Chapter twenty nine
Pagkatapos ng eksenang naganap kanina ay napabuntong hininga na lamang si Blair. Hindi na niya alam kung ano ang iisipin. Alam niyang masyadong naging masama ang pagtrato niya kay Jared. Pero kung hindi niya gagawin ‘yon ay baka nasabi na niya sakanya ang katotohanan.
Lalo pang sumama ang loob niya ng makita niyang nasugatan si Jared dahil na rin sa kanyang kagagawan. Wala siyang ibang magawa kundi umiyak na lamang.
Tila naintindihan naman ng kalangitan ang nararamdaman ni Blair dahil bumuhos ang napakalakas na ulan kasabay ng pagkulog at pagkidlat.
“Ano ba? Bakit ngayon ka pa nakisabay?! Bakit ngayon pa?! Nananadya ka ba talaga?!” Galit na sabi niya. Alam na kasi niya ang susunod na mangyayari. Ayaw niyang magpakita ng takot lalo na’t napakalayo na ng narating ng kanyang pag-arte.
Mabuti na lang at wala pa si Jared. Ayaw niyang makita siya nito na iyak ng iyak at takot na takot. Natatakot siyang baka mas lalo pa siyang kaawaan nito.
Kahit sino naman siguro ay makakaramdam ng awa kapag nakita nila ang itsura ng isang Blair Fuentebella ngayon. Ang dating babaeng tinuringan na may hugis ng Coca-Cola dahil sa mga curves nito ay isang patpating babae na lamang ngayon. Presentable pa naman siyang tignan ngunit mahahalata mo talaga ang laki ng ipinayat niya. May maiitim na pares ng korteng buwan na rin sa ilalim ng kanyang mga mata dahil sa hindi maayos na pagtulog nito. Idagdag mo na rin na nanginginig siya sa takot ngayon dahil nagsimula na namang mag-ingay ang kalangitan.
Nakaramdam tuloy ng pagsisisi si Blair dahil kung kanina ay halos kaladkarin na niya si Jared palabas ay siya namang dalangin niya ngayon na sana ay pumasok na ito ng kwarto upang kahit papano ay maalis ang atensyon niya sa kulog at kidlat.
Hindi na niya kinaya pa ang matinding takot at pumasok siya sa cabinet na nasa sulok ng kwarto.
“This is the only thing that keeps me safe.” Bulong nito sa kanyang sarili bago tuluyang pumatak ang kanyang luha.
Isa’t kalahating oras ng nakaupo si Jared sa labas ng kwarto ni Blair. Hindi niya alam kung ano na ang kanyang gagawin. Alam nya kasing kapag pumasok siya sa loob ng kwarto ay ipagtatabuyan na naman siya nito. Hindi niya alam kung bakit ganito ang trato nya sakanya.
Mas lalo pang gumulo ang isip niya nang marinig niya si Blair kanina.
“Abot kamay lang kita ngayon, pero bakit parang ang layo mo pa rin? Alam mo mahal na mahal kitang gago ka! Iniwan mo akong nag-iisa. Ang masama pa, sumama ka kay Zy. Alam mo naman siguro kung gaano siya kagalit sakin diba? *sniff* Napakasama mo! Bakit mo ba ako tinatrato ng ganito?! *sniff* Ang tanga ko naman. Kahit gaano ako mag-iiyak dito, alam ko namang hindi mo ako maaalala. *sniff* Sabi mo nga diba? Baka hindi ako importante sa’yo. Tss!Nakakainis lang kasi yung forever mo mas nauna pang natapos kesa sa Unli ko. Nakakatawa diba?”
Ang totoo ay hindi naman talaga siya tulog. Hindi niya sinasadyang marinig ang hinanakit ni Blair sakanya. Kahit naman nakatalikod siya rito ay alam niyang sakanya napapatungkol ang mga ito.
Hindi naman manhid si Jared para hindi niya maramdaman kung ano niya si Blair. Kahit papaano ay may hinala na rin siya kung ano ang relasyon nilang dalawa pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hinahayaan siya nito na makasama si Zy.
Naikuyom na lang ni Jared ang kanyang kamao dahil hindi niya maintindihan ang mga nangyayari.
Tumayo siya at akmang aalis nang biglang umulan ng malakas kasabay ng kulog at kidlat. Dapat ay lalabas siya at bibili ng makakain ngunit tila may magnet na humihila sakanya papasok ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Teen FictionBlair Fuentebella has the life everyone wants. Rich parents, a big house, and her own car. She has everything in life to make her happy, but she's not. Something is missing, but she can't figure out what it is. Enter Jared Padilla, the academy...