Perfectly Imperfect - 14

2K 40 10
                                    

Chapter fourteen

It's been 6  days. It's been 6 days mula nung nagpunta ako sa bahay nina DJ. Yun na rin yung last time na nakausap ko siya ng maayos. Di na rin kami madalas nagkakatagpo dahil na rin kay Zharm. Lagi na kasi siyang nakikisabay kay DJ, at alam ni DJ na laging may binabalak na masama sakin yung impaktang yun. Kaya hindi na kami nagkakasabay. Umiiwas na rin kami sa gulo. Kahit na ganun yung sitwasyon namin. Hindi naman niya nakakalimutang ipa-alala sakin yung mga simpleng bagay..

Flashback

Calling Your Sexy Hot and gorgeous Boyfriend

Calling Your Sexy Hot and gorgeous Boyfriend

Ansabe ng name nya?sya naglagay nyan ahh.

Hello?

Baby ko?

Bakit? Bakit ganyan yung boses nya? Parang ang sexy?!yay! Di pa rin ako sanay na tinatawag nya akong baby kahit na isang buwan na kami.

Baby ko?Namiss kita. Yung boses nya ngayon parang may halong lungkot. Hay nako Blair. Wag ka ngang assuming. Peke lang yan. Fake boyfriend mo siya diba.

Ikaw? DI mo ba ako namiss? haynako. Kung alam mo lang. Miss na miss nakita. Gusto ko nga kasama kita lagi eh. Kaso may epal. Gusto kong sabihin yun kaso ayaw lumabas sa bibig ko eh.

H-Ha?

Sabi ko di mo ba ako namiss?

Namiss kita. Feeling ko namumula na talaga ako dito. Buti nalang at gabi na at nakapatay na lahat ng ilaw.

Talaga?

Oo nga!

Baby ko? Bukas Hindi tayo magsasabay ha?Baka kasi saktan ka nanaman ng alagad ng lupang yun.

Ahh okay....Ahm DJ?

Bakit "DJ"?

Eh ano dapat?

Ikaw ha nakakapagtampo ka. Nakalimutan mo na yung tawagan natin.

Ayoko nga. Yung tawagan natin yun din yung tawag sayo ni Zharm eh nakakapangilabot tuloy pakinggan.

Meaningless naman yung pagtawag nya sakin ng ganun wala naman LOVE dun puro pangaasar. Eh bakit wala din namang love yung satin eh!Puro pagpapanggap lang din.

Goodnight! See you in my dreams!

....Call Ended....

End Of Flashback

Kahit na simpleng bagay lang yung ginagawa nya happy pa rin ako kasi kahit papano meron pa rin. Sa School naman sina Niko, Julie, Cheska, pati na rin si Gino ang mga kasama ko. Sa totoo lang kahit na kakakilala ko palang kay Gino magaan na ang loob ko sakanya. Sa tuwing kasama ko siya It feels different. Don't get me wrong dahil hindi naman yung romantic way yung tinutukoy ko.

Sa tuwing may problema ako lagi siyang magsasalita ng matatalinhaga. Minsan nga kahit hindi ko na naiintindihan e nakikinig pa rin ako. Dahil alam kong makakatulong siya sakin.

Hanggang ngayon nawiweirduhan parin yung mga schoolmates namin sakanya.

Sino ba naman hindi ma-wiweirduhan?Bigla nalang siyang susulpot tapos magsasalita nalang bigla. haynako..

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon