START
Dinalian ko ang paglalakad nang mapansin ko ang pagsunod niya sa akin. For Pete's sake! Hindi pa ba halata na iniiwasan ko siya?
Wala na akong pakialam kung ano ang gusto niyang isipin ngayon. Ang mahalaga sa akin ay ang hindi siya makausap dahil baka kung ano pa ang masabi ko. Baka masumbatan ko lang siya ng mga salitang hindi naman bagay na sabihin pa sa kanya dahil in the first place, wala naman akong karapatang manumbat dahil ako lang naman ang nag-assume.
"Lj! Sandali," tawag niya. Napapikit akong mariin nang tawagin niya ako sa pangalan na siya lang ang tumatawag sa akin.
Naririnig ko pa rin ang pagtawag niya mula sa likuran ko kaya naman pinindot ko ang volume sa gilid ng cellphone ko at itinodo ko ang lakas ng music na pinakikinggan ko para hindi ko na marinig ang pagtawag niya sa akin.
Minadali ko ang bawat paghakbang ko huwag lang niya akong maabutan pero dahil na rin siguro sa haba ng mga biyas ng binti niya ay naabutan pa rin niya ako. Hinawakan niya ang kanang braso ko at pinaharap ako sa kanya.
Wala na akong nagawa pa nang magkaharap na kami. Hindi ko siya matingnan ng diretso dahil naiilang ako. Alam kong nakatitig siya sa akin kaya naman sa dibdib niya ako tumingin. Kitang-kita ko ang marahas na pagtaas-baba ng paghinga niya. Marahan niyang tinanggal ang kaliwang earphone sa aking tenga kaya naman nagulat ako. Hindi ko tuloy maiwasang mag-angat ng tingin sa kanya.
"Why are you avoiding me?" tanong niya nang magtama ang aming mga tingin. Umakyat yata ang inis sa aking ulo nang itanong niya ito sa akin.
"Hindi ka rin pala paasa, 'no? Manhid ka rin pa lang siraulo ka! Nakuha mo pang itanong ‘yan sa akin?!" paghuhurumentado ng utak ko.
I try to compose myself. I'm really trying hard here not to scream what my thoughts wanted to tell him. I take a deep breath before I answer him.
"Hindi kita iniiwasan, Nick. Busy lang talaga ako," mahinahon kong paliwanag kahit pa pakiramdam ko ang bitter ng tono ko.
"Nakita mo ako kanina pero tinignan mo lang ako at ni hindi ka man lang ngumiti sa akin. You just looked at me and pretended that you saw a stranger," sabi niya na para bang labis na nasaktan dahil sa inasta ko.
Bakit pakiramdam ko ang laki pa yata ng atraso ko sa hindi ko pagpansin sa kanya? Siya pa itong may ganang manumbat ng ganito?
"Look, Nick, busy ako. May next class pa ako. Mawalang-galang na pero pwede bang mauna na ako?" inis kong sagot. Malapit na akong maubusan ng pasensya!
Akmang tatalikod na sana ako nang hilahin na naman niya ang braso ko at muli akong paharapin sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili kong tingnan siya ng masama.
"Please, Lj. We used to be okay. We used to be friends, 'di ba? What happened to us? Why did we end up being like this?" malungkot niyang tanong na tila ba walang kaalam-alam sa mga pangyayari.
Hindi ko alam kung manhid lang ba talaga siya o tanga para itanong sa akin 'yon. Masyado ba siyang nabulag sa label namin na 'friends' kami kaya ganito siya sa akin? Na parang clueless siya sa lahat ng nangyayari?
Bumuntong-hininga ako at saka matapang siyang tiningnan. Siguro nga dapat sabihin ko na lang sa kanya yung hinanakit ko. Maybe kapag ginawa ko ito, tuluyan na akong maging okay.
"The truth is, I used to like you a lot, Nick," panimula ko. Nakita kong natigilan siya. "Kaya naman nung nagpakita kang interes sa akin, hindi ko napigilan na hindi mag-assume. I thought..." tumigil ako saglit sa pagsasalita. Pakiramdam ko ay kakapusin akong hininga at boses dahil sa pagpipigil ko ng luha. "You like me too but I was wrong. I am so wrong."
"Lj... I..." putol-putol niyang sambit. Pumikit siyang mariin at hinawak sa ulo niya ang dalawang kamay niya at tumingala bago muling tumingin sa akin.
"Kung sana kasi una pa lang nilinaw mo na ang lahat na magkaibigan lang tayo, 'de sana hindi ako na-confuse sa'yo na gusto mo rin ako at umaasa," panunumbat ko. "Tapos ngayon tinatanong mo ako kung anong nangyari sa atin na parang wala lang? Na parang kasalanan ko pa kung bakit tayo naging ganito? Pwede ba, Nick? 'Wag ka naman masyadong manhid, oh." Ang hirap kontrolin ng nagbabadya kong luha pero pinipigilan ko pa rin ito. Ayaw kong lalo na magmukhang kawawa.
"I'm sorry," he uttered. Iyon lamang ang nasabi niya. Ni hindi niya na ako magawang tingnan.
"Okay naman na ako, Nick. Isang request na lang mula sa'yo ang kailangan ko." Nag-angat siyang tingin sa akin. "If you're really sorry, pwede bang 'wag mo na ulit akong kausapin? Let's ignore each other kung magkakasalubong tayo. I don't care anymore kung ano ang iniisip mo sa akin. Call me bitter or whatever you want but we better off this way, Nick. We better be strangers to each other. Hindi na rin naman maibabalik yung nasira nating friendship, eh."
"Is this really what you want?" tanong niya sa akin with a cold tone. Hindi ko na kaya pang magsalita kaya tumango na lang ako. Nakita ko ang pagbagsak ng kanyang balikat habang titig na titig sa akin.
Hindi ko na kayang tagalan pa ang paninitig niya kaya naman agad ko na siyang tinalikuran. Pakiramdam ko, anytime babagsak na ang luha ko.
Muli ko na lang pinasak sa tenga ko yung earphones ko at pinakinggan yung kasalukuyang kanta.
Nagtapos ang lahat
Sa 'di inaasahang
Panahon at ngayon
Ako'y iyong iniwang
Luhaan, sugatan,
Hindi mapakinabangan
Sana'y nagtanong ka lang
Kung 'di mo lang alam
Ako'y 'yong nasaktanI guess this is our final goodbye, Nick.

BINABASA MO ANG
Aknownymous
Ficção AdolescenteAng mga taong nakilala mo, totoo nga bang kilala mo na? Mukhang marami pang hindi alam si El Judie Espinoza tungkol kay Nicholas Brian Tan... xx Sequel of Anonymous.