Perfectly Imperfect - 2

3.2K 50 10
  • Dedicated kay all Kathniel Fans
                                    

Chapter Two

It's been 2 weeks since nagkilala kami nina Julie and Jared. Katapat lang nung bahay namin yung bahay nila kaya nga lagi kaming magkakasama. Hindi na rin masyadong bitter si Jared sakin. May tinatagong kabaitan din naman pala ang cold-blooded vampire na 'yon. Pero kapag yun sumumpong daig pa may PMS Mood swings kung baga.

10 pm na ng gabi. As usual nag aaway nanaman ang aso't pusa! I mean parents ko. Oo, nasasaktan sa tuwing nakikita at naririnig ko silang nag aaway pero nasanay na rin ako. kasama na ata sa Daily routine nila ang pag aaway.

Nakaupo ako ngayon sa bench dito sa garden namin.Everytime this situation occurs, I used to cover my ears and close my eyes . Puro sigawan ng kung anu anung masasakit na salita ang naririnig ko galing sa second floor ng bahay.

Kinuha ko ang gitara ko at nag strum ng mga random songs. Ganito talaga ako kapag malungkot ibubuhos ko ang sama ng loob ko sa guitar ko. Wala naman kasi akong malapitan dahil wala naman akong kaibigan.Pesteng luha.

****

Hindi ako makatulog!

anong oras na ba?*sabay tingin sa orasan*11 pm? May pasok pa kami bukas!

Lumabas muna ako sa Veranda ng kwarto ko para magpalipas ng oras.Mula dito kitang kita ko ang dalawang taong nag aaway sa tapat ng bahay namin.

Paalis na sana ako ng makita ko si Blair,

Kitang kita ko sa mukha nya ang lungkot at pagka-dismaya, Her ears were covered by her hands and her eyes were close.

Ngayon alam ko na. . .alam ko na ang dahilan kung bakit sa kabila ng mga ngiti at tawa niya,bakas sa mata niya ang kalungkutan.

Ilang minuto ko rin siyang pinagmasdan,maya maya pa kinuha nya ang gitara nya at nagstrum ng nagstrum hanggang sa ilang saglit pa tumulo na ang luha mula sa kanyang mga mata.Naaawa ako sa sakanya for the first time in my life I felt a really deep connection with someone.

Parang ibang Blair ang nakikita ko ngayon. Ang Blair na bubbly at palangiti, ngayon isang weak na babae at parang pasan ang daigdig sa lungkot.

Kinuha ko ang kwintas nya sa bulsa ko at tinaas sa eye-level ko.

I must find a way on how to give this back to you.

Class! 3 days from now magkakaroon tayo ng Sports meet, 30 schools yung nakipagparticipate this time so mas marami ang makakalaban natin. Class Kaya ba natin to?

Of course ms!

Oo nga pala wala pang sumasali sa Highjump, napatingin siya kay Blair na kasalukuyang naglalakbay sa outer space.

Blair?Hindi ka ba sasali?I thought your a highjumper?

Blair?may problema ba? tinapik ko yung katabi ko.

Huh? ahh wala po!sige sasali po ako.^_^ wow pretender talaga to.

Napatingin sakin yung mga classmates ko pati si Blair. Huh? Anong ginawa ko?

Jared?May sinasabi ka ba?

Aww shit! nasabi ko pala ng malakas!

Ahh!ang sabi ko po sasali din po ako!

Naiba na ata ang ihip ng hangin jared?,kala ko ba tinalikuran mo na ang highjumping?

Pero di bale na, starting today you two should start practicing okay?

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon