16
Ilang ulit na yata akong humikab sa kinauupuan ko. Inaantok ako pero hindi naman ako makatulog. Sinubukan kong dumukdok kanina sa desk ko pero sumakit lang ang batok ko. Ang boring din kasi tapos wala pa akong makausap sa classroom na ito.
Ngayon nga ay nakapangalumbaba lang ako habang nakikinig ng music. Naka-upo ako sa tabi ng bintana at sa labas lang ako nakatanaw. Somehow, it's relaxing dahil nakakapagnilay-nilay ako.
I was lost with my thought nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Nang lingunin ko kung sino ito, ang nakangiting mukha ni Ibarra ang bumungad sa akin. Yung instructor kasi namin ay may katandaan na at para madali raw niyang matandaan yung mga pangalan namin, nagpa-sitting arrangement siya. Sa may malapit sa bintana yung naging upuan ko tapos ang katabi ko ay si Ibarra.
Ibinaba ko ang earphones ko nang ngitian niya ako. Ngumiti rin ako sa kanya bilang respeto na rin. Kumpara sa bali-balitang suplado siya, sa tingin ko ay hindi naman iyon totoo. Mukha lang siyang suplado dahil sa strong features ng mukha niya but he's actually nice. Siya lang nga ang tanging nakakausap ko sa class na ito.
"Hey, napanuod ko yung performance mo last Saturday doon sa bar nila Mienard. Are you really back there? Not just as a guest?" tanong niya. Yung dalawang siko niya ay nakapatong sa desk habang nakatagilid sa akin. Mukhang interesado talaga siya sa magiging sagot ko.
"Suki ka ba ro'n sa bar nila Mienard?" tanong ko.
"Yes, I go there every Fridays and Saturdays," sagot niya. Manginginom yata itong si Ibarra.
"Dami mong time, ah," biro ko. Natawa naman siya.
"Lagi kasi akong nanunuod ng live band nila. Saka fan mo nga kasi ako. Lagi kitang inaabangan doon na kumanta," paliwanag niya. Umismid naman ako sa naging sagot niya.
"Ewan ko sa'yo, Ibarra," sabi ko.
"Oo nga, ba't ba ayaw mong maniwala na fan mo ako? Grabe ka sa akin, ah?" aniya sabay nguso na parang kunwari ay nagtatampo. Ewan ko kung na offend ba siya sa sinabi ko.
"Oo na, fan na kung fan. Kulit mo rin talaga," sagot ko na lamang para matapos na ang usapan. Natawa naman siya.
"Ikaw nga makulit, eh. Ilang beses ko nang sinabi na fan mo ako pero ayaw mo pa rin maniwala," dagdag niya.
Mayamaya lang ay dumating na yung instructor namin at nagsimula nang magturo. Hindi na rin naman ako kinulit ng katabi ko dahil seryoso siyang nakikinig sa instructor namin.
Ako naman, medyo lutang. Mukha akong nakikinig pero ang totoo ay hindi. Iniisip ko pa rin kasi yung nangyari last Saturday.
Was it really okay na maging close ulit kami ni Nick? Should I really loosen my grip? Paano yung girlfriend niya? Okay lang bang maging close kami?
Bakit ba lagi na lang mabilis ang mga pangyayari sa amin ni Nick? We became close to each other to the point na akala ko may namamagitan sa amin. Tapos nang malaman ko ang totoo, nagalit ako sa kanya and I pretended that he's just a stranger to me with memories.
Ngayon, bumabalik na naman kami sa rati. Nagkaintindihan kami, pinatawad ko siya, okay na ulit kami. Caring na naman siya sa akin. Though alam ko nang gano'n na talaga siya, hindi ko pa rin mapigilang hindi umasa kasi nga gusto ko siya.
Ewan ko ba, para akong nasa isang maze at hindi ko na malaman kung saan ang daan palabas.
**
"So paano ba 'yan, since partner tayo sa research paper na pinapagawa ni Sir, dapat kong makuha ang contact number mo." Kasalukuyan kong nilalakad ang daan papuntang library at kasama ko si Ibarra. Inilahad niya ang kanyang cellphone na tinanggap ko naman saka nagtipa ng aking number.
BINABASA MO ANG
Aknownymous
Teen FictionAng mga taong nakilala mo, totoo nga bang kilala mo na? Mukhang marami pang hindi alam si El Judie Espinoza tungkol kay Nicholas Brian Tan... xx Sequel of Anonymous.