay. =_=
"Magkaibigan kami, Jared. Natural lang ba sumabay ako sakanya pauwi."sagot ko sakanya. Siguro nahalata niya ang pagod sa boses ko kaya nanahimik siya sandali.
"Iwasan mo siya." Utos niya sakin. Nagpintig ang tenga ko nang marinig ko yung sinabi niya.
"No." Madiin kong sabi, habang paupo ako sa sofa.
"Bakit hindi?! Gusto mo ba siya?!" Napaharap ako sakanya pagkatapos niyang sabihin iyon.
"Goodness, gracious!! Of course not!! Magaan lang talaga yung loob ko sa tao, Jared. Wag mo namang bigyan ng malisya ang pakikisama ko sakanya! Be rational!"
"Kung ganon, bakit lagi kayong magkasama?!"
"Siya lang naman yung taong nagparealize sakin ng nga bagay bagay nung mga time na dapat susukuan na kita! Thankful lang naman ako sakanya. Kaya, wala kang karapatang pagsabihan ako kung sino ang pakikisamahan ko! Gustong-gusto ko ng sumuko, Jared." Napatayo ako nung sinabi ko 'yun. Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko. Kahit din naman ako. Nagulat.
"Susukuan mo ako?" Parang nasaktan siya sa sinabi ko.
No. Not this again.
Tumango ako at yumuko."Pagod na pagod na ako. Tao din naman ako, Jared. Oo, marunong akong magmahal.Pero, katulad ng iba, marunong din akong masaktan. Marunong mapagod. Hindi ko na kasi kaya eh. Ang sakit- sakit kapag nakikita ko kayo Zy. Parang, pinupunit ng paunti-unti yung puso ko. Nung una, akala ko, kaya ko. Kaya tiniis ko lahat-lahat. Hahaha! Ang hirap mag-pakamartyr. Ang sakit pala. Hindi ko pala kayang manood sa tabi, Jared. Nagsisisi ako. Dati, ako yung nasa tabi mo eh. Kaso, iba na ngayon. Hindi na ako. May Zy na sa eksena. Hindi na ako yung bida. Extra na lang ako. Hindi ko kayang manood ng lovestory nyo, Jared. You know what? I'm really thankful kasi sinave mo yung buhay ko. Ikaw yung napuruhan imbis na ako. Pero, kung alam ko lang na ganito yung mangyayari? Sana pala, hindi na lang. Sana, ako na lang yung napuruhan. Sana, ako na lang yung nawalan ng alaala. Sana, hindi ako yung nasasaktan. Kasi, kahit ako yung nakakaalala sating dalawa, ako yung nasasaktan ng sobra-sobra. Ako ang may hawak ng memories natin....na nakalimutan mo." Pinunasan ko ang luha ko. Kahit na useless kasi patuloy pa rin ito sa pagtulo. Nginitian ko siya.
"I'm thinking of letting you go, Jared. I'm dead tired already. Di ko na ata kaya." Aalis na sana ako. Kaso, hinila niya ako.
"No. Not now, Blair. Please" Ngayon ko lang siya nakita na ganito. Nakatingin sakin na parang nagmamakaawa.
"Bakit, Jared? What difference would it make kung hindi kita susukuan? Kahit ano namang gawin ko, ako parin yung masasaktan! Maawa ka naman sakin! Kung hindi mo ako naaalala, then fine! Iwan mo na ako! Wag mo naman akong saktan ng paulit-ulit!"
"No, Blair. Sshhh, Calm down." Yinakap niya ako ng sobrang higpit. "Nandito ako ngayon kasi mag gusto akong ipaalam sa'yo."
Napatingin ako sakanya.
"Siguraduhin mong seryoso yan. I'm getting tired of your-----" then that's it. He kissed me. Long and passionate.
"I'm sorry and I love you, Blair. Naaalala na kita."
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Teen FictionBlair Fuentebella has the life everyone wants. Rich parents, a big house, and her own car. She has everything in life to make her happy, but she's not. Something is missing, but she can't figure out what it is. Enter Jared Padilla, the academy...