Perfectly Imperfect - 25

879 13 2
                                    

Chapter twenty five

Pag-dilat ng mga mata alam ko parang may kakaiba.. Nagising ako sa isang kwartong hindi ako pamilyar at may iba't ibang makina ang nakalagay sa katawan ko. Something is wrong and I feel it.

Nandito ang mga kaibigan ko sa tabi ko at narinig kong tumawag si Julie ng doctor.

Kinumusta nila akong lahat. Ayoko namang lalo pa silang mag-alala sakin kaya sinabi kong ayos na ako kahit na medyo masakit pa yung mga injuries na natamo ko. Biniro pa nga ako ni Nico na matagal mamatay ang mga masasamang damo. G ago talaga 'to.

Sa totoo lang hindi ko nga alam kung bakit nandito ako sa hospital. Wala akong maaalala bago ako napunta dito.

Maya-maya lang...

"Ohh nandyan na pala ang Love of your life eh!" Biro ni Nico. Tawanan naman silang lang except sakin. Dumating si Gino kasama ang isang babaeng hindi ko kilala. Siguro bagong kabarkada?

"Kumusta pareng Gino?" Tanong ko.

"Anu ka ba? Ako nga dapat nagtatanong sa'yo nyan eh" Sagot naman niya.

Tinignan ko yung babae sa tabi niya? Hindi pamilyar ang mukha nya sakin. Pero ang ikinagulat ko ay Tumakbo siya papunta sakin at yinakap ako ng mahigpit. Sa totoo lang hindi ko alam ang mararamdaman ko kasi yinayakap ako ngayon ng babaeng hindi ko naman kilala. Hindi ako sanay sa ganitong bagay pero bakit parang may kakaiba? Parang may kumiliti sa tyan ko?. "Thank God gising ka na! *sob* Alam mo bang ang tagal kong hinintay yung araw na'to?*sob* Miss na miss na kita!" Maluha-luha nyang sabi.

Ang higpit ng pagkakayakap nya sakin. Hindi tuloy ako makahinga ng maayos. Sino ba 'to? "Aray! Anu ba? Sino ka ba ha??"

Throb

Parang may sumakit sa dibdib ko. Parang may nagsasabi na matagal ko na siyang kilala. Pero hindi eh.

"Anu ka ba Jared? Nagjo-joke ka na naman ba?Hindi kasi nakakatuwa eh" Paninigurado niya. Tsk! Kairita. Sino ba 'tong weirdong babaeng 'to?

"Mukha ba akong nagbibiro ha?"

"Bro, seryoso ka talaga?Hindi mo sya kilala?" Tanong ni Nico. Tumango ako.

"DJ naman. Eh ako sino ako?" tanong naman ni Julie

"Nagpapatawa ka ba Julie? Kasi kung Oo, tatawa na ako."

"Kung ganon bakit hindi mo sya naalala?"-Cheska

"Ewan. Baka hindi naman sya importante sakin cheska" Casual na sagot ko na sya namang ikinagulat ng lahat. Eh anu bang sasabihin ko? Basta-basta na lang lumabas sa bibig ko yun.

"Nasan na pala yung girlfriend ko?" Nasan na nga pala yun? Siguro alalang-alala na yun. " Nasan na si Zy (a/n:sya po si Zharm. Nickname niya 'to so ito na lang gamitin natin ha? )?"

"Hoy ikaw, Sino ka ba kasi?" Tanong ko dun sa weirdong babae. Parang nagulity naman ako kasi parang naiiyak na syang ewan pero pinipigilan nya.

"DJ! She's your---" -Julie

"Friend. I'm JUST your Friend."

"What are you talking ab-----" - Nico

"I'm Sorry. Naistorbo ata kita. Okay ka na naman pala eh. Sige una na ako marami pa kasi akong gagawin eh." Pagkatapos ay tumakbo na siya palabas.

"What in the world is happening?!"-Julie Blurted out.

"May nasabi ba akong masama?"

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon