AFTER A MONTH

367 27 6
                                    

27

One month later...

"Happy one month, my love," bati sa akin ni Nick sabay halik sa pisngi ko. Kasalukuyan kaming nandito sa bar nila Mieann. Kakanta kasi sila mamaya.

Sila lang at hindi ako kasama.

"Ew, hanggang ngayon, bakit kinikilabutan pa rin ako sa tawagan n'yo?" reklamo ni Mieann na katabi ko. Lukot ang mukha niya na para bang diring-diri.

"Alam mo ikaw, bes, sagad na yata talaga hanggang buto yung pagiging bitter mo," tugon ko sa kanya bago binalingan si Nick. "Happy one month din, my love. Galingan n'yo mamaya, ha? Fighting!" Ngumiti siya sa akin at kinurot ang magkabila kong pisngi.

"Ang cute-cute talaga ng girlfriend ko," sabi pa niya. Nahihiya tuloy akong napangiti dahil sa sinabi niya.

"Tama na 'yan," awat sa amin ni Mieann. "Magpa-practice pa sila. Halika na ro'n sa labas. Doon tayo sa unahan mauupo para mapanuod natin sa malapitan yung performance nila mamaya." Tuluyan niya akong hinila palabas.

Hindi maalis ang ngiti ko kahit pa panay ang sermon sa akin ni Mieann habang hila-hila ako. Kesyo masyado raw kaming sweet ni Nick, nauumay na raw siya, at kung anu-ano pa. Natatawa na lang ako sa reaction niya. Sobrang saya ko. Hindi ko akalaing magiging ganito ako kasaya.

Hindi ako yung pinakanta nila ngayong gabi. Ewan ko ba kung anong meron. Ang sabi ni Mieann, day-off ko raw at ayaw nila akong pakantahin. Hindi ko naman sila masisisi. Ang totoo kasi n'yan, kagagaling ko lang sa sakit. Na-dengue ako at ilang araw din akong na-confine sa hospital. Siguro 'yon nga yung rason nila kung kaya hindi muna nila ako pinakanta.

**

Paglabas namin sa rehearsal room, marami nang tao sa labas. Pinalabas na kasi ako ro'n. Mag-isa nga lang akong lumabas dahil si Mieann napag-iwan pa.

Napansin ko si Ibarra kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti. Masaya akong magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon. Mukhang masaya na rin naman siya sa buhay niya ngayon. Hiling ko na lang, sana magka-girlfriend na siya. Nakita niya ako at nilapitan.

"Judie, kamusta? Mabuti nakalabas ka na? Okay ka na ba?" tanong niya agad nang makalapit siya.

"Ikaw naman kung makapagtanong parang hindi nakadalaw sa akin sa hospital," natatawa kong sagot.

"Iba naman 'yon. Nasa hospital ka pa no'n. Nakalabas ka na ngayon."

"Ikaw talaga, lakas mo pa rin mambara. Okay na 'ko. Kaya nga nakalabas na, 'di ba?" Natawa siya.

"Ikaw talaga, lakas mo pa rin gumanti," natatawang tugon niya. "Anyway, I'm glad okay ka na." Ngumiti siya. "Teka, hindi ka kakanta?"

"Hindi, day off ko raw, eh."

"'Yun eh, dumi-day off." Natawa na lang ako sa kanya.

Marami pa kaming napag-usapan ni Ibarra bago siya nagpaalam na aalis na. Nakita ko yung mga kasama niya na tinatawag na siya. Si Mieann naman ay nakita kong pumunta na sa harap ng stage para bigyan ng intro ang pagkanta nila Nick. Samantalang ako ay naka-upo na rito sa harapan at hinihintay ang performance nila.

"Well, kahit wala yung lead vocalist nila, once again, Judie and The Band," anunsyo ni Mieann. Napa-iling na lang ako.

Si Mieann talaga yung naka-isip sa pangalan ng banda namin dahil nakasanayan na kapag ina-announce niya yung pagkanta namin. Sa totoo lang, 'Band Paper' yung una naming naisip na ipangalan sa banda namin kaso against sa pangalan na iyon si Mieann. Ang korni raw kasi. Sa huli, na-adopt na lang namin yung intro palagi ni Mieann sa t'wing ipinapakilala kami na, 'Judie and The Band' kaya 'yon na talaga yung naging pangalan ng banda namin.

Bumaba agad si Mieann at tumabi sa akin. Isa-isa naman silang naglabasan mula sa backstage. Si Nick yung huling lumabas. Bumilis yung tibok ng puso ko nang ma-realize na siya yung kakanta.

"Mic test, mic test." Tinutuktok pa niya yung mikropono para masigurado yung tunog. Tumikhim siya bago muling nagsalita. "Magandang gabi! Dahil hindi muna kakanta ngayon ang lead vocalist namin, ako muna ang papalit sa kanya." Ngumisi siya at tumingin sa gawi ko.

Nasabi ko na bang ang gwapo niya?

"Lj, para sa'yo ang kantang ito. Regalo ko para sa'yo." Umawang ang bibig ko. Yinuyugyog ako ni Mieann dahil mukhang mas nauna pa siyang kiligin sa akin.

Nagsimulang tumugtog ang beat…

Did you ever want to
Ever fall in love you
Had me from the start did you ever have a clue did you?

That I loved you
Smothered thoughts of just you
Chemical and dark blue
But you don't have a clue do you?

Nakapikit siya at nakahawak sa mic stand habang kumakanta. Hindi ko maialis yung tingin ko sa kanya. Mukha siyang rakista sa shoulder length na niyang buhok na hinayaan lang niyang nakalugay.

All I can see is scenery
All in the way you look at me
But even if far I'll make it true
I’ll run till you're out of view
I'm so slit my throat in love with you
It's less of a mess than I've been through
Hardly enough I'm still confused
I'll run 'till you're out of view

Tinanggal niya sa mic stand yung microphone at nagdilat ng mga mata. Umiindak-indak siya habang kumakanta. Nakatingin siya sa akin.

Hollow heart I'll hold onto you
Can't get enough I'm chasing you
Let it set it gets into you
I'll run till you're out of view
Indicate all that I could do
Said and done I was safe with you
Running 'till I ran into you
Don't you get it by now oh my heads in the clouds

Ang ganda nung lyrics nung kanta niya. Bagay na bagay sa boses niya. Hindi ko mapigilang mapangiti at maluha. Sobrang overwhelming ng nararamdaman ko ngayon. Sa lahat ng nangyari sa aming dalawa, maswerte akong nabigyan pa rin kami ng pagkakataon para maging masaya sa piling ng isa't-isa.

That I loved you
Smothered thoughts of just you
Chemical and dark blue
But you don't have a clue do you
And it's too late
It's too late
It's too late
It's too late

"I love you, El Judie Espinoza," sigaw niya matapos ang kanyang pagkanta.

Narinig ko ang ingay at tilian ng iba pero ang tanging nag-i-echo lang sa pandinig ko ay yung mga katagang sinabi niya. Nakita ko ang pagbaba niya sa stage at unti-unting paglapit sa akin. Wala na akong pakialam sa mga matang nakasunod sa amin dahil ang tanging nakikita ko lang ay ang taong papalapit sa akin.

"Uh, surprise?" sabi niya nang makalapit. Parang kinakabahan yung boses niya. Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Niyakap ko na lang siya. Sobrang saya ko ngayon. No words can express it. Ang tanging gusto ko lang gawin ay yakapin siya.

"You like it?" Tumango lang ako.

"That much?" Tumango pa rin ako. Para akong maiiyak sa sobrang tuwa.

"I'm glad you like it." Naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.

I'm so in love and it's too late for me to recover from it.

AknownymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon