Perfectly Imperfect - 20

1.6K 35 14
                                    

Chapter twenty

"Ano ba, dun ka nga sa isang kama! Ang luwag luwag dun bakit dito ka ba sumisiksik?!" Naiinis na si Jared sa mga nangyayare lalo na't hindi sila makalabas sa clinic ngayon. Mas kinaiinisan pa nya na kasama nya si Blair . Ginagawa nya ang lahat para iwasan siya dahil sa tuwing nakikita nya ito nasasaktan lamang sya ngunit dahil sa galing ng tadhana magkasama na naman sila ngayon.

 "Ayoko nga!Ako ang nauna dito kaya dito ako. Tsaka mas malapit yun sa bintana baka kumidlat na naman. Ang lakas pa naman ng ulan." Pilit silang nagsisiksikan sa isang kama dahil ayaw nila sa kama na malapit sa bintana. naalala ni Jared na takot nga pala si Blair sa kidlat kaya napag desisyunan na nalang nyang lumipat pagtayo nya. . . 

BOOM!

Kidlat+Blackout= chaos

"Waaaaaahhhh!" Sa sobrang takot ni Blair ay napalundag ito at napayakap kay Jared.. Pareho silang nagulat sa pangyayari. Wala ni isa man ang nakagalaw sakanila ngunit dahil alam ni Jared na takot si blair sa kidlat pinabayaan na lamang nya ito. Kinalimutan muna nya ang pagkailang at planong pag iwas sakanya. 

"Ohhh? akala ko bang lilipat ako dun sa kabila?" Natatawa-tawang sabi ni Jared kay Blair.Alam ni Jared na takot na takot na ito ngunit naisipan nya pang biruin ito.

" Wag!Dito ka muna!"

"Hahaha!Ang tapang tapang mo kanina tapos ngayon gusto mo samahan kita dito?Ayoko nga.Mag please ka muna."

Inis na inis na si Blair kay Jared dahil inaalaska nanaman nya ito. Alam ni Blair na niloloko lamang sya ni Jared. lalo pang sumiklab ang inis nito nang pagtawanan sya ni Jared. Pero, Dahil nga sa takot nito,hindi naman pwedeng magmatigas si Blair sakanya dahil pag ginawa nya iyon iiwan sya ni Jared. 

 kung si Jared kung anu-ano na ang tumatakbo sa isipan nya, si Blair naman nawala lahat ng pag-aalala nya tungkol kay Jared dahil napunta lahat ang pag-aalala nya sa kasalukuyang nagaganap ng kidlatan ngayon =_=.

" A-ayoko nga! inuuto mo lang ako eh!"

" Ganon? O sige suit yourself"

 Agad agad na tumayo si Jared at lumipat sa kabilang kama. Sa totoo lang hindi naman talaga seryoso sa sinasabi nya. Pinagttripan lang talaga nya si Blair. 

KRUUUUUUGGGGGGBBBBMMMMMM!!(a/n:pasensya na wala akong budget sa sound effect haha!)

Hindi na alam ni Blair ang gagawin nya.Meron naman talaga syang naiisip gawin eh

a. sumigaw on the top of her lungs

b. Magtago sa ilalim ng kama

c. pumasok sa cabinet

d. magmakaawa kay Jared

KRUUUUUUGGGGGGBBBBMMMMMM!!!!!!!

Sunod sunod ang malakas na pagkulog at pagkidlat. Takot na takot na talaga sya.kaya naman nagpunta sya sa kama kung nasan si Jared at tumabi dito. 

"D-dito muna ako *sniff* p-please?" sabi nito habang nakapikit at  nakatakip ang tenga nya gamit ang kanyang mga kamay. 

Pilit syang inaaninag ni Jared gamit ang liwanag ng buwan. Alam nitong umiiyak na sya dahil sa sobrang takot. Kaya naman hinila niya ito at yinakap ng mahigpit.

"Shhh,tama na. Wag kang matakot kasama mo ako." hinaplos ni jared ang buhok ni Blair habang pinapatahan nya ito. 

" huhuhu. Kasalanan *sniff*ko 'to! Kung hindi ako nasugat, hindi sana ako mapupunta dito sa clinic na ito,hindi *sniff*mo na ako dapat samahan at hindi tayo*sniff* masi-stranded sa lugar na 'to! Edi sana hindi tayo naghihirap dahil*sniff* sa blackout tsaka sa kidlat na yan!"

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon