Chapter fifteen
Si DJ.
Enough.What are you trying to do? Anu pa bang gusto mong patunayan? Ha? Hindi ka pa ba nagsasawa? Tigilan mo na to. Wala na tong patutunguhan. Ginagawa mo lang kahihiya-hiya yang sarili mo.
Alam kong hindi tamang sigawan ang isang babae. Pero sa ginagawa nya ngayon sa tingin ko she really deserves this.
Hindi! Hindi DJ! Hindi ako titigil hangga't masaya kayo ni Blair. Hinding-hindi ako titigil tandaan mo yan. Sabi nya sakin.Masyado itong mahina para marinig ng iba pa naming kaklase..
Hinding-hindi mo sya magagalaw Zharm. Mamumuti muna ang mga mata bago mangyare yun. pabulong ko ring sabi sakanya..
Really?Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Sige. Mag-pakasaya ka na hangga't hindi pa natatapos ang 'DEAL' niyo ni Blair!
A-anong pinagsasasabi mo? pano nya nalaman yun?Sa pagkaka-alam ko, kaming tatlo lang ni Blair and Julie ang may alam ng deal na yun. Sh*t! Kapag nalaman 'to ng parents ko, siguradong itutuloy nila ang engagement namin ng babaeng 'to. Hindi pwede. Hindi pwedeng mangayri 'yon.
I have eyes on YOU Dj! Sa tingin mo ba hindi ko malalaman ang pag-papanggap niyo ni Blair? Wag kang masyadong kampante Jared. Hindi mo pa alam ang kaya kong gawin. Ano nalang kaya ang sasabihin ng parents mo pag nalaman nila ang totoo?
You Stup*id Spoiled brat! Tigilan mo na kami.
Okay. But after your 'deal' Matutuloy na ang engagement natin! See you soon my Future Husband! Pagkatapos nyang sabihin 'yon lumabas na siya ng classroom. Tama nga ang sabi ko kay Blair! Hindi dapat kinakaawaan ang mga taong katulad nya.
DJ. Napatingin ako sa taong tumawag ng pangalan ko. Gustong-gusto ko siyang yakapin at sabihing totohanin na namin ang pagpa-panggap na ito! Pero bakit hindi ko magawa? Kapag pinagpatuloy pa namin ito patuloy lang masasaktan ang babaeng nasa harap ko ngayon..
Ang taong kahit kailan ay ayokong masaktan.
DJ?Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala.. Anong sabi sa'yo ni Zharm?
Wala. *smiles*
Ilang araw na lang din naman at matatapos na ang deal namin. Susulitin ko na ang mga araw na 'yon. Susulitin ko na ang mga araw na kasama ko ang babaeng mahal ko.
****
Sa Loob ng isang linggo puro practice lang yung ginawa namin. Enjoy rin naman kahit super pagod sa pagpa-practice. Sabay-sabay kaming anim sa pagpractice sa loob ng music room sa school. Minsan naman sa bahay namin sila nagpupunta. Sina nathan and Zharm? Ayun. Nag-ppractice na rin pero si Zharm ang laging nasusunod. Kasalukuyan namin ngayong nagppractice ni DJ. Kaming dalawa lang dito sa music room dahil may lab activities daw sina Nick and Julie.. Sina Nico at Cheska naman ginagawa yung investigatory project nila.
Napapansin ko ring parang may problema si DJ. Ngumiti siya pero alam mo yung parang malungkot? Prang ibang DJ nga yung kasama ko ngayon. Malapit na palang matapos yung deal namin. Makukuha ko na yung necklace ko! ^.^
Yun lang naman ang dahilan kung bakit Napa-oo sa deal na 'to eh! Sa loob ng almost three months namng pag sasama ni DJ parang unti-unti ng nagbabago ang nararamdaman ko sakanya. Hindi ko nga lang alam kung ano ba 'yon..
Napakarami na naming pinagdaanang problema ni DJ pero yung pinakamatindi ay yung kay Zharm ngayon.. Lalo pa't nalam kong alam na nya yung tungkol sa deal namin ni DJ. Masyado na ba akong nakakagulo sa sakanila? Pano nalang kung malaman ng parents ni DJ na niloko namin sila? Masisira yung trust nila kay DJ. Kaya bago pa kami maunahan n Zharm kailangan masabi na namin sakanila..
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Teen FictionBlair Fuentebella has the life everyone wants. Rich parents, a big house, and her own car. She has everything in life to make her happy, but she's not. Something is missing, but she can't figure out what it is. Enter Jared Padilla, the academy...