Chapter thirty
Paggising ko ay nakita ko si Jared na mahimbing na natutulog sa sofa. Naalala ko bigla yung nangyari kagabi.
Parang biglang bumalik yung dating Jared na laging nagcocomfort sakin kapag dumarating yung time na takot na takot ako. Yung dating Jared na laging nagpapasaya kapag nalulungkot ako. Yung dating Jared na nagtapon ng mga bulaklak at chocolates na galing sa mga admirers ko. At syempre, Yung dating Jared na mahal na mahal ako.
The truth is, kahit anong gawin kong pag-iyak, alam ko namang hindi na mababalik yung dati. Sa paningin niya, may mahal na siyang iba.
Everything feels so surreal. Parang kahapon lang, ang saya-saya namin. Tapos, biglang *poof!* Isang pitik lang. Isang kurap lang. Sumulpot ang napakalaking problema, na kahit kailan, ay hindi ko inasahang mangyayari.
Akala ko dati, sa telenovela lang nangyayari yung mga ganitong bagay. Winish ko pa nga dati kay Papa God na sana magkaroon ako ng 'ganoong lovestory. Kung alam ko lang noon na ganito pala kasakit at kahirap?
Hinding-hindi na sana ako nag-wish.
Pumikit ako sandali, dahil nararamdaman kong nanghihina na naman ako.
Inaamin ko namang hindi ako masyadong nagkakakain nitong mga nakaraang araw. Pero, hindi naman yun dahil sa mga nangyayari sa'min ni Jared. Sadyang naging busy lang talaga ako. Ang dami na kasing inaasikaso nila mommy sa business nila.
Nung una, medyo okay pa naman. Pero, nung nagkasabay-sabay na ang mga paperworks tsaka mga schoolworks, dun na ako nagstart mag-cram. Nawawalan na ako ng oras sa pagkain. Minsan pa nga, pati pagtulog ko naaapektuhan na.Idagdag mo pa yung nangyari kay Jared, na sinamahan pa ng kakulitan at kamalditahan ni Zy. Since then, maximum na yung 4 hours sa pagtulog ko.
Lesson learned na talaga na dapat unahin yung health ke'sa sa ibang mga bagay.
Pagbukas ng mata ko, ay sakto namang pagpasok nung taong naghahatid ng pagkain. "Breakfast po ma'am." masayang alok nito sakin, habang linalagay niya yung pagkain sa side table ko. "Alam nyo po ba ma'am, ang daming nagpupunta ditong kaklase tsaka mga kaibigan nyo." nginitian ko na lang siya. Wala pa kasi ako sa mood makipag-usap ngayon.
Nagkamot siya ng ulo, tsaka nahihiyang humarap sakin. "Pero, di po sila nakapasok dito eh." napakunot naman ang noo ko. "Ahh, di po kasi sila pinapasok ni sir!" Turo niya kay Jared na hanggang ngayon ay natutulog pa rin.
Talaga? Bakit naman niya gagawin yun? "Narinig ko nga po sya kaninang madaling araw na tinataboy yung mga bisita nyo. haha! Kaya pala mukhang pagod na pagod ang mukha ni sir!" Panunukso nito.
"Talaga po?"
"Opo ma'am!" proud na sabi nito na tila namamangha. "Sabi pa nga po nito ay wag daw nila kayong istorbohin. siya lang daw po muna ang makakalapit sainyo." Aniya. Naramdaman ko naman ang malakas na pagtibok ng puso ko. Tama na, Blair. Wag mo ng paasahin ang sarili mo.
"Ahh, ganon po ba?"
"Opo. Sige ma'am. Hatid ko na itong pagkain sa ibang pasyente. Magpagaling ka kaagad."
"Ingat po kayo." sabi ko na lang.
Tinanggal ko ang suwero na nakakabit sa palapulsuhan ko. Kailangan ko ng sariwang hangin. Masyado na akong naso-suffocate sa mga nangyayari sakin.
----
Ewan ko ba, kung bakit dito Sa rooftop ng hospital ako dinala ng paa ko. Siguro, dahil na rin yun sa kagustuhan kong makalanghap ng sariwang hangin. Wala naman masyadong maraming tao dito.
Iba't ibang klase ng tao ang makikita mo dito. Iba't iba din ang kanilang ginagawa. Nakakatuwang isipin na kahit may dinaramdam sila ay nakukuha pa din nilang ngumiti. Nakakainggit.
"Ang laki naman ata ng problema mo." napalingon ako sa katabi ko sa bench na inuupuan ko. Nakaupo doon ang isang binatang siguro, ay kasing-edad ko rin. Tumingin ako sakanya. Pero, nananatiling nakatingin pa din siya sa binabasa niya. Inilihis ko na lang ang aking tingin. Baka naman kasi hindi ako ang kausap niya. Nakakahiya pag nagkataon.
"Nabasa mo na ba yung 'The Notebook'?" Nagsalita naman ulit siya. Pero, this time, nakatingin na siya sakin habang pinapakita niya ang binabasa niyang libro.
"Ha? A-ahh, O-oo" Nicholas Sparks? Love story? Napaka-unsual naman kasing magbasa ng mga ganyang bagay yung boys. Kaya, ganyan na lang ang nasagot ko sa kanya.
Ngumisi siya saka nagbasa ulit. Okay? So ganun lang yun? Ang weird niya ha.
"Alam mo, bilib talaga ako sa bida dito. Biruan mo, may alzheimer's yung asawa niya. Pero, di siya sumuko sa pag-papaalala sakanya na may nagmamahal sa kanya. I really admire him." bigla akong nanlamig sa sinabi niya.
"H-haha! a-ako din."
"Talaga? Sa katunayan, favorite ko itong librong 'to. ang ganda kasi ng message. Pangatlong beses ko na nga itong babasahin." aniya.
"Pasyente ka din ba dito?"
"Hindi. Pero, matagal na ako dito sa ospital."
"Ahh. Bakit naman?" Ngumiti lang siya at hindi ako na ako muling sinagot.
Nakatingin lang ako sa mga pasyente dito sa rooftop. Habang yung katabi ko naman ay nagbabasa pa din ng libro ni Nicholas Sparks.
*sigh* ang awkward.
Mga ilang minuto pa ang lumipas bago siya nagsalita, "Alam mo, kung ano man ang problema mo, for sure, malalagpasan mo din yan. Don't lose hope. Masyado ng maraming tao ang nawawalan ng pag-asa. Wag ka ng makisali sa kanila. People who lose their hope so easily, do not deserve the thing that they fight for." nagpause siya sandali. "Eto, sa'yo na lang 'to. Kung nabasa mo na siya, basahin mo pa ulit. Kung nawawalan ka pa rin ng pag-asa, basahin mo ng paulit-ulit hanggang sa mamemorize mo lahat ng linya ng librong yan. Natulungan ako nito, kaya for sure, ikaw din. Sa tingin ko naman, hindi ko na siya kailangan. Gusto ko, yung iba naman ang tulungan nito. Tiwala lang." Inabot niya sakin ang librong binabasa niya kanina. kinuha ko ito kahit na gulat na gulat pa din ako sa mga sinabi niya sakin kanina. For the first time, tinamaan ako ng todo sa mga sinabi sakin ng isang tao. Naiiyak ako. Hindi dahil nalulungkot ako o may masakit sakin. Naiiyak ako, kasi nahihiya ako sa sarili ko. Hindi ako makapaniwalang isang stranger na kagaya niya ang makakapagpa-realize sakin ng mga ganitong bagay.
"T-thank you."
Tumango lang siya saka tumayo. "Goodluck sa'yo. See you when I see you. Sana, pag nagkita tayo ulit. Nakangiti ka na." Papunta na siya sa pintuan nang... "WAIT!!" lumingon siya.
"Ano nga palang pangalan mo?"
Ngumisi siya saka sinabing, "Rigid."
------
Hindi pa din nagsisink-in sakin yung mga nangyari kanina. Parang unbelievalable kasi. Sana makita ko ulit siya. Gusto ko g makipag-kaibigan at makapag-pasalamat man lang ng maayos.
Maingat akong pumasok sa room ko. Baka kasi magising si Jared.
Pero, huli na ang lahat. Matalim siyang nakatingin sakin habang nakasalubong ang kilay. Lumapit siya ng kaunti sakin. Napaatras ako.
Nakakatakot siya.
"Saan ka galing?" malaming niyang tanong.
Uh-oh.
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Teen FictionBlair Fuentebella has the life everyone wants. Rich parents, a big house, and her own car. She has everything in life to make her happy, but she's not. Something is missing, but she can't figure out what it is. Enter Jared Padilla, the academy...