02
After that incident sa jeep ay hindi ko na ulit nakita si Nick. Bakasyon na kasi ngayon so malabo talaga kaming magkita.
Anyway, bakit ko pa ba iisipin 'yon kung mas marami akong pinagkaka-busy-han ngayon?
Nag-apply akong summer job sa isang milk tea house. Balak ko kasing mag-part time job dito kapag pasukan na. Sakto namang hiring sila at tumatanggap ng part-timer. Mabuti nga at natanggap ako sa tulong na rin ng isang kakilala.
Officially, ito yung first job ko talagang masasabi. Kadalasan kasi, rumaraket lang ako. Minsan babysitter o kaya tutor ng mga kinder and elementary students naming mga kapit-bahay pati na rin yung pagkanta sa bar nila Mieann. This one is another different experience. Somehow barista ako ngayon, barista ng milk teas.
Kasalukuyan akong nasa main branch ng milk tea house na pinagta-trabahuhan ko. Tini-train pa kasi ako kung paano ang gumawang milk teas kasama yung iba pang bagong pasok pa lang dito. Tinuturuan kami kung paano titimplahin ang milk teas.
"One large wintermelon, one medium cantaloupe with pearls and two large black sesame with cookies," anunsyo ng isa kong kasamahang trainee mula sa binasa niyang order ng customer.
"Ang dami naman," reklamo ng isa kong kasama pero nagsimula nang kumilos.
Kumilos na rin ako. Ginawa ko yung wintermelon. Yung trainer namin ay nakabantay lang sa amin at nag-a-assist lang sa mga ginagawa namin.
**
Maghapon na puro gawa lang ng milk teas ang inatupag namin. Mayroon naman kaming break time pero sa milk tea house lang din kami tumambay. Wala rin naman kasi kaming ibang pupuntahan. Wala naman kasi kami sa mall. Malayo yung branch nilang ito ro'n.
"Ikaw? Nag-aaral ka pa?" tanong ni Kate, isa sa mga kasamahan kong trainee. Since walang customers, heto kami nagchi-chismisan.
"Ah, oo," tipid kong sagot.
"Naks! Saan ka nag-aaral?" pagsingit ni Juan. Isa rin sa mga kasamahan kong trainee. Kwela siya at madalas magpatawa.
"Ano... sa Neville University," sagot ko. Kita ko ang pagkamangha sa mga reaction nila.
"Wow, rich kid talaga, oh," manghang sambit ni Juan.
"Ang swerte mo naman. Mahal ang tuition doon, 'di ba?" tanong ni Kate.
"Hindi ako rich kid, ah," pagtatama ko. "Sana hindi na ako nag-summer job kung rich kid ako. Nagkataon lang na scholar ako. At oo, mahal nga tuition doon. Kung 'di ako scholar, never kong ma-a-afford ang tuition nila roon."
"Scholar? So matalino? Naku, nakakahiya naman sa'yo. Ikaw na talaga!" Natawa na lang ako sa reaction ni Juan. Best in reaction talaga ang pagkakasabi niya. Kaso nakaka-stress din siya kausap. Ang hilig niyang gumawa ng sarili niyang konklusyon.
"Hindi ako matalino, ah. Nagkataon lang na―" itatama ko sana yung iniisip niya kaso pinutol niya agad ang sasabihin ko.
"Sus, pa humble pa!" Aangal at magsasalita pa sana ako nang tumunog ang bell gawa ng pagpindot ng cashier na si Ate Marie. May order na naman yung customer.
Muli kaming bumalik sa aming mga pwesto at ginawa yung mga nakasulat sa order's slip. Na-busy na rin kami kaya hindi na kami nakapag-usap pang maayos. Dumagsa ang customers nang mag-gabi na kaya kanya-kanya kaming toka. Hindi lang kasi milk tea ang offers dito. May mga pagkain din.
**
8pm exactly ang naging labas ko mula sa pinagtatrabahuhan ko. Aaminin ko, nakakapagod talagang magtrabaho pero wala naman akong ibang choice. Kailangan ko kasi ng extra income.
BINABASA MO ANG
Aknownymous
Novela JuvenilAng mga taong nakilala mo, totoo nga bang kilala mo na? Mukhang marami pang hindi alam si El Judie Espinoza tungkol kay Nicholas Brian Tan... xx Sequel of Anonymous.