05
Nang makarating ako sa bar nila Mieann ay agad ko siyang tinext. Nasa labas pa kasi ako. Close pa ito at hindi naman ako basta-basta papasukin ng mga bantay dito.
Mayamaya, may lumapit sa akin na bouncer kaya naman nagulat ako sa kanya. Ang laki pa naman ng katawan niya at parang body builder. Isang tulak niya lang sa akin, siguradong babagsak ako sa lupa. Minwestra niya sa akin ang entrance ng bar na in-open naman ng isa pang maskuladong lalaki.
Hay, akala ko papaalisin ako.
Nagpatiuna ako at tuloy-tuloy na pumasok sa loob. Bago 'yon, ngumiti muna akong alanganin sa dalawang bouncer. Mukha naman kasi silang mababait medyo nakakatakot nga lang dahil sa mga katawan nila.
"Judie!" Nasa bungad pa lang ako ay sinalubong na ako ni Mieann. "What brought you here?!" Tinignan niya ang outfit ko. "Ang cool mo, ah. Bagay pala sa'yo maging emo, eh!" may halo pa yatang pang-aasar yung komento niya.
"Hindi ko alam kung pinupuri mo ako o iniinsulto, Mieann," sagot ko.
"Duh, pinupuri kaya kita, 'no? Anyway, bakit ka pala nandito? Don't tell me maglalasing ka?!" Kulang na lang literal kong makita ang pagkalaglag ng eyeballs niya sa tindi ng pandidilat ng mata niya sa akin. Singkit pa naman ang mata niya.
But what does she mean about why I'm here? Hindi ba't siya nga ang nakiusap sa kuya niya na kulitin ako rito? Para mag-perform mamaya? Pero bakit mukhang ang clueless naman niya?
Bago pa man ako makapagtanong at magsalita ay bigla na lang sumulpot si Mienard galing sa backstage.
"Judie, you're on time! Tara na't mag-rehearse sa backstage!" Bigla na lang niya akong hinila.
Nakita ko pa ang pagkabigla ni Mieann nang sabihin iyon ng kuya niya. "Huy, teka, kakanta ka ngayong gabi? As in? Akala ko ba ayaw mo?"
Teka lang, naguguluhan ako sa dalawang magkapatid na 'to. Akala ko ba si Mieann ang naki-usap kay Mienard pero by the looks and reaction ni Mieann, parang wala rin siyang kaalam-alam sa nangyayari.
"Ikaw talaga, Mieann, late reaction!" There is something fishy about Mienards tone. "Sige na, hiramin ko muna best friend mo. Ikaw na muna bahala rito. Pa-pratice pa kami," sagot niya.
"Miernard, are you plotting something behind my back using Judie?" naniningkit na tanong ni Mieann sa kuya niya.
"Teka, naguguluhan ako sa inyong dalawa ngayon," pagsingit ko sa usapan nila na parang silang dalawa lang nagkaka-intindihan.
"Naku, hayaan mo na lang yan si Mieann, lutang lang 'yan," sagot ni Mienard. Hinila niya na ako agad sa backstage kaya naman hindi na ako nabigyan pang pagkakataong marinig yung sasabihin pa sana ni Mieann.
Wala pa man kami sa backstage ay dinig ko na ang tunog ng keyboards at electric guitar. Mukhang nagtu-tuning pa sila. Bigla tuloy naging mabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung sa kaba ba ito or dahil sa excitement. Either way, ayaw ko yung nararamdaman ko. Mukhang kahit anong iwas ko, magkikita't-magkikita pa rin kami ni Nick.
Nang nasa mismong pinto na kami kung saan sila nagri-rehearse ay napahinto ako. I need to compose myself first. Kailangan kong i-prepare ang sarili ko dahil ngayon ko na lang ulit siya makakaharap ng malapitan. I don't know how I will react in front of him.
Honestly, aminin ko man o hindi, he still have an effect on me. Yung feeling na ayaw na ng utak ko pero yung puso ko't katawan, ayaw makipag-cooperate.
"Judie is everything okay?" Saka lang ako tila natauhan nang marinig ko ang boses ni Mienard. Nakahawak na siya sa door knob at nakatingin sa akin.
"Ay, oo. Pasensya na. Kinakabahan lang kasi ako, eh," pagdadahilan ko.
BINABASA MO ANG
Aknownymous
Teen FictionAng mga taong nakilala mo, totoo nga bang kilala mo na? Mukhang marami pang hindi alam si El Judie Espinoza tungkol kay Nicholas Brian Tan... xx Sequel of Anonymous.