10
Naghaharutan kami ni Mieann sa pathway nang hindi sinasadyang may mabunggo ako sa likuran ko. Ramdam ko pa ang paghawak niya sa balikat ko dahil sa lakas ng impact ng pagkakabunggo namin.
Umalingasaw agad ang pamilyar na pabango sa akin. Nang tignan ko si Mieann, nakita ko ang hindi maipaliwanag niyang reaction kaya naman alam ko na kung sino yung nabunggo ko.
Napakagat na lang ako sa labi dala na rin ng kahihiyan at pagkainis. Sa rami ng pwedeng mabunggo, bakit siya pa?
Mabilis akong lumayo mula sa kanya at lumapit kay Mieann. Wala akong ibang choice kung hindi ang harapin siya at humingi ng paumanhin.
"Sorry," mahina kong usal. Hindi ko siya matignan kaya naman nakayuko lang ako. Ayaw ko makita ang reaction niya.
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya.
Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Bigla na lang niyang hinila ang kanang kamay ko. Ni hindi ako naka-alma at tanging paglingon na lang kay Mieann ang nagawa ko. Tumango naman siya sa akin at mukhang naiitindihan naman niya ang lahat.
Nakayuko lang ako habang hila-hila niya ang kamay ko kaya naman hindi ko alam kung nasaang parte na ba kami ng school. Hindi na rin ako pumalag dahil ayaw kong maka-agaw pa kaming atesnyon. Isa pa, nahihiya akong makita ng iba yung mukha ko habang hila ni Nick.
Huminto siya sa paglalakad at nag-angat ako ng tingin. Nasa mini park pala kami ng Neville University. Nasa spot kami where we used to hang out para mag-jamming. Dito ko rin siya unang nakitang nagi-gitara noon.
"Ano bang gusto mong sabihin? Bakit dinala mo pa ako rito?" tanong ko sa kanya matapos ang mahabang katahimikang namayani sa amin. Nakaupo kami sa ilalim ng isang puno na hindi ko alam kung ano ang tawag. Nasa pagitan namin ang puno.
"We need to talk," sabi niya sa mahinahong boses.
Ngumiti ako ng mapakla. "Hindi pa ba tayo nag-uusap? Matapos mo akong hilahin dito na hindi man lang tinatanong kung pumayag ba ako o hindi, sasabihin mo pa 'yan? Yung totoo?"
Hindi ko alam kung ano pa ba ang gusto niyang pag-usapan namin. Malinaw naman ang naging pakiusap ko sa kanya na huwag na sana niya akong kakausapin pero heto't dinala pa talaga niya ako rito. Inis akong tumayo at nagpagpag ng damit. Narinig ko siyang bumuntong-hininga.
Paalis na ako nang bigla na naman niyang hilahin ang kamay ko pababa. Napaupo tuloy ako. Inis ko siyang tinignan only to realize na nasa tabi ko siya at ilang pulgada lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't-isa.
"Can you hear me out first?" tanong niya sa akin. Ni hindi man lang niya inilayo ang mukha niya sa akin. Yung kamay ko hawak pa rin niya.
"P-pwede bang lumayo-layo ka sa akin," sabi ko at marahan siyang tinulak upang maitago ang kabang nararamdaman ko. "Saka pakitanggal naman yung kamay mo sa kamay ko." Ginalaw-galaw ko ang kamay ko.
Hindi ko gustong hawak niya ang kamay ko. Ayaw kong nakahawak yung kamay niya sa kamay ko dahil sa kuryenteng nararamdaman ko na dumadaloy sa sistema ko.
"Bibitawan ko 'to if you will promise me na hindi ka aalis at mag-uusap tayo." Inirapan ko siya. Parang naman akong batang walang muwang kung kausapin niya.
"Okay, sige, since nandito na rin lang naman tayo. Ano bang gusto mong pag-usapan pa natin?" Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko.
"Bakit ba tayo nagkaganito?" Nilingon ko siya at nakitang nakatingin siya sa akin. Umiwas agad akong tingin.
"Look, Nick, alam mo na ang reason, 'di ba? Nasabi ko na 'yon sa'yo. Nakiusap pa nga ako sa'yo na kung pwede layuan mo na lang ako. Pumayag ka pa nga, 'di ba?"
BINABASA MO ANG
Aknownymous
Teen FictionAng mga taong nakilala mo, totoo nga bang kilala mo na? Mukhang marami pang hindi alam si El Judie Espinoza tungkol kay Nicholas Brian Tan... xx Sequel of Anonymous.