Chapter thirty one
"San ka galing? malamig niyang tanong.
"S-sa labas??"
Napayuko na lang ako nang marealize ko kung gaano kawalang-kwenta ang sagot ko sakanya. Yung tipong kahit grade 1-section 11 ay hindi maniniwala. Kung wala lang siya sa harap ko, siguro ay napa-facepalm na ako sa sarili kong sagot. Anong klaseng sagot naman yun diba? Sa lahat naman ng pwedeng sabihin e bakit yun pa? =_= Natural sa labas, kaya nga hinahanap ka niya diba?
Napailing siya saka Humalukipkip. "San ka galing?"
"A-ahh. d-dyan lang sa tabi, nagpahangin lang."
Tinignan niya ako na parang hindi naniniwala sa mga sinabi ko. Nakakunot pa rin ang noo nito.
Alangan naman kasing sabihin ko na nagpunta ako ng rooftop tapos may nakilala akong gwapong lalaki at nagkaroon kami ng small-talk. Mas lalong hindi naman pwede yun diba?
"Uulitin ko, anong ginawa mo sa labas?" mag-iisip na sana ako ng napaka-gandang palusot. Buti na lang ay may pumasok na nurse.
Hingal na hingal itong nakatingin kay Jared.
"Sir! nacheck ko na lahat pero hindi ko mahanap s---- " hindi na ito natuloy ang sasabihin, dahil napatingin ito sakin. pinagsisisihan ko tuloy na umalis ako ng di nagpapaalam. Ang dami ko atang naabala.
Pabalik-balik ang tingin ng Nurse saamin ni Jared. Napakamot na lamang ito ng ulo. "Ms, Fuentebella, magpahinga na po kayo ulit. Bawal pa po kayong magpagod." Lumapit ito sakin at inalalayan ako papunta sa kama. "Sa susunod po kung lalabas kayo, magpaalam po kayo sa kasama nyo. Alalang-alala po kasi siya kanina." napatingin ito kay Jared na kasalukuyang masama pa din ang tingin saakin.
Inilagay na ulit ng nurse ang suwero sa aking pala-pulsuhan. Pagkatapos ay lumabas na ito.
*awkward silence*
Hindi ako makatingin kay Jared. Nakakahiya. Bukod sa hindi na ako nagpaalam sakanya kanina, ay nagawa ko pang gumawa ng pang-grade 1 na kasinungalungan.
Hawak ko pa rin yung librong binigay sakin ni Rigid. Hinawakan ko ito ng mahigpit. Napatingin naman dito si Jared. I think, I really need to explain things.
"I told you, galing ako sa labas. Nagpahangin. Gusto ko ng lumabas dito. For God's sake! I've been here for how many days already! It's not like I have some serious illness or something! It's just exhaustion, okay? Wag ka ng magalit," Dahil sa sinabi ko mas lalo pa ata siyang nagalit.
"JUST exhaustion, Blair?" diniinan niya talaga ang word na 'Just'. "You seriously don't care about your health? Everyone's making a fuss about it and here you are, taking the situation very lightly!" nagulat ako kasi bigla siyang nag-freak out sa harap ko. Hindi ko naman kasi inexpect na concern pala siya sakin. Afterall, hindi naman niya ako natatandaan. Hindi na ako sumagot.
"Ikaw dapat ang nakakaalam na hindi ito biro, Blair. Katawan mo yan. Ikaw yung nakakaramdam ng mga nangyayari sa'yo. Hindi yung parents mo. at mas lalong hindi kami. You should take care of yourself, too. Ang daming taong nag-aalala sayo. Give them some credit, Blair! Magpagaling ka para sa sarili mo, at para sakanila." Para sakanila? so hindi talaga siya kasama? Naiiyak na ako. Nakakatakot kasi siya. Parang siya yung tatay ko nito.
"Now, Rest. Pupunta dito si Julie and your parents. You need energy."
"O-okay. I-I'm S-sorry." Humarap nalang ako sa ibang direksyon kasi ayokong makita niya akong naluluha-luha na. Yakap-yakap ko yung book na binigay ni Rigid. T_T *sob* napatakip ako ng bibig dahil baka marinig ako ni Jared na umiiyak.
0_0 Laking gulat ko na lang na tumabi sakin si Jared sa kama. Hindi kami kasya! Bukod sa single bed lang ito, ay napakatangkad ni Jared para magkasya kami. "Jared, what are you doing?! Mahuhulog tayo!" Sabi ko habang nakatingin pa din sa opposite direction.
Yinakap niya ako ng sobrang higpit at inilapit niya ako sakanya. Iniwas ko yung kamay kong may suwero kasi baka lumabas yung dugo. Pero, why on earth is this happening?!
"'Yan, okay na?" Tanong nito sakin.
"Jared, get off, please. Baka may pumasok na nurse o kaya dumating sina Mommy!" suway ko sakanya.
"So?" what the?
"Anong 'so'? Malay mo kasama nila si Zy! Hindi ka ba natatakot na makita nila tayo??" As much as I want na ganito lang tayo, hindi talaga pwede. Not now.
"Ano ngayon? Masama bang makitulog? Utang na loob, Blair. Di pa ako nakakatulog simula kagabi sa kakabantay sa'yo. Hindi ako makatulog ng maayos sa sofa na yun. Ang sakit pa ng katawan ko. Kaya, please, patulugin mo muna ako. Maawa ka naman sakin."
"Pero----"
"Sige, kung ayaw mo, wag na lang." akmang tatayo na siya nang bigla kong hinawakan yun kamay niya.
"Uhh, okay lang, sige, higa ka na. Sorry. Nag-aalala lang kasi talaga ako, baka may makakita satin." Nakakaawa naman kasi siya. Napatingin siya sa kamay naming magkahawak. Kaya, kaagad ko itong binitawan. Umusod ako sa pinakadulo ng kama para magkasya siya.
Humiga na siya. Nakita kong nakangisi ito sakin. Tatalikod pa lang sana ako ng biglang niya akong hinatak papunta sakanya. Yakap-yakap na naman niya ako. Pero, ngayon, nakaharap na ako sakanya.
"Jared, why are you doing this?" Hindi ako makatingin sakanya. Nakakailang. Bakit bigla akong nanibago sakanya?
"Doing what?" Pa-inosente nitong tanong.
"Hmm, eto. yung pagbabantay mo sakin. Tapos, kanina, grabe ka mag-alala nung umalis ako."
"Blair, kahit sino mag-aalala kapag may nawawalang pasyente." sabi nito habang nakapikit at mahigpit na nakayakap sakin. Parang konting galaw lang kasi mahuhulog kami.
"Eh, Bakit concern na concern ka?"
"Ewan ko, there's a part of me na nagsasabing dapat kitang alagaan at wag iwanan. Aish! Di ko din alam. Tsaka kung gusto mo palang bumili ng libro, sabihin mo sakin. Ibibili kita. kahit ilan pa yung gusto mo. Basta,wag ka na ulit lalabas ng hindi nagpapaalam. Para akong mababaliw sa kakahanap sa'yo.." para siyang batang nagtatantrums. Napatingin ako sa librong hawak ko. Sana makita ko ulit si Rigid. Hindi ako makapaniwalang sinasaji 'to sakin ni Jared ngayon. Masaya ako. Masayang-masaya. Kasi, kahit papaano, may progress na nangyayari.
"Anong oras ba dadating sina Julie? Baka kasama nila si Zy. Paano ka? Magagalit siya sa---" di ko natuloy ang sasabihin ko.
Yumuko siya para tignan ako. "Blair, wag mo munang isipin ang ibang tao ngayon. Ako ang kasama mo ngayon. Dapat, ako lang ang iisipin mo. Walang Zy, at walang ibang tao. Wag mo silang pakialaman. Ikaw at ako muna. Tayong dalawa lang. Tayong dalawa. You understand?"
I really hate it when he says something like that. Coz when he does, My heart skips a beat.
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Teen FictionBlair Fuentebella has the life everyone wants. Rich parents, a big house, and her own car. She has everything in life to make her happy, but she's not. Something is missing, but she can't figure out what it is. Enter Jared Padilla, the academy...