Perfectly Imperfect - 28

892 16 3
                                    

Chapter twenty eight

“Pwe! San mo ba galing ‘to? Bakit iba yung lasa?”

 “L-linuto ko.”-Zy

 “Bakit nga iba yung lasa?”Masarap naman sya kaso, Pwe! Hindi naman ‘to yung nasa lunch box nung isang araw.

 “H-hindi ko alam! Pare-pareho lang naman ang lasa ng Lasagna ahh!”

 “Tss.Parang may kulang eh.”

 “Edi kung ayaw mo yung lasa wag mong kainin!” Sabi niya sabay labas ng tambayan. Lahat nga pala ng barkada nandito. Free time kasi naming lahat. Isang buwan na lang at mag-gagraduate na kami kaya naman loaded kami ng mga projects. Wala na nga pala akong dapat habulin na lessons since napass na daw lahat ng mga requirements. Nagpasalamat na nga pala ako kay Zy dahil ‘don pero parang may iba.

Flashback

 “Salamat nga pala.” 

 “Saan naman?” Sagot niya habang kumakain ng sandwich.

 “Dahil sa pagpapass ng mag requirements ko sa mga teachers.”

 “Aaackk! *cough* *cough*”

 “Okay ka lang? Eto tubig ohh.” Sabi ko kasi parang namutla siya nung sinabi ko ‘yun.

 “Ahh *cough* ‘yun lang ba? Walang anuman.” 

 “Seryoso Zy, pa’no mo nagawa lahat ng ‘yun?” Tanong ko sakanya nung nabalik na yung composure nya.

 “Ahh ha-ha-ha sige una na ako ha? Madami pa pala akong gagawin.” Sabay tayo at naglakad ng mabilis palabas ng canteen.

 Ewan ko lang ‘ha. Hindi ko lang alam kung napa-praning ako o may tinatago si Zy sakin.

 Napapailing na lang yung buong barkada sa inasal ni Zy.

 “Gusto niyo?” Pag-aalok ko sakanila.

 “Thanks na lang pare, pero mas prefer ko yung lasagna ni Blair. Pamatay yung lasa ang sarap!” Sabi ni Nico na kasalukuyang nakatingin kay Blair. Marunong din siyang gumawa ng lasagna?

 Yung weirdong babae parang wala namang pakialam basta nagbabasa lang ng libro dun sa sulok. Grabe, bawat oras na nakikita ko siya lagi  siyang nag-aaral. =_= Halos nga kausapin na niya yung libro.

 “Hoy Bes! Tigilan mo muna nga yung kakabasa dyan. Alam mo mukhang stress na stress ka na. Tignan mo nga yung mukha mo! Mukha ka ng zombie.” Sabi ni Julie habang kumakain ng sandwich. 

 Oo nga. Kung tititigan mo yung weirdong babaeng ‘to mukha na siyang pagod na pagod. Parang laging hindi nakakatulog ng maayos. For a second, parang naawa ako sakanya. Siguro napakalaki ng pinagdadaanan niya ngayon. 

 Na-guilty tuloy ako sa inasal ko sakanya nung isang araw.

****

Pauwi na kami kaso parang ang sama na ng pakiramdam ko. Nanlalambot na yung mga tuhod ko. Siguro epekto ‘to ng hindi ko masyadong pagkain ng maayos. Nagtubig lang kasi ako kanina. Wala akong ganang kumain. Idagdag mo pa na hindi ako masyadong nakakatulog kasi yung mga panaginip ko, laging masasayng memories naming ni Jared. Ayaw ko munang makita yung mga yun. Lalo lang sumasakit yung loob ko. 

 Unti-unti ng nagdidilim yung paningin ko. Basta makaabot lang ako sa kotse okay na. Itutulog ko na lang ‘to.

 Ang lamig ng pawis ko. Ano bang nagyayare sakin? Napahawak na ako sa poste na nadadaanan sa hallway. Feeling ko anytime matutumba ako. 

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon